Sunod - sunod na putok ng baril ang nagpatigil sa pag -andar ng kotse ni Eugene.
“Ahhhhh" daing ni Eugene nang tamaan sya sa kanyang balikat.
Maya - maya pa'y may pitong armadong lalaki ang lumapit sa sasakyan nyang sumalpok sa malaking puno.
Naghahalakhakan ang mga itong pinagmasdan sya habang namimilipit sa sakit buhat ng sugat at galos kanyang natamo sa pagsalpok ng sinagsakyan nya sa puno. Para syang kung anong bagay lang na kinaladkad ng mga ito palabas ng sasakyan hanggang sa damuhan.
“Sino kayo?, anong kailangan nyo sakin? " tanong ni Eugene habang palipat - lipat ang tingin sa mga mga armadong lalaki na nakatakip ang mga mukha.
“ Gusto mo kaming makilala?"tugon ng leader ng mga armadong lalaki na agad ring nagtanggal ng maskara.
Sinunod din ito ng anim pa nitong kasamahan. “Anong kailangan nyo?" tanong nya sa leader na tinawanan lang ng mga ito. Pagkatapos ng malademonyong pagtatawanan ng pitong lalaki ay agad syang itinutokan ng baril sa ulo.
"Nandito kami para patayin ka richboy." Kakalabitin na sana ng leader ng grupo na iyon ang gatilyo ng kanyang baril nang muli syang magsalita.
“Nakikiusap ako sa inyo wag nyo akong patayin, wag nyo itong gawin" pagmamakaawa ni Eugene.
“tsk, wala ka ng magagawa mamamatay kana.! " muli nanaman sanang kakalabitin ng leader ang kanyang baril pero muli, nagsalita si Eugene sa pangalawang pagkakataon.
“Mga hayop kayo, mga wala kayong konsensya! " hindi na napigilan pang sabihin iyon ni Eugene dahil sa takot, kaba at galit pero muli lang nagtawanan ang mga armadong lalaki bago nagsalita ang isa sa kanila.
“ Aba'y gago ka pala eh, imbes na kami bakit hindi yung kaibigan mong nagpapapatay sayo ang murahin mo? Dahil pagkatapos mong ipagkatiwala sa kanya ang lahat ng kayamanan mo ngayon ay ipinapapatay ka na nya" napaisip sya sa sinabing yun ng isa sa armadong lalaki. Wala sa sariling napapikit sya't wala sa sariling nasambit ang pangalan ng kaibigan.
“Benidic " ang pangalan ng nag - iisang nyang kaibigan.
“Bingo! Aba hindi ka naman pala bobo, tanga lang! " nakakaloko pang sabi sa kanya ng leader. Muli nitong itinutok ang baril sa kanyang ulo at tumingin sa kanyang mga mata.
“Pagnarinig mo ang pagputok ng baril tumakbo ka na, magbibilang ako ng sampo pagkatapos tyaka kita babarilin, ayus ba? " paliwanag ng leader saka kinalabit ang gatilyo ng baril. Sa taas nakatutok ang baril kaya sa himpapawid napunta ang bala.
Gaya ng sinabi ng leader ay agad syang tumakbo ng mabilis umaasang makaliligtas pa ngunit sa pagkatalikod nya, nakakailang hakbang palang sya palayo ay nakakalokong nagsimulang magbilang ang leader ng grupo.
“Isa, sampu! hahahaha " agad sya nitong pinaputukan ng sunod - sunod. Hindi Lang isa, hindi lang dalawang ang ipinaputok nito sa katawan niyang walang kalaban - laban.
Sa kabilang banda ang kaluluwa ni Eugene ay patuloy parin sa pagtakbo at umaasang makakatakas pa ng buhay. Hanggang sa marinig nya ang tawanan ng pitong lalaki.
“Grabe ka Brad, ang bilis mo namang magbilang!!?? " sabi ng isang lalaki atsaka muling nagtawanan.
Natigil sa pagtakbo si Eugene ng marinig iyun, takot na takot at puno ng pangambang muli nyang binalingan ng tingin ang pitong kalalakihang nagtatawanan at pinagsisisipa ang duguan nyang katawan.
Napaluhod si Eugene na ngayo'y isang kaluluwa na lamang habang pinagmamasdan ang halos naligo sa sariling dugo nyang katawan. Gusto nyang lumuha pero walang luha ang namuo sa kanyang mga mata.
