TheAlienMind's Note: This is the part 2 of Tsinelas (one shot)
Enjoy reading ✾꒡ .̮ ꒡✾
Hope you like this part 2 mga alien friends ko.
Please beware with my typo errors.
No softcopies to be distributed without any permission from the author.
All rights reserved © November 2014
written by TheAlienMind
▬▬▬▬▬▬
~ Cerfyl's POV
"Kuya Matmat aalis na po ako" I said then quickly kiss his chick and running towards the door.
"Hoy! Kulit paalalahanan kita ulit na huwag masyadong tanga-tanga sa daan. Ilang beses ka ng nabangga sa poste ng kuryente sa labas." Sigaw niya.
"Kuya, hindi naman siya nasaktan ako kaya." Sagot ko naman.
"Ang laki ng poste ni hindi na nga magawang makagalaw dahil sa laki tapos babanggain mo pa. Hay naku." Problemadong paalala naman ni kuya na nakaupo sa mesa na hindi tumitingin sa akin na nagbabasa ng dyaryo at nagkakape.
"Kuya naman eh! Ang poste nga 'yung harang-harang sa daan. Tapos 'yung poste pa 'yung kinakampihan mo! Sino ang mas lamang at mas mahal mo kuya?" I stopped running and faced him with teary eyes.
"Ano ka ba! Mahal kita kulit tandaan mo yan pero mas mahal ang poste ng kuryente. Kung walang kuryente aba'y walang ilaw." (o.O) whaaaaaat? Mas mahal na niya 'yung poste na 'yun. (TT____TT)
"Ganun ba yun?" Takang tanong ko at nagkakamot sa batok ko.
Nakita kong tinupi ni kuya ang dyaryo at lumingon sa akin na nasa pintuan.
"Hindi ko talaga alam. Kung 'yan na ba ay resulta sa palaging pagkabangga mo sa poste. Grabe ang loading." Pinagsasabi ng kuya ko?
"Ang sama mo kuya. Sige hindi ko na pipilitin ang sarili ko. Magsama kayo ng mahal mong poste." Ang sakit. (T_T) Napakasakit talaga. Malapit ng bumagsak ang mga luha ko kaya aalis na ako na nagmamarcha palabas ng pintuan. Ngunit.
"Teka. Kulit ano ba yang pinagsasabi mo? Oo, mahal kita at hindi magbabago yan Cerfyl Lim. Pero mas mahal naman talaga 'yung poste ng kuryente dahil kapag nasira yan ay talagang wala tayong kuryente." Paliwanag ni kuya na humihigop ng kape at naghihilot ng kanyang sintedo.
Masakit ba ulo niya? Tama, baka masakit ang ulo sa kanyang binasang dyaryo na sobrang daming nakasulat. Sino naman kaya ang nag-utos sa kanya na basahin niya lahat ng ganito kaaga. Tsk! kawawa naman ang kuya ko.
"Oo na, mahal mo nga ako kuya pero mas mahal mo naman 'yung poste ng kuryente natin. Ang sakit kuya *sob* ako na kapatid mo pinagpalit sa poste na yan." Turo ko sa poste sa labas na di kalayuan sa aming bahay.
BINABASA MO ANG
Tsinelas Part II [ one-shot ]
Short StoryThis is the Part 2 of Tsinelas the Cerfyl and Migs love story...[ Paalala basahin muna ang first part nito para maintidihan niyo ang kaganapan dito hanapin niyo lang sa works ko Tsinelas yung title po chalamuch po..ng madami..] (๑′ᴗ‵๑)I Lᵒᵛᵉᵧₒᵤ♥.