Ate ZEEEEEE! Para sayo 'to. Dahil mahal na mahal kita at si Troy & Helen. :) Sana basahin mo. :) I really love BME!! <3
-
---------------------------------------------------------------------------------
"Anak, bumaba ka na dyan.. aalis na ako! Maglalaba ka pa." Sigaw ng mama ko galing sa baba. Hayyy.... Kung alam niya lang.
"Opo, ma. Inaayos ko lang po yung mga damit na lalabahan ko." Sagot ko. Papasok na si mama sa trabaho niya. Dahil ako lang ang nag-iisang anak niya, ay saakin na rin iniiwan ang gawaing bahay, wala kaming katulong dahil di naman kami ganoong kayaman. Kumbaga, sapat lang.
Pagbaba ko, nakita ko si mama sa living room. Hinihintay yata ako.
"Oh, Neleh pasok na ako ha? Ikaw ng bahala dito. Anong gusto mong pasalubong?" Naman eh. Yun naman gusto ko kay mama, laging may pasalubong.
"Ah ma, alam mo na kung ano." Hehe, ang tinutukoy ko ay ang paborito kong Cheesecake.
"Haha, anak, hindi ka ba nagsasawa? Siya sige. Bye na." Kiniss niya ko sa cheeks then umalis na.
Oh-kayyyy! Paglalaba, though mahirap, yun ang pinaka-paborito kong gawin dito sa bahay. Dahil bukod sa gustong gusto ko ng bubbles, gustong gusto ko rin kapag nakikita ko siya.
Nasa tapat ako ng bahay namin naglalaba, may washing machine naman kaya hindi ako masyadong nahihirapan. Habang naglalaba, palinga-linga ako sa katabing bahay ng bahay namin. And then I saw him there. Si Yort. Yeah, I know right. His name is weird. But...... I like it.
O.O
OH
MY
GOD!
DID HE JUST??????? WAIT..................
OMG!! NAKANGITI SIYA SAKIN!!!! GAHHHHD! ASDFGHJKLIKEITSUPERRRR!
Sobrang kinikilig na 'ko pero poise lang. Ayokong ipahalata 'to. So I gave him a smile too. At itinuloy ko ang paglalaba ko.
"Hi." Isang pamilyar na boses ang narinig ko.
Lumingon ako para makita ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
"Y-yo-yort?" Urhg!! Nauutal ako. Anobaaaa!
"Hey, okay ka lang? I just want to say Hi and give you some foods. Kanina ko pa kasi nakikitang naglalaba ka. So I'm being nice here. Pero kung---" Pinutol ko ang sinasabi niya.
"Salamat."
"Ano, ah... eh... Kasi ha?" Wala sa sarili kong sabi.
"Sabi ko Hi."
"Oh.... hi din."
"Oh. Kain ka." Sabay abot niya sakin ng............ Cheesecake?
God.
Natakam ako bigla, kaya kinuha ko agad. Ano ba, alangan choosy pa ako eh, paborito ko 'to.
"Salamat ulit, Yort."
Nakakahiya naman kung dito kami kakain sa labas ng bahay.......... Ano ba 'tong mga iniisip ko.
"Uy, ano... Ah, gusto mong pumasok sa loob? Kainin natin 'tong dala mo. Hehe." I don't know why, pero ngumiti siya sakin.
"Sige ba." Then pumasok na kami.
Habang hinahanda ko yung mga plate na gagamitin namin, bigla nalang siyang nagtanong.