Dedicated to cyril005Agad na ibinato ng Phoenix ang dambuhala at may kalakihan kulay bughaw na nagbabagang bolang apoy
Dahil sa matinding kapangyarihan na inilabas ng Phoenix ay unti-unting nagkaroon ng mga pagsabog sa loob ng Magic Circle.
Makikita hindi basta basta ang kapangyarihan ng bolang halos wasakin na ang lugar na pinangyarihan ng labanan ngunit ngayon ay tanging sina Evor na lamang ang naiwan.
Hindi maipagkakailang ang ginawang rituwal at engkantasyon ay napakalakas na kahit na sinong makasaksi ay pangingilabutan lalo pa't sobrang gulo ng mga enerhiya sa labas ng napakalaking Magic Circle maging ang nasa loob nito ay hindi maitatangging nakakatakot ang enerhiyang bumabalot dito.
Tunay ngang ang lakas ni Evor ay bumalik na ngunit kagaya pa ba ito ng dati?
Hindi, ito ang sagot sa tanong na namutawi maging ang sariling kakayahan ni Evor ay hindi makakailang hindi ito kagay noon.
Meron nang kaginhawaan sa katawan niya na alam niyang kahit na ang seal noon ay hindi ito ang epekto nito sa katawan niya.
Malaking tanong ito sa isipan ni Evor ngunit hindi mapagkakailang namangha pa rin siya sa kapangyarihan niya.
Pagkatapos ng mga pagsabog na maririnig sa kapaligiran ay nag-iwan ito ng mga makakapal na usok na siyang tumatakip sa nangyayari sa loob ng Magic Circle.
Makaraan ng ilang minuto ay makikita ang napakaraming mga nagliliwanag na mga malilit na bolang apoy na wari'y naglalagablab.
Ito ay walang iba kung hindi mga ispirito ng mga nangamatay na ngayon ay nakalutang lang sa loob ng Magic Circle.
Kung bibilangin ay isa, dalawa, tatlo... ,, Sampo? Ngunit hindi sapagkat libo-libong mga kurting bolang apoy na asul.
Halos hindi mabilang ang bolang apoy na patuloy na lumulutang na animoy mga ilaw na hindi nagniningas.
Dahil sa dami nito ay nagliliwanag ang buong kapaligiran. Unti-unting nakikita ng malinaw ang mga lupain na sakop ng liwanag ng mga bolang apoy.
Hindi na pinatagal ni Evor ang isinagawang rituwal. Unti-unting nagliliwanag ang napakalaking Magic Circle na maging ang mga simbolong nakaukit dito ay mas tumitingkad ang kulay, patunay lamang na mas malakas ang isinagawang rituwal ngayon na siyang konektado sa naunang rituwal ni Evor na may tulong ni Phoenuro, ang maalamat na Phoenix.
Agad na lumipad paitaas si Evor. Ang mga kanang mata nito ng kung tawagin ay Phoenix Eye ay unti-unti na ring tumitingkad habang patuloy na isinasagawa ang rituwal. Hindi maitatangging mas malakas ang pangalawang hakbang ng isinasagawang rituwal.
Nag-iba na ngayon ang katawan ni Evor,nabalot ng napakatingkad na kulay dilaw ang buong katawan nito na halos hindi na matukoy kung tao ito. Habang isinasagawa ang rituwal ay mas lumalabas ang mga natatago nitong katangian na wari niya'y konektado sa kanyang pagkatao.
Nakasalalay ang libo-libong mga buhay sa kanya na mula sa oras na ito ay isang maling pagkalingat at pagkawala ng atensyon niya ay malaki ang posibilidad na mawala na pag-asang minimithi niya na baguhin ang tadhana ng nakararami.
Hindi lang simpleng rituwal ang ginagawa ni Evor kundi isang paggamig ng ipinagbabawal na rituwal. Isang uri ng pagsagip sa kamatayan.
Isang Ritual of Birth na siyang pinakabihirang mangyari sa kasaysayan ng Cadmus Continent na siyang isa sa itinuturing na Duke Level 1 Magic.
Ang pinagkaiba lang ay nangangailang ito ng libo-libong mga tao na siyang kinakailangan sa pagsagawa ng rituwal na ito.
Isang paglabag ngunit para kay Evor ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang kahit papaano ay maitama ang pagkakamaling nagawa ng karamihan.
Masama ang kumitil ng buhay ngunit mas masama ang hayaang mamatay na lamang ang mga taong ito lalo pa't karamihan na nandito ay nadamay lamang sa labanan o kaya ay nasilaw lamang sa kayamanang gusto nilang tamuhin na hindi naisip ang kanilang buhay na mapupunta sa alanganin.
Lahat ay nagkakamali kung kaya't sino ba naman si Evor para tanggihan ang pagtulong sa mga taong nandito na ngayon ay isa lamang na kaluluwang naghihintay sa nalalapit nitong kamatayan o kawakasan.
Walang ng sinayang na panahon si Evor at nagbigkas na ito ng mahabang engkantasyon na ibinigay ang lahat ng kanyang atensyon sa pagsasagawa ng rituwal. Nakasalalay sa kanya ang lahat.
"Anyone will be weild by a new existence. A life, a rebirth, a new beginning hall bestown upon who dies. Weild!"
Ang napakatingkad na Magic Circle ay nagkaroon ng napakalaking apoy na kagaya ng apoy ng Phoenix. Ang mga bolang apoy na kani-kanina lamang ay lumulutang ay nagkaroon ng paggalaw.
Unti-unting kumikilos pababa ang mga bolang apoy na kulay dilaw. Lumubog ang mga ito sa ilalim ng mga lupa na wari'y may hinahanap.
Maya-maya lamang ay unti-unti na rin itong lumutang paitaas ngunit kasabay ng pagtaas nito ay ang pagkakaroon nito ng animoy lupang mabilis na umiikot sa bawat bahagi ng bolang apoy na wari'y konektado ang mga uto sa isa't isa.
Agad na lumipad palayo si Evor sa rituwal na pinangyarihan. Ang kaniyang trabaho doon ay tapos na. Tanging ang magagawa niya na lamang ay panoorin ang susunod na mangyayari.
Nang makalayo na si Evor sa Napakalaking Magic Circle ay siya namang paglitaw ng Napakalaking Phoenix. Makikita mo dkto ang naglalakihan nitong apat na piraso ng pakpak na sa bawat pagaspas nito na naglilikha ng paglakas ng hangin sa himpapawid na nagdudulot ng paglihis ng direksiyon ng hangin.
Humuni ang maalamat na Phoenix ng malakas sa hindi malamang dahilan. Nakatiklop ang pakpak nito at unti-unting lumipad ito paitaas na nilampasan ang nagkakapalang mga ulap na siyang pagkawala ng imahe nito. Ilang minuto lamang ang nakalipas at agad na itong bumulok paibaba.
Kasabay ng pagbuklat ng mga pakpak nito ay umikot ito ng pabilog sa napakalaking Magic Circle.
Kasabay nito ang unti-unting paglagas ng pakpak nito na siyang paghina at unti-unting pagkawala ng kulay at pagpusyaw ng apoy nito sa katawan.
Hindi mawari ni Evor na Magiging ganito ang kahihinatnan ng lahat.
Sumigaw ng napakalakas si Evor na wari'y may napakalungkot ng ekspresyon na bakas sa napakaamo nitong mukha.
Huwag...!
Ngunit huli na ang lahat, natapos na din ang pagsagawa nila ng rituwal. Kasabay ng pagkalagas ng pakpak nito ay siyang pagkaabo at paglaho ng katawan nito. Tanging mga abo na lamang ang makikita sa mga lupang pinagbagsakan ng Phoenix na si Phoenuro.
Kumawala ang luha sa mga mata ni Evor. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa kanyang plano na siya palang ikakapahamak ni Phoenuro.
"Bakit?!" Tanging nasambit ni Evor na may kasamang paninibugho sa sinapit ng isa sa kanyang minamahal sa buhay. Itinuring niya itong isa sa kanyang pamilya at napakasakit sa loob niya ang nangyari.
Tanging paghikbi na lamang ang kanyang nagawa na wari'y sising-sisi sa kanyang sarili..
Hinihiling niya na sana ay siya na lamang iyon.A/N: I need 1million votes.
Joke! Isang vote para sa dedication. Paunahan nalang po...
BINABASA MO ANG
Cadmus Academy [TUA 1] 𝓖𝓸𝓭𝓵𝔂 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 #1
FantasiaSi Dion Claspior Lemnevor aka Evor ay isang pambihirang summoner na gustong tuklasin ang kanyang tootong katauhan. Mahahanap niya kaya ang sagot sa kanyang tanong kahit na walang kasiguraduhan o mananatili na lamang siyang parang bulag at uhaw sa k...