Chapter 4

2 0 0
                                    

Alas 5 palang gising na kami ni baby. Nakasanayan ko na rin gumising ng ganung oras. Ilang araw nalang balik trabaho na naman ako.

Hayy,si Amy naman wala ding balita. Ano ba yan,di man lang ako makagala.

Speaking of gala,why not isama ko si baby. Hmm,bright idea.

Pagkatapos kung painitan si baby. Pinadede ko muna tsaka pinaliguan.
Pinatulog ko muna,mamayang alas 8 pa kami lalabas.
Hayy nakakamis mag- gala.

"Nay,pwede po ba kaming lumabas ngayon ni baby. Igagala ko muna to tsaka nakakaboryong dito sa bahay eh.  Pwede po ba?,"paalam niya kay nanay niya.

"Pwede naman,huwag lang kayong papagabi. Saan ba kayo gagala?,"tanong ng nanay niya.

"Dyan lang po sa may park tapos pupunta kaming mall. Titingin na din ako ng anong mabibili doon.,"sagot niya rito.

"Anong oras ba kayo aalis? Kumain ka muna,"pinagsandukan siya nito ng kanin tsaka ulam. Hotdog. Sunny side up. Tsaka gatas.

"Mga alas 8 po nay,"sagot niya habang kumakain.

"Oh,sige tapusin mo muna yan,tapos maglinis ka muna ng bahay tutal tulog pa yong bata at ako'y magtitinda muna,"pagpapaalala nito. May tindahan kasi sila sa palengke. Sarili nilang pwesto iyon.

"Sige nay,"pagsasang-ayon niya rito.

Pagkatapos niyang kumain ginawa niya yong pinapautos ng nanay niya sa kanya.

Nag-iisip rin siya kung ano ang pwede nilang gawin ng araw na iyon.

Nang matapos niya lahat ng gawain naligo na sya't nagbihis ng simpleng damit.

Isang black t-shirt na lumalabas ang pagiging maputi niya na may print sa harapan na "I Am Beautiful,No Matter What They Say".Tsaka tenernohan niya ng jeans and white shoes.
Then,tadaaannn ,ready na sila ni baby.

Konting bihis lang sa bata. Tapos na .
Para talaga silang mag-ina kung titingnan.
Dala-dala niya yong mga gamit ng bata tsaka tulak-tulak niya yong stroller habang si baby ay natutulog.

Sa park ang unang destination nila. Sa ilalim ng mayabong na puno sila tumambay habang kitang-kita niya mula sa kinauupuan niya ang mga batang masayang naglalaro. Naghaharutan na mga couple na sadyang nagpapa-asim ng kanyang mukha.

(Inggit ka? Maghanap kana rin kasi. Akala mo naman kung sinong maganda. Napaka-choosy mo te.)

'Hindi ko kailangan ang opinyon mo sasabat ka pa,inner self!

Kumakain siya ngayon ng baon nilang pagkain ng may namataan siya,di kalayuan sa pwesto nila.

Kumpletong pamilya. Masaya. Nagkakaroon ng pagkakaisa.
Nakaka-inggit , yan ang unang rumehistro sa damdamin ni Ishie.

Ang sarap sigurong magkaroon ng tatay ,ano. Yong tipong may mapagsabihan ka sa mga nang-aaway sayo. Yun bang,pag-uwi mo may magsasabing"andito na yong maganda kung anak".

Nakaka-inggit,sobra.
Kung pwede lang ibalik ang nakaraan at baguhin ang mga pangyayari ginawa ko na. Kaso hindi eh,hindi pwedeng gawin.

Habang nakatingin siya sa mga ito hindi niya namalayang tumulo na pala yong luha niya sa sobrang sakit na nadarama.

Hindi rin niya ramdam na may taong papalapit sa kanya.

"Miss,hindi ko alam kung anong nararamdaman mo ngayon pero I know,you need this,"sabay lahad sa kanya ng panyo nito.

"Anong gagawin ko diyan,"pagtataray niya rito.

"Wipe your tears,Miss,"sagot nito sabay alis.

Doon lang niya napansin nabasa na pala yong pisngi niya.
Kaya wala siyang choice kundi gamitin iyon. Naiwan ba naman niya sa bahay yong panyo niya.

Di bale nalang isasauli ko nalang ito pag nagkita kami.

Aba,teka di ko alam pangalan niya.
Ay bahala na. Isasauli ko to ,magpapasalamat na din.

A Day with A StrangerWhere stories live. Discover now