"Cheers!"
Itinaas namin ang mga hawak na bote ng beer at sabay sabay na uminom sa paboritong bar.
"Happy Birthday to our Mira! Team A is always here sa lahat ng phase ng buhay mo." Kitang kita ang saya sa mga mata ni Arns habang nakatingin sa mga mata ko. He's one of the Team A's member. High School pa lang Team A na yung tawag sa amin ng mga batchmates namin kasi yung mga names namin na magkakaibigan ay nagsisimula sa letter A.
Arns is one of the heartthrobs nung High School. Honor Student, maputi, chinito at itim na itim ang buhok. Daming nagkaka crush sa kanya noon pa lang... well hanggang ngayon naman, may pagka chicboy kasi. Motto niya, "Basta babaeng walang sabit, siya ay pwedeng lumapit"
"I can't believe you're already 27 years old, Almira! You look so young!" Aiel said habang nagvi-video pa. She's the sophisticated type, has long and brownish hair and one of the honor students din nung high school namin. Now you know bakit ako kasama sa Team A. My full name is Almira Bautista.
"So Mira, what's your plan after resigning? Hindi ko akalain na nagresign ka talaga dun sa work mo. You're doing great naman 'di ba?" Abi asked then gazed at the table near us. Hindi ko na lang sinagot ang tanong niya at tumingin din sa tinitingnan niyang table. Napatingin na rin yung iba dun. Abi is a dancer then a good captain of volleyball team nung HS. Sobrang active niya sa mga school orgs. Siya rin ang muse namin dati kasi kaya nya magpaka boyish type or sophisticated type. Depende sa trip nya. Yeah, she's really pretty at katulad ni Aiel ay popular sa boys. By the way, honor student din siya. Galin
"Sino'ng type mo dyan, Abi?" Tinabihan siya ni Anton. Oh, Anton... he is the vice-president of the whole batch. Active din siya sa mga orgs. Actually lahat naman kami pero sila lang ni Abi yung sobra pa sa sobra. And I don't want to forget na isa din siya sa honors noong HS.
Kaya raw Team A ay dahil Team Ace. I'm not sure where it started, bigla na lang nagkaroon ng fan page ang school dati with that name hanggang sa kumalat na pati sa ibang school. Si Aiel lang yung mahilig sa social media sa amin kaya siya yung laging nag-uupload ng pictures sa account niya. Then yung admins naman ng Team A's fan page ay kinukuha yung pictures para ma-upload sa page nila.
"Hmmm... let's see... I think yung naka blue. The one wearing the cap. Cutie... pwede na. So... let's have a game?" Abi.
"Oh... I love it!" Aiel.
"Sure pero out na kami ni Arns dyan, ah? Sino una makakuha ng number nila ang panalo," Anton.
"Dude, so easy for them. There's no fun kapag ganon lang. How about if it's the other way around?" Arns.
"You mean sino maunang magtanong ng number namin ang panalo?" Aiel.
"That's it, Aiel! So G?" Arns.
"Kasali ka din Mira, ah! It's your birthday so don't be a kill joy!" Anton teased. "Are you in Ms. Valedictorian?"
"Stop calling me that, Anton." I said in a poker face. Yes, I AM the schools' Valedictorian. Pero tagal na nun. Hanggang ngayon tawag pa rin sakin yun ni Anton e. Sometimes he calls me Vali, short for Valedictorian.
"I'm in if the prize is good enough," I said. Sayang oras e.
"Competitive ka talaga kapag may premyo lang." Humalakhak silang lahat.
"Ok. Yung winner samahan ni Arns mag shopping!" Anton.
"What?! Yun lang?!" Sabay na sabi ni Aiel at Abi.
"Tapos si Arns din yung magbabayad. Good enough ladies?" Nagningning yung mga mata namin tatlo.
"Bakit ako?! Ano ako Human ATM nyo?" Tumawa lang si Anton at hinampas si Arns sa braso.
BINABASA MO ANG
Fated To Be Mine
Teen FictionI'm Almira Bautista, high school Valedictorian and one of the members of the famous Team A. I got my heart broken after high school. Akala ko hindi na ako makaka move on pero nakita ko si Mateo Asuncion, our batch Salutatorian. Hindi ko alam pero ku...