"What are you doing here? Kailan ka pa umuwi?!" Gulat kong tanong dito dahil hindi pa rin ako makapanila sa biglaan nitong pagdating."Seriously? I am expecting for a a warmer welcome Koi" sagot nito
"I was just surprised. Kelan ka pa dumating dito? I mean bakit biglaan? Business ba to? You should have told me para man lang nasundo kita!" Sunod-sunod kong tanong na ikinatawa na nito
"Youre really cute pag naguguluhan. Why am I here? Uhmm Lets just say na namiss kita." Ani nito sabay kindat sa akin
"Thats given Koi, you wont go here nang yun lang ang dahilan. And besides, may business ka sa Japan" tanong ko dito
"I was worried" simpleng sagot nito sabay yakap sa akin
"What? Bakit ka namang mag-aalala? I'm good here everything seems to be fine. Ang random mo naman" pagsisinungaling ko dito
"Liar" sagot nito. Hanggang ngayon hindi ako makapagtago ng sikreto sa kanya
"I already told you na kaya ko na ang sarili ko. But do know na na-appreciate ko ang pagpunta mo dito" sabi ko dito sabay pitik sa pisngi nito.
"Lets go home Koi" sabi nito habang nakayakap pa rin
"I already made my decision Koi. Kaya ko to ano ka ba? Hindi naman pwedeng lagi na lang ako magtatago sa Japan. Tanda-tanda ko na binebaby mo pa ako" Pag-aassure ko dito
"Ayokong nasasaktan ka Koi. Just say it and ngayon mismo aalis tayo" sabi nito na tinawanan ko na lang.
Same old Shin. Protective, sweet at caring. Halos si Shin ang naging kapatid ko noong lumipat ako sa Japan, he was there noong mga panahong pilit kong binubo ang sarili ko,mga panahong naguumpisa ulit ako. Siya din ang tumulong sa akin para mabilis ako maka-adjust sa kultura maging language sa Japan,kaya ganun na din kalaki ang pasasalamat ko sa kanya.
Shin is 3 years older than me, anak siya ng negosyanteng may-ari ng shipping lines sa buong asya. Nagkataon din na matalik na magkaibigan ang papa namin kaya siya din ang pinakiusapan ng papa ko na maging kaibigan ko noong lumipat ako ng Japan. Nagiisang anak kaya ganun na lang din siya kaprotective at kaingat sa akin lalo na noong malaman niya ang totoo kong sekswualidad. Pinay din pala ang mama ni Shin kaya nakakaintindi ito ng Filipino kaso nga lang katulad ni Mama ay namatay na din ang mama nito noong labin-limang taong gulang pa lang siya,but that didnt hinder him from exploring hid Filipino roots. Halos lahat ng kasambahay nila Shin sa Japan ay mga Pinay kaya matatas din itong magtagalog.
"Alam ba ni tito na nandito ka? Dont tell me tumakas ka na naman ha?!" Pagtatanong ko dito habang abala ako sa paghahanda ng inorder kong pizza para maging hapunan namin.
"I can manage. Hindi na ako bata Koi and for sure hindi yun magagalit pag nalaman niyang ikaw ang pinuntahan ko. Youre his favorite" simpleng sagot nito habang abala sa paglalaro ng mobile games sa phone niya.
About the "Koi", hindi ko rin alam. Isang araw tinawag niya na lang akong ganyan hanggang sa nakasanayan ko na ding tawagin siyang ganyan. And ang cute kaya.
"Hindi ka na nga bata pero ikaw ang inaasahan sa mga negosyon niyo doon. Susumbong talaga kitang hapon ka" pang-aasar ko dito
"Samahan pa kita eh" bulong nito na binatukan ko kaya matic na itinigil niya ang ginagawa niya para kumain na.
Paano ba ilalarawan ang isang half Japanese and half Filipino na to? Gwapo eh, may kutis na parang hindi nasisinagan ng araw, tapos yung balat parang never naka-experience ng pimples. Idagdag mo pa na maganda ang katawan niya dahil sa hilig nito sa ibat-ibang sports. Yan si Shin! Talaga nga naman ang intro ko.
BINABASA MO ANG
Oo na
HumorMaitatama pa ba ang pagkakamali sa ikalawang pagkakataon? Pagmamahal pa rin ba ang magwawagi?