One!

42 2 0
                                    

Four years. Four years already passed but im still looking for her. I have no news from her since then. I tried the best I can to atleast know where she is, if she's okay, if she still loves me but I got nothing. Since then? I became miserable, my life became pointless. 

02/01/** 1:57 pm.

Another year has passed but im still looking and will look for you. Even if it takes me a lifetime to find you. Im miserable, devastatedand lastly lifeless. What's the point of life if you're not here with me? I miss you so much! I goddamn miss you! Do you miss me also? I still wait for you at our favorite place hoping that maybe you'll come. Yesterday I went to the place where we first met and all I could do is to again, cry. You're so unfair! You leave me without asking for my permission first! I love you! I still do and will do.

-Charlie

Mabagal kong sinarado yung laptop ko at marahang pinunasan yung mga luhang natira sa pisngi ko . Meron nanaman akong entry para sayo sana naman basahin mo kahit papano. Nakakatawa lang isipin na ginawa ko ng diary yung account mo. Hinahanap mo rin kaya ako? Mahal mo pa rin ba ko? Kasi ako oo! Mahal na mahal na ang sakit sakit na! Kamusta ka na kaya? Okay ka lang ba?

Masaya ka ba? Meron ka na bang iba? Siguro meron na apat na taon na din naman ang lumipas e. 

Bumalik ako sa kama ko at humiga. Pinatong ko yung braso ko sa noo ko at tumitig sa kisame. Naaalala nanaman kita. Sa twing nakakakita talaga ko ng stars naaalala kita.Saka pano ba naman? Tinulungan mo kong ilagay yang mga stars na yan diyan sa kisame. Masaya pa tayo nung time na yun diba? Masayang masaya pa.

Naramdaman ko na lang na may mainit na likido ang dumaloy pababa sa mata ko. Umiiyak nanaman ako. Palagi naman e. Sa twing naaalala kita naiiyak ako. Ang sakit sakit sobra! Napapikit ako at nilagay sa mata ko yung braso kong kanina nasa noo ko. 

Miss na miss na kita kung alam mo lang! Ako kaya? Nami-miss mo? 

"Sir charlie? Kakain na daw po."rinig kong sabi ng isa sa mga kasambahay namin.

Hindi ako sumagot. Umupo ako sa kama ko at sumandal sa headboard ng kama ko. 

"Sir charlie?"tawag ulit nung kasambahay.

"Pakihatiran na lang ako dito."sabi ko at pinunasan uli yung luha ko.

"Sige po sir.Hintayin niyo ko."sagot niya at nawala na.

Mula sa gilid ko kinuha ko yung librong paborito mong basahin. Alam mo bang araw-araw binabasa ko to? Pakiramdam ko kasi kasama kita kapag binabasa ko to. Naglakad ako at pumunta sa balkonahe ng kwarto ko at naupo sa upuan na dati ay inuupuan mo sa twing nags-stargazing ka o sa twing gusto mong magpahangin. Pumikit ako at bumuntong hininga hinihiling na sana sa pag-mulat ko nandito ka na sa tabi ko pero nanghinayang na lang ulit ako ng pagbukas ko ng mga mata ko. Ako lang mag-isa hawak ang paborito mong libro. 

Naramdaman kong may pumatak sa mukha ko dahilan para mapatingala ako. Umaambon at parang uulan ng malakas.Napa-ngiti ako ng pagak. Mukhang nakikisama pa pati ang panahon sakin. Naaalala nanaman kita. Gusto mo ng ulan hindi ba? Sabi mo kasi merong kakaiba sa paligid kapag umuulan at pagtapos nito. Merong kakaibang pakiramdam din kapag umuulan. 

"Sir?"tawag nung kasambahay sakin na may kasamang pagkatok. 

"Ilagay mo muna diyan sa lamesa."sabi ko.

Bumukas yung pinto at narinig ko nang nilapag niya yung pagkain ko sa lamesa.

"Kung may kailangan kayo sir tawagin niyo lang ako."sabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miserable ( One shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon