Sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi ko aakalain na mahuhulog ako sa isang tao na ngayon ko pa lamang nakita. Alam kong hindi ko pa siya kilala nang husto para mahulog nang todo ang loob ko sa kanya.
Pero ano bang magagawa ko? Siya ang itinitibok nitong peste kong puso.
Narito ako ngayon sa isang café, ang lugar kung saan ko siya unang nakita.
Ang ordinaryong araw ko na iyon ay hindi ko inaasahang magiging magical, at memorable.
It happened a month ago... galing akong campus at napagpasyahan kong tumambay muna sa paborito kong café.
"Hi Jean, suking suki ka na dito sa café ha?" ani Faye, isang cashier dito sa café.
"Syempre naman, sino bang hindi magiging suki rito, e maaliwalas ang ambiance at masarap pa ang frappe."
"Hay, nako! Kung nandito lang si Manager baka bigyan ka pa no'n ng discount dahil sa sinabi mo," she said and slightly giggled. I grinned at her, sana nga ay narito si Manager Gabriel para may discount ako!
"Usual order mo ba?" she asked after a pause.
"Yes, please."
Matapos kong umorder ay naupo na ako sa usual seat ko, tabi ng glass window malapit sa entrance ng café. Gustong gusto ko talagang maupo rito dahil natatanaw ko ang mga estudyanteng pauwi na sa kanilang mga bahay, at mga sasakyan na mabagal na umaabante dahil sa traffic. Hindi ko tuloy maiwasang magmuni-muni. Nagmukha tuloy akong loner. Nagmukha akong nagsesenti.
Natigil ang pagmumuni-muni ko nang marinig ko ang pagtunog ng door chimes. Bibihira lang ang may roong pumapasok dito sa Agape Café, dahil na rin sa mahal ang mga drinks at coffees nila.
Napadako ang tingin ko sa lalaking kakapasok lang. Nakasuot ito ng puting long sleeves, nakabukas ang dalawang butones at nakatupi ang sleeves hanggang siko, itim na slacks at nakabrush up na buhok. Isa lang ang masasabi ko...
Napakagwapo.
Nang magtagpo ang tingin naming dalawa ay tila huminto ang pagtakbo ng oras. Bumilis ang pagtibok ng aking puso, at namuo ang mga butil ng pawis sa aking noo. Naging black and white ang paligid at tanging siya lamang ang nakikita ng dalawang mata ko.
"Ice cream cone sugar cookie and green tea cremé frappuccino for Jean!"
Napahugot ako nang malalim na hininga nang marinig ko ang tawag ni Faye. Nakalimutan ko atang huminga ng magtama ang mga mata namin.
Nangangatog akong napatayo at naglakad papalapit sa counter kung nasaan din ang lalaking kararating lang.
"Miss, one cinnamon almond milk macchiato and a s'mores bar please."
Napasulyap akong muli sa kanya bago kunin ang aking inorder. Pati ang boses niya nakakatigil hininga.
Muli akong bumalik sa aking pwesto, nabigla ako ng maupo siya sa isang table na katabi lamang ng sa akin at nakaharap siya sa gawi ko. Mariin akong pumikit at bahagyang iniyuko ang aking ulo. Pakiramdam ko ay matutunaw ako nang husto sa paraan ng paninitig niya sa akin.
Sinimulan ko nang kainin ang aking in-order. Naaalibadbaran ako sa presensiya niya. Hindi ko tuloy magawang makakain nang maayos. Pakiramdam ko ay binabantayan niya ang bawat galaw ko.
"A! S'mores bar and cinnamon almondmilk macchiato for Lyndon!" Tumayo ang lalaki nang tinawag ni Faye ang kanyang order.
Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib ng makita ko kung paano ngitian at kausapin ng lalaking nagngangalang Lyndon si Faye na pasimpleng kinikilig.
BINABASA MO ANG
Love at First Glance
Short Story[COMPLETED] The first time I laid my eyes on you, I already knew that I've fallen in love... so hard. --- This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitio...