Via’s POV
Nakakatawang sabihin pero musika na ata ang nagsisilbi kong hangin. Tanging musika na nanggagaling sa earphone ko ang aking naririnig. Naglalakad ako sa mahabang pasilyo, nakatungo’t ‘di kilala ang mga taong nababangga.
Alam kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Malaking dahilan na siguro na nakasuot ako ng hoodie sa kasagsagan ng alinsangan ng panahon. ‘Di ko naman sila masisi at ‘di rin naman nila ako mapipigilan na magsuot nito kaya gumaya na lang sila.
Sa ganitong paglalakad, ilan na ba ang nabangga ko? Anim? Ang ganda kasi ng kantang pinatutugtog ko. Pasalamat sila dahil nakayuko ako at hindi nakapikit. May posibilidad na gawin ko iyon lalo na’t maganda ang kanta.
Mabagal akong maglakad, hindi naman siguro ako nakakasakit. May narinig akong vibrate sa phone ko hudyat na may message akong nakuha. Napatigil ako sa paglalakad at binasa ito.
From: KareninjaViatots! Give me an hour— see you!
Kasama siguro sa hiwaga ng kundisyon ko sa kasinungalingan ay ang katotohanang mas committed sa akin ang bestfriend kong si Karen kaysa sa boyfriend niya.She doesn’t need to text me while she’s on date, actually.
Ibaba ko na sana ang cellphone na hawak ko pero natigil nang mahagip ng mata ko ang aking pupulsuhan. Hinawi ko ang sleeves ng hoodie at nakita ang mga peklat ng aking laslas sa galanggalangan.
“Tatlo na pala,” bulong ko sa sarili.
Ilang hakbang pa lang ako sa mataong hallway ay naka-receive na muli ako ng text mula kay Karen.
From: Kareninja
Viatots! Just please wear your earphone! Just give me one hour! I have a date with Vince < 3
I just smiled, napapatanong tuloy ako kung paano ko ba siya naging kaibigan. Kahit na may masigla siyang personality ay palaaway rin siya. Nakakapagtaka lang simula n’ong nagkakilala kami ay mas lalong napadalas ang pakikipag-away niya.
We are on a fifth grade that time, inaasar ako ni Vince dahil sa pagiging libanera ko. Wala akong nagawa kung ‘di yumuko at mas naising umiyak. Taliwas sa kwento noon ni Mama ay walang Knight and shinning armor na dumating pero may babae na kasing tangkaran ko lamang noon ang nagtanggol sa akin.
“Hoy, sa pagkaka-alam ko ako lang perfect attendance rito!” sigaw naman ng kaklase kong si Karen. Nakatungtong pa siya sa desk ng teacher namin. “Kaya wag n'yong ipamukha kay Via na lagi siyang absent. Mga anak kayo ng tatay nyo! Nabwibwisit ako sa inyo,” pagmumura nya.
“Hoy! Karen ‘wag mo ng ipagtanggol si Via. ‘Di ba crush mo ako? Love,” ani Vince.
“Hindi oy!” usal niya. “Crush? Hindi 'no, sinong may sabi sa 'yo? Mahiya ka! Mabuti pa si Via—”
And that! Tinanggi niya si Vince. Tinanggi niya ang nararamdamn niya kay Vince which caused my second laceration. Hindi lamang iyon dahil nanghina ako to the point na halos akala ko ay mamatay ako. My body chose to shutdown and I was dead for one day.
BINABASA MO ANG
Don't lie, I'll Die [AVAILABLE NOW!]
General Fiction[COMPLETED] SLS#1 Katulad ng kanyang apelyido, nais ni Via na maging normal at ordinaryong estudyante sa Dejoria University ngunit may natatanging kundisyon ito kung saan buhay niya ang nakasalalay. Hindi ito sakit sa balat, dugo, buto o kahit na an...