Chapter 12: Yadong

151 7 11
                                    

[a/n: Rated SPG po ang chapter na ito... LoLs... Dejoke lang... hihihi~ If you are studying korean, you'll know the translation of 'yadong' to english. Sa mga hindi po nakakaalam, it's a 4 letter english word na sounds-like ng corn... XD

Kung knows n'yo talaga si Eunhyuk, you'll know kung baket ganyan and title ng chapter na ito...  Salamat sa pagbabasa ^^]

---

Na-lock nga kaming dalawa ni Eunhyuk sa may dance practice room. Ayos sana kasi makakapag-practice kami ng maayos dahil 2 days, I mean one day from now, SS4 Seoul na.

Bakit ba gusto kong mag-practice? Bakit gusto kong maging maayos yung performance namin? Eh plano ko namang iwan siya. Tama! yun yung plano ko sa simula pa lang. Kailangan kong ilagay sa isip ko yun...

We stayed in both the far corners of the room. Magkabilang gilid kami. Walang pansinan sa bawat oras na lumilipas. Tahimik lang kami pareho.

Umuulan ng snow sa labas at sobrang lamig sa loob. Hindi kasi gumagana yung heater dahil nga sa brown out pa rin.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" pagbasag ko sa katahimikan sa loob ng kwarto. Tahimik rin kasi siya kapit yung PMP (Portable Media Player) niya.

"Wala... Wala... Wag mo muna akong guluhin. Maganda na eh..."

"Anu nga kasi yan?" tanog ko ulit sa kanya.

"Basta..."

Hindi na ako nagtanong pang muli. Feeling ko kasi ayaw niya akong kausap. Nagtampo siguro dahil hindi ako maayos na nakapagsayaw kanina.

---

Ilang minuto pa ang lumipas...

"Hihihi~"

Narinig ko biglang natawa ng mahina si Eunhyuk.

Dahil sa curiousity ko, lumapit ako sa kanya ng dahan-dahan. Hindi naman niya naramdaman yung paglapit ko kasi masyado siyang busy sa kung anumang ginagawa niya.

Napanganga ako sa nakita ko,

"LEE HYUKJAE! WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING!!!!" sigaw ko sa kanya.

Nabitawan niya yung PMP niya dahil nagulat siya sa sigaw ko.

"Yah! Wag mo nga akong guluhin. Minsan na nga lang ako makapanood ng ganito eh... or gusto mo..." dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

"O-oy! T-tumigil k-ka nga!!!" sabi ko. "Lumapit ka pa, matitikman mo ang taekwondo na pinag-aralan ko..." pagbabanta ko sa kanya. Palapit kasi siya sa akin ng palapit. At may namumuong ngiti sa kanyang labi. Para bang naiisip ko rin kung anumang plano ang tumