"Wife.."
Napangiti naman ako sa yumakap sakin kaya hinarap ko siya. Ang gwapong mukha ng asawa ko.
Hinihintay ko talaga siya twing gabi dahil hating gabi na siyakung umuwi. Alam kong mahirap ang trabaho bila heir ng pamilya.
He's the onlychild.
Hindi kagaya ko apat kaming magkakapatid at puro lalaki pa.
Ako lang din naman ang nagiisang babae sa Mondragon Clan.
Kaya ako ang hinirang na Heiress.
At overprotective sila sakin lalo na ang mga kuya ko.
"Can't sleep? I told you na wag muna akong hintayin pa" nakasimangot na sambit ng asawa ko kaya natawa ako.
Nagagalit kasi siya kapag hinihintay ko siya pero anong magagawa ko? Asawa niya ako at responsibilidad kong hintayin siya.
Maraming nagsasabi sakin na may kabit daw ang asawa ko at maraming babae ito, hindi naman ako naniniwala ron dahil alam kong ako lang ang babae ng asawa ko.
Hind niya ako papakasalan kung mangbababae lang siya.
"Ayos lang naman sakin yun. Maaga kasi akong nakauwi kanina galing sa FEM CORP hindi naman din ganun kadami ang ginawa ko" sambit ko sa kanya habang tinutulungan ko siyang tanggalin ang coat at necktie niya.
"Hays. Alam mo naman ayokong napupuyat ka" malambing niyang saad sakin kaya napangiti na lang ako.
Hindi talaga ako nainiwala na nangbababae siya kung ganyan naman niya ako lambingin.
Pagkatanggal ko ng coat niya nanuot sa ilong ko ang isang hindi familliar na amoy parang amoy ng babae?
I don't know, hindi kasi ganito ang pabango niya tsaka isa pa napansin ko na parang may lipstick ang sleeves niya. Pero hindi ko na yun pinansin baka pintura lang yon.
Sinong niloko mo faith?
"Hey What's wrong Wife?" Tanong niya sakin. Umiling lang ako at humiga na lang ako na lang ulo ko sa balikat niya at walang imik na napapikit na lang.
"Mahal na Mahal kita Zendrick.." mahinang bulong ko sa kanya ramdam kong natigilan siya pero niyakap niya lang ako ng mahigpit.
Sana lang mahal mo pa rin ako.
--
Nakalipas ang buwan, at taon. Umabot na sa apat na taon ang pagiging magasawa namin , ganun parin naman siya sweet at maalaga sakin.
Palagi ko parin siyang hinihintay kahit nakakatulugan ko na, tapos kapag gigising ako sa umaga na wala na siya sa tabi ko, susulatan lang niya ako na may meeting siya ng umaga kaya iniintindi ko na lang siya.
Pero minsan nababalitaan ko na lang sa mga kaibigan ko na nasa isang bar si zendrick at gabi gabi daw itong nasa bar at parang may babaeng palagi niyang tinitignan o pinagmamasdan.
Di naman ako nainiwala kasi alam kong mahal ako ng asawa ko.
"Besh!" Napangiti naman ako sa narinig kong boses. Ang kaibigan ko mula elementary hanggang ngayon. Si Dale Corpuz.
"I have something to tell you!" Kunot noong sambit niya sakin. Napailing naman ako at nagpatuloy sa ginagawa ko.
"about your husband!" Natigilan ako at tumingin sa kanya. Kumalabog ng malakas ang puso ko parang ayoko madinig ang sasabihin niya
Huminga ako ng malalim
"What is it?" walang ganang tanong ko sa kanya kahit na sobra sobra na ang kaba ko."I told you may babae ang asawa mo! ilang mga kaibigan natin na may hinahatid sundo siya sa bar na sinasabi ko sayo!" sambit niya sakin na kina buntong hininga ko na lang.
YOU ARE READING
It's His Mistress - INCOMPLETE
ActionIt's His Mistress is signed exclusive contract on dreame/stary.