Chapter 5

1 0 0
                                    

Nawala na sa isipan niya ang lalaki ng nasa mall na sila.
Pati na rin yong nararamdaman niya kani-kanina lang.
Nalilibang siya masyado kakagala pati na ata ang baby kasi panay tulog lang.
Ang swerte niya't hindi ito tinupak ngayon.

Huminto muna siya sa may quantum. Nae-engganyo siyang maglaro kaso may sabit siya ngayon.
Nakakapagpatulo ng laway yong mga tokens na hawak ng mga chikiting.

Hayss,umatake na naman yong pagiging isip bata ko. Kasalanan ko bang ganun ako.

Umalis na lang siya doon baka mag-iba ihip ng hangin at dalhin niya rin sa loob si baby.

Dinala siya ng mga paa niya sa nakahilerang fast foods. Kumulo bigla yong tiyan niya. Takam na takam na siya sa mga masasarap na pagkain na andun.

"Good morning ma'am,ano pong sa inyo?,"tanong ng cashier sa kanya.

"Miss,isang burger with fries tsaka isang tubig. Salamat.",sagot niya rito at umalis na sa pila para maghanap ng pipwestuhan.

(At aalis,magbabalik at uuliting sabihin---)

Ringtone ko yan.
Wag ka.

" Hello,this is malacañang palace. How can i help you,"pagbibiro niyang sagot sa kaibigan.

"Bruha ka,sabi ni nanay nag-gala daw kayo. Saan kayo ngayon? Kumusta si baby? Di ba nagpasaway?",sunod-sunod na tanong ng kaibigan niya

"Teka lang,teka lang. Makatanong eh,mahina kalaban. Wait lang,okay.
Oo,nag gala kami. Nasa mall. Kumakain. Yong anak mo ,heto tulog na tulog. Ayaw na ata gumising ,joke lang. Hindi naman nagpasaway,"sagot niya rito habang kumakain. Dumating na order niya eh.
"Bakit ngayon ka lang nagparamdam babaita? Akala mo siguro wala kang atraso ano. Explain. At nang makakain na ako ng maayos.", tanong niya rito.

"Eh kasi,busy kami ni Josh. Hehe,alam mo na . Bonding time namin,edi sinulit namin. Alam mo namang ngayon lang ulit kami nagsolo tsaka safe naman si baby eh. Nasa iyo nga siya diba,kaya wag kanang magalit,"mahabang paliwanag ni Amy sa kanya.

"Pasalamat ka't ako ang naging kaibigan mo,kailan ba balik niyo ng makuha ko na yung pasalubong ko," kunwaring nagtatampo na turan ni Ishie sa kaibigan.

"Basta , secret muna," nang-iinis na sagot nang isa.

"Tsee,sige na baba ko na itong tawag,baka mainip na bituka ko," natatakam na sagot niya. Nakahain na kasi ang inorder niya at gutom na talaga siya kakagala.
"Paalam na aking kaibigan," sabay lamon niya. Gutom na gutom na talaga siya. Ang sarap talaga kumain.

(Kaya wala kang curve eh,panay kain)

Sumisingit na naman inner self ko.
Magtigil ka't ako'y gutom na.
Alas dyes na kasi. Di niya namalayan ang oras dahil sa drama niya kanina.

Speaking of kanina. Nahagip ng paningin niya ang panyo ng mysterious guy.

Napaka-gentleman naman ng lalaking iyon. Akalain mo, di sila magkakilala ngunit di nag dalawang isip na i-offer ang panyo nito.

Binulatlat niya ito at may nakita siyang maliit na letra. Hinayaan na lamang niya iyon at nagpatuloy sa pagkain.

Habang busy siya sa pagsubo tumunog ang kanyang cellphone.
Ang nanay niya ang tumatawag.

"Oh nay,napatawag po? Kumusta diyan sa palengke?," tanong niya rito pagkasagot ng tawag.

"Maayos naman dito. Umuwi na kayo bago mag tanghalian. Mainit na Ishie,dala mo pa naman yung bata,"paalala nito.

"Oho Nay,bababa ko na ito," sabay patay ng tawag.

Nang matapos na siya sa pagkain at nakabayad,masaya siyang umuwi kasama ang batang tulog pa din.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Day with A StrangerWhere stories live. Discover now