Sampayan

7 3 0
                                    

Dedicated to all of the man in my life❤️.

Enjoy reading...

***

"Anak! Aalis ako mamaya, yung labahin natin ha?" Sigaw ni Mama habang palabas siya ng bahay.

"Opo." Sagot ko.

Sabado ngayon at syempre walang pasok kaya dapat maging produktibo muna tayo ngayon. Ang Gagawin ko upang maging produktibo ay Ang maglaba.

First thing first, paghiwalayin ang de color na damit sa mga puti.

Pag tapos ko, dumiretso na ako sa gilid ng aming bahay.

***

Habang nagsasampay....

"Pst!"

"Pst!"

Ano na naman kaya yung pst pst na yun.

"Pst!"

Jusko, Di ata titigil yun ah. Ako ba tinatawag nun?

Tumingin tingin ako sa paligid, wala namang tao. Tumingin din ako doon sa kapitbahay namin, pero wala din namang Tao. Jusko, may multo ba dito?

"Pst!"

"Pst!"

Tumingin ulit ako sa kapitbahay namin, sa second floor naman.

At doon ko nakita Ang isang gwapong nilalang na nakangiti sa akin.

"Sa Wakas! Tumingin ka rin." Ngiting Sabi niya sakin mula sa itaas.

Hindi ko na pinansin yung lalaki at nagpatuloy na lamang sa pagsasampay.

Aba hindi porke gwapo eh papansinin ko na, hindi naman ako ganun kadesperada para makakausap ng gwapo noh.

"Hoy! Ang suplada naman Neto!" Sigaw niya.

"Miss wait! Hoy!" Asa taas parin siya habang sumisigaw.

"Sige! Kapag Di ka tumingin, liligawan kita!" Agad naman akong napatingin nang sinabi niyang yun.

"Sus! Kahit naman tumingin ka liligawan parin kita!" Natatawang Sabi niya sakin.

Ba't ganto ugale neto?

"Ano bang kailangan mo?!" Sigaw ko sakanya.

"Ikaw!"

"Tumigil ka, nakitang naglalaba yung yung Tao eh!"

"Saglit Lang naman to. Gusto lang naman kita makausap. Ako nga pala si Kyle. Ikaw?"

"Di mo na kailangang malaman!"At tinuloy ko ulit yung pagsasampay ko.

Aba'y kailangan nating maging produktibo noh.

Akala ko Hindi siya titigil, pero ayun tumigil din sa pangungulit. Actually ang tagal na namin dito sa subdivision namin pero ngayon ko lang nakita yung lalaki. Oh well. Baka bagong lipat sila.

Tuloy tuloy lang ako sa pagsasampay hanggang sa makaramdam ako ng panyo na tumama sa ulo ko.

"Oh ayan, panyo! Kahit na Ang ganda mo kapag wet look ka, ayaw ko namang pinagpapawisan ka! Sige na tuloy mo na yan. Bilisan mo't tapusin mo na yan ah? Liligawan pa kita!" Sigaw niya at pumasok na sa Pintuan sa may terrace Nila.

At Di ko nalang namalayang may umukit ng ngiti sa labi ko.

Jusko, kakakilala ko palang sakanya nangingiti na ako. Noooo, hindi pwedeeee.

Peste kang kyle ka! Anong ginawa mo sakin?!

(Lesson Learned: Magsampay na kayo, Baka mahanap niyo na din Lovelife niyo Haha.)

***

A/N: This story is dedicated for all of the man in my life. To my lolo, happy birthday!😊❤️. To my Papa, advance happy birthday!😊❤️ I love you and I miss you sooo much❤️.

To my BABE, happy birthday! It's been 3 years and counting now❤️, I still can't forget the day I saw you😍. To my Gold, happy birthday! To mõ, advance happy birthday! Ang cutie mong bata ka! And for those who are going to celebrate their birthdays! Happy birthday!

SampayanWhere stories live. Discover now