Chapter 40 - Extremo Tempore

1.8K 92 35
                                    

All we have to decide is what to do with the time that is given us

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

All we have to decide is what to do with the time that is given us......

So comes snow after fire, and even dragons have their ending!

-J.R.R Tolkien

Seth Kyrie

Prime Corals Residences

déjà vu

noun [ U ] US /ˌdeɪ·ʒɑˈvu/

- the strange feeling that in some way you have already experienced what is happening now

Yung feeling na yung senaryo na nakita mo noon ay nauulit muli sa isang araw na di mo inaasahan. Kahit sa aking pagtulog ay ginagambala ako ng pangyayari kahapon.

Naririnig ko ang wangwang ng ambulansya, ang tunog ng monitor, ang patak ng dextrose at yung pag galaw ng kamay ng orasan.

At isang mahabang flatline...

Time of death, 19:21...

The race of death.

Ito yung mga araw na toxic, na kahit di ka kumain ng pansit ay talaga namang ha-huntingin ka ng mga ganitong pagkakataon. Yun bang naghihilaan sila. Pag may namatay na isa, sunod-sunod na yan hanggang makumpleto ang pito. Di ko naman sinasabing it happens all the time, pero kadalasan ay parang ganun na nga.

Kahapon dapat ang surgery ni Aaron kaya lang ipinagpaliban ni Dr. Umali dahil sa nangyayari sa ospital. We practiced for weeks, we did all the simulation and research. Di na nga namin alam kung ilang oras kami natutulog sa isang linggo. We come up with plans sa ibat-ibang senaryo and we already informed his family sa kung ano man ang pwedeng sapitin niya. Kinausap kong muli si Aaron at tinanong ko kung sigurado ba talaga siya sa desisyon niya.

"I trust you Sky"

Para bang ang bigat ng responsibilidad na yun. Para bang yung buong daigdig ay pasan-pasan mo sa iyong kamay. Alas otso ng gabi kahapon ng umuwi ako, dumiretso ako sa pad ni Dio. Naiwan siya doon dahil may surgery siya hanggang madaling araw. Sa oras na yun, limang pasyente na ang namamatay. Another one flatlined at 10:45 ayon kay Lex.

Di ako makatulog noon, andami kong iniisip. Nakatingin lang ako sa kisame. Madami akong agam-agam, tinatanong ko ang sarili ko kung tama pa ba ang pinag-gagawa ko sa buhay ko. Nakasalalay sa akin ang buhay ng isang ama na maliit pa ang anak. Na sa kasalukuyan ay di pa naiintindihan ang mga bagay-bagay.

Milagro ang kailangan namin upang magawa ang procedure na ito without deficits. Kailangan ko ng hail mary o ng isang holy grail. Di ko alam kung kaninong santo ako magdadasal. It's either I'm a healer or a killer here.

Ang huling naalala ko bago ako makatulog ay ang message mula kay Dio.

"I'm coming home, my patient didn't make it, he died at exactly 11:59"

One in a Million Chances (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon