Prologue

7 0 0
                                    

Underground society ay isang battlefield kung saan naglalaban-laban ang mga criminal organization na mas kilala bilang Mafia makikita rito kung sino ang pinaka malakas at pinakamakapangyarihang organization sa lahat.

between money and power, gaano nga ba kahalaga ang pagibig kapag ito na ang pinaglalaban?

♦♦♦

Isang malamig na bagay ang dumampi sa sintido na nagparamdam na ito na ang hangganan, isang kalabit lang at tapos na ang paghihirap.

Bakas ang takot mula sa nanginginig na tuhod at kawalan ng pag-asang pinaniwalan sa una palang.

Nilaan ang natitirang minuto para sariwain ang masayang oras na lumipas at pinagsisihan ang bawat pagkakamaling nagawa.

Papalapit na ang paghatol ng may marinig na sunod sunod na pagbagsak, nakaramdam ng kalayaan ng mawala ang taling pumipigil sa mga kamay at paa, ng mawala ang piring sa mga mata ay nakita ang isang... Anghel.

Hawak ang isang sniper rifle inabot niya ang kamay niya.

Tumakbo ng tumakbo sa madilim na pasilyo hanggang nakarinig na lang ng alingaw- ngaw ng serena.

Mula sa likuran rinig naman ang mga yabag at putok ng baril pero patuloy lang sa pagtakbo, hindi nagtagal ay na abot ang hangganan ng pasilyo ng mabukasan ang isang puting pinto.

Nakita ang kalayaan na hinihintay pero kapalit nito ang pagbawi sa anghel na pinadala upang tulungan ang isang mahinang nilalang.

♦♦♦

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Underground SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon