It's been weeks na wala si papa. I'm still trying to cope, hindi ko pa ma-accept na wala na nga siya. Masakit. Ikaw ba na naman na mawalan ng papa?
Well, si mama... she died nung ipinanganak niya ako. Don't get me wrong, miss ko rin siya kahit hindi ko talaga siya nakilala.
Mahirap rin i-accept na wala na akong mga magulang. "Orphan," bulong ko sa sarili ko. Ang weird.
"Oi!" Siniko ako ni Bea, bumabalik sa reality. "Nag-zozone out ka nanaman!"
"What did I miss?" Tanong ko sa kanya.
"May exer daw tayo next week Wednesday."
Ugh! Walang kasawa-sawang exer sa Math 17 (College Algebra and Trigonometry). Nakakainis!
"Girl! Last subject na 'to! You know what that means!" Tas winiggle niya yung kilay niya. "Galavanting time!"
Oh. Lakwatsa nanaman. Hayy..
She rolled her eyes. "Ano ka ba? You have to stop that!"
"What?" Okay. Medyo confused ako. Ayoko lang maggala ngayon. I'm not in the mood.
"You have to stop moping!" Tinuturo niya ng paulit-ulit yung daliri niya sa noo ko.
"Ow!" Ni-rub ko yung palm ko sa ulo ko. Masakit naman kasi.
"Sa tingin mo ba gusto ni Tito William na ganyan ka? He wants you to get a life! To be happy! To continue living kahit wala na siya!"
It went straight to the heart. Blunt talaga yung sinabi niya and then I felt bad.
Oo nga naman. Ayaw ni papa na makita akong ganito. Baka masaktan rin siya. Utang na loob ko na sa kanya na makita niya akong masaya.
Nagbuntong-hininga ako... "Fine." Then she beamed at me. "That's better! Gala tayo around Grove!"
On the way to Grove, we decided na maglakad na lang kami. Habang naglalakad, medyo walang hiya pa nga kami, tawa ng tawa ng malakas na napapatingin yung ibang tao sa'min at kumakanta ng Break Free ni Ariana Grande ng medyo off-key. Baliw nga.
Nang nandun na kami sa tapat ng Math Building, nilakad namin from CEAT (College of Engineering and Agro-industrial Technology) papuntang entrance, may tumigil na black Mercedes-Benz car sa tabi namin ni Bea. And it looked damn familiar...
I froze.
Gideon. Gideon Black.
Oh my gosh! Anong ginagawa niya dito!?
Oo nga pala... Si Gideon Black ay business partner ni papa. Siya yung current CEO ng Black & Protacio, some big-shot company na nag-rurun ng chain of restaurants. Yep, he's in league of Henry Sy at Lucio Tan... and siya'y isang kilalang player. Haha! Ang clichè niya. Oh, and he's only 9 years my senior. Buwisit siya!
Binababa niya yung windows niya. "Margaux? What the hell are you doing there?!" Yung tone niya na iirita sa'kin at reprimanding, tas lumabas siya sa car niya.
Gosh, he looks like a fallen angel na may Greek-god body. What?! I did read it somewhere, pero perfect yung description sa kanya.
He really works out, yung muscles niya nag-bubulge dun sa suit na suot niya. At, oh my gosh, he is chinito (chinito ang type ko!), pero more of a Daniel Henney-type chinito... Half British nga pala siya. Agh! Hawt.
Waaait! Joke lang! Joke lang! Hindi ko siya type! Joke lang! At please. He's like waaay older than me.
"Excuse me?" I was outraged! "Tapos na po ang classes ko at masama bang gumala ng kaunti? And it's only 4pm!" Hindi niya ako pinansin.
Tiningnan niya at ngumiti siya ng trademark smile niya kay Bea, na namula ang pisngi. I'm not surprised. He has that effect on the majority of the female population. 'Kala mo kung sinong gwapo... #bitter
"Ang hot niya!" Bulong ni Bea sa'kin. Habang inaadmire niya si Gideon. Ganon ba talaga siya ka-gwapo? Haha! Hindi ko napansin.
"Uh... Gideon, Bea. Bea, Gideon." Nakipag-shake siya ng hands kay Bea, professionally. "It's a pleasure meeting you." Then she smiled shyly at him, tapos tumingin siya sa'kin.. Marge, fudge! Ang hot niya!I really hate that effect of his sa opposite gender.
"Margaux, you're coming with me," sabi niya sa'kin na may authority sa boses at hinila niya ako papasok sa kotse niya at nag-sped off na.
"What the hell, Gideon!" Sigaw ko sa kanya. "Pano si Bea? May usapan kami! Saan--?"
"Pupunta tayo sa Maynila."
"Bakit? May pasok pa ako bukas."
"Reading ng Last Will and Testament ng papa mo."
Fudge!