Gusto nyang maghiganti, gusto nyang mapagbayad ang may gawa nito sa kanya. Nabalot ng galit at pagnanais na maghiganti ang kanyang katawang multo.
“Humanda ka Benedic, pagbabayarin kita!! " Puno ng galit na sabi ni Eugene.
Naglakad ng naglakad si Eugene ng walang direksyon habang muling inaalala ang lahat. Itinuring nyang higit pa sa kaibigan si Benidic, turing na parang isang tunay nyang kapatid. Pero sa. kabila ng kabutihang loob nya rito ay nagawa parin sya nitong traydurin para lang sa pera.
“Hayop ka Benedic!!! " sigaw ni Eugene dala ng galit para sa taksil na si Benidic.
Inilibot nya ang kanyang tingin sa paligid at sabay bitaw ng katagang.
“ Hindi ako titigil na hanapin ka Benidic hanggang sa mapagbayad kang hayop ka!! ".
Pagkatapos nun isang bagay ang umagaw sa atensyon nya't nabalot sya ng pagtataka. Nakita nya na karamihan sa mga naglalakad na tao sa park na ngayo'y kinaroroonan nya ay may nakasunod na mga kaluluwa. Hanggang sa isang boses ang narinig nya na syang pumutol sa pag -iisip nya.
“Hoy! "isang lalaking kaluluwa na halos kasing edad nya.
Napakunot noo sya ng makita ito sapagkat sa lahat ng multo ay sadyang kakaiba ito, ito lang ang nakita nyang multo na may napakalapad na ngiti.
“Ow, ba't naman ganyan ang mukha mo?? " patanong na biro pa nito na di nya sinagot.
“Aysst, smile naman dyan!, sige ka papangit ka nyan. Gwapo ka pa naman." muli pang sabi nito na muli din nyang di pinansin kundi muli nyang ibinaling ang pansin sa paligid.
“Alam ko na, bago ka palang? " muli ng naagaw nito ang pansin nya.
“Alam mo ganyan din ako nung una, ang lungkot ko, akala ko di ko magagawang ngumiti, hanggang nakilala ko sila " Tumingin ang lalaki sa mga kaluluwang gumagala - gala.
“Marami tayo dito na mga kaluluwang gala, matagal na rin akong multong gala kaya naghahanap nalang ako ng mga bagay na paglilibangan ko " natawa sya sa sinabi ng lalaki.
" So you mean, nandito ka sa lupa para maglibang? " natatawang tanong nya pero nanatiling seryoso ang lalaki.
“Mali ka, dahil gaya mo hindi parin nabibigyan hustisya ang pagkamatay ko. " Natigil sya't napaisip. Hindi lang pala sya nag - iisa kundi marami silang kaluluwa na naghahangad ng hustisya.
“By the way, Bryan nga pala, Bry for short " inilahad ni Bry ang kanyang kanang kamay para makipag kamay. Sandaling tiningnan ni Eugene ang nakalahad na kamay ni Bry bago ito tananggapin, pero nang hawakan na nya ang kamay nito ay tumagos lamang ang kanyang palad sa palad nito.
“Ay, oo nga pala bago ka palang " dismayadong napakamot na lalamang sa batok si Bry.
"Anong bago palang? " takang tanong ni Eugene pero tanging kibit balikat lang ang sagot ni Bry pagkatapos ay tumalikod na't nagsimulang lumakad palayo.
“Saan ka pupunta? " pahabol nyang tanong kay Bry na patuloy parin sa paghakbang palayo.
“Sa bahay namin" sagot ni Bry na humahakbang parin palayo.
“Sa bahay ng pamilya nyo? "muli nyang tanong.
"Hindi, sa bahay namin ng kapwa natin multo " Sa sagot na iyon ni Bryan ay naisipan nyang sumunod rito.
“Sandali nga lang, bakit mo ako sinusundan? para kang multo kung makasunod!" Pagpuna sakanya ni Bryan.
“Bakit hindi ba? " tanong nya na kapwa sila natawa.
~thank you for reading. Sana mag enjoy kayo
Love miss_kyut ❤❤❤
BINABASA MO ANG
Ghost Love
ParanormalIsang multong walang ibang hinangad kundi ang makapaghiganti. Sa panahong nagkaroon sya ng pagkakataon ay magagawa nya pa kayang ipagpatuloy ang ninanais na paghihiganti kung ang taong nais nyang patayin ay mahalaga para sa nag - iisang babae na ka...