Alam kong hindi tama...
Alam kong wala akong mapapala...
Pero hindi ko naman inakala...
Na mahuhulog ako bigla...
JASMINE
Napaatras ako ng makita ko silang nagtatawanan. Parang nanghina ang mga tuhod ko. Hindi ko malaman kung bakit ganito ang nararamdaman ko samantalang wala naman silang ibang ginagawa kundi magpiano at magkwentuhan. Isa pa kaibigan ko si Bree, kaya bakit ako nagkakaganito? Am I being selfish because I only want his attention to be mine alone? Am I being greedy because I want to own him even though I don't have any rights to him? Pakiramdam ko inagawan ako ng isang bagay na di naman akin at ang masaklap pa ay ng kaibigan ko pa? Why am I being like this? I know Bree at alam kong si Ethan lang ang mahal niya na kahit madami pang lalaki diyan ay si Ethan pa rin ang pipiliin niya. Pero bakit parang nasasaktan akong tanggapin na kayang ngumiti sa kanya ni Lance ng ganun? Na yung kabutihan at pagiging malambing niya sa akin ay kaya niya din palang gawin sa iba? Na lahat yun ay gesture lang ng isang kaibigan at wala ng kahulugan pa? Parang sampal sa mukha ko na wala pala akong dapat asahan sa kanya because he is a gentleman to all of the women in this planet. Akala ko we had something special, akala ko lang pala.
Sa halip na ipagpatuloy ko ang pagpasok ng pinto ay umalis na lamang ako bitbit ang dalawang kape na para sana sa amin ni Lance. Umalis ako ng di nagpapakita sa kanila. Nakasalubong ko si Josh at ngumiti siya.
"Hi Pretty..."nakangiting sabi niya.
"Sayo na lang itong kape" sagot ko sabay abot sa kanya ng kape at iniwan ko na siya.
"Hey Jas! thanks for this!" narinig kong sigaw niya pero hindi na ko lumingon.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko. Ano bang nangyayari sa akin? It has been a week since maging okay na kami pero ganito na agad yung nararamdaman ko. One week lang siya nagpakabait sa akin tapos yung nararamdaman ko ganito na agad? I am not like this towards other guy. Ano bang ipinakain sa akin ng lalaking yun at nagkakaganito ako?
Kakalakad ko ay napunta ako sa may garden na malapit sa architectural department. Naupo ako sa may gilid ng fountain na malapit doon. Ininom ko ang kapeng kanina ay mainit pero parang mas malamig pa ngayon sa yelo. Namanhid bigla ang katawan ko at pakiramdam ko ay wala akong maramdaman. Ang nakakapagtaka lang ay patuloy ang paglandas ng luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng mga pangyayari. One second, I am happy and then another second I am not. Buti na lang walang tao dito kung hindi makikita nila ang kagagahan ko. I am usually tough, pero bakit nakita ko lang siyang may kasamang iba, pakiramdam ko nalugi na ko. For fuck sake! walang kami!
Nasanay akong hindi naaapektuhan ng mga lalaki pero anong katangahan to! Eh ni wala nga silang ginagawang masama eh umiiyak na ko? Baliw na ba ako?Ininom ko na lang ang malamig na kape at baka sakaling kumalma ako.
"Ganyan kayong mga babae, kala niyo ang gaganda niyo kapag umiiyak kayo." narinig kong sabi ng kung sino mang nagsalita. Napalingon ako at Nakita kong nasa kabilang gilid pala si Liam. Inabutan niya ko ng panyo.
"May PMS lang siguro ako kaya ako ganito." dahilan ko. Kumunot ang noo niya. "Premenstrual syndrome ibig sabihin nun. Kaya emotional ako. " sabi ko ba at tiningnan niya lang ako.
"Ahhhh.... kala ko inaway ka na naman ni Art eh kaya ka umiiyak. Para kayong aso't pusa eh. Halata namang gusto niyo ang isa't isa. " sagot niya. Nagulat ako at napatingin ako sa kanya.
"Hoy hindi ah.. issue ka?" denial na sabi ko.
"You don't like him? Are you sure?" tanong niya pa. "Well, I do think that Art likes you... a lot... praning nga si gago nung nahospital ka." sabi niya pa.
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
RomantikAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...