"Balitang abroad! Ilang turista ang napapatakbo sa tuwing magseselfie sila sa may tapat ng Tower of Pisa dahil sa isang kakatwang itsura na lumilitaw kapag tinitingnan nila ang kuhang larawan. Kadalasan ay may inaatake pa sa puso. Napag-alamang isang babae ang nakikitang kasama sa bawat selfie, at nakangiti pa raw ito. Nilinaw naman ng isang eksperto at ng isang mass media na ito raw ang babaeng nagpakamatay diumano at tumalon mula sa tower of Pisa dahil nabaliw sa pag-ibig at nabalitaan pang pinatay nito ang kanyang buong pamilya, mag-iisang taon na ang nakalipas. Back to you, Gretchen."
"Grabe ang mga balita ngayon. Kung kailan mag-isa naman ako sa bahay tsaka lalabas tong mga ganitong klase ng palabas. Kaasar. Makahanap na nga ng ibang channel." Nilipat lipat ko yung channel, pero wala talaga. Puro pang-halloween special na.
"Hayst." Tumayo ako, kukuha ako ng pagkain sa ref.
"Ang tagal naman kasi ng mga yun. Bibili lang ng pagkain, inaabot pa ng siyam siyam." Pagkakuha ko ng slice ng cake atsaka coke mismo, bumalik ako sa sala.
BLAG BLAG BLAG
"Ahh!" Napabaluktot ako sa sofa at napatakip ng kumot. Nanggaling ang tunog sa labas. Sa mismong labas. Parang kumakatok kasi sa pinto. Sabi daw nila, ganun daw yun. Kapag maingay sa labas ng pinto, ibig sabihin nasa labas yung kung sinuman. Common sense daw ang tawag doon.
"Hayst. Punyema. Ano bang kinakatakot ko, eh nasa labas naman siya?" Umupo ako ulit. Kaso pagkasubo ko sa cake, umeksena naman yung isip ko.
"Nakalimutan mo na bang ang mga multo ay lumulusot lang sa kung saan saan?"
"Arr! Shut up."
*door knob clicks*
"Hoy, Lance. Himala di ka nagtatakbo sa labas?" Natatawang asar ni Carmella. Malayong kapatid ko siya. Ay hindi. Akswali, kapatid ko siya kay inay. Pero sad to say, pag-uwi niya dito ay wala na ang inay. Halos mawala din kami, pero lumaban kasi ako. Tipong nililibing na ako, tumayo pa ako. XD
Hayst. Yung asawa ko, namatay. Yung ate kong isa, si Yzhel, patay din. Sa ginawa ni inay, ako, si Nicole, Si kuya Karoll, si Lara at tita Jhem lang ang nabuhay. Pare-parehas kaming tumayo nung pinaglalamayan at nililibing na. ^___^
Si Carmella, galing siya ng Italy. Kami nalang ang naabutan niya. Hinahanap niya nun yung burol at katawang lupa ni inay, kaso sad to say hindi niya alam na sa Leaning Tower of Pisa ito nagpakamatay. Nyahaha. Di kasi marunong tumawag at makipag communicate eh. Di tuloy na-i'inform.
Sa pag-uwi niya, sa bahay pa rin kami tumuloy kahit nakaka-trauma yung nangyari dito. May mga kasama pa siyang barkada niya. Si Mimi, si Sarah, si Lea at si Diane.
"Mella, peram nga ng cellphone mo, pagames naman para di ako obligadong humarap sa tv."
"Ano ba yan? Bat di mo nalang patayin?"
"Wag na. Para maingay." Eh di kinuha ko nga yung cellphone niya. Nag-zombie tsunami ako. Nung nagsawa ako nagpunta ako sa gallery niya. Ang daming selfie ng loka. -_-
Tapos may nakita akong selfie niya sa may Tower of Pisa. Ang dami. Sa bawat lipat ko may napapansin ako.
Palapit din ng palapit yung babaeng nakaputi at parang nakangiti pa.
Sa pinakahuling picture, nakatabi na ito kay Mella at eto ang malupit. Nakapeace sign pa!
"Aaaaahhhhh!" Naibato ko yung cellphone ni Mella at na-shoot doon sa hinahalo niyang pancit canton.
"Ay, Lance, ano bang ginagawa mo sa buhay mo?!" Tinaktak niya yung cellphone at pinunasan.
"M-mella, tingnan mo dali. Yung picture. Titigan mo." Nangangatog na niyakap ko ang sarili ko. Lumapit na din ang mga barkada niya. Pati na rin si Lenard, Adam at Odin na mga katrabaho ko.
BINABASA MO ANG
Killer Comedy 2
Mystery / ThrillerKatakot takot na katatawanan. Katakot takot na kapalpakan. Katakot takot na patayan. Kim Verly is coming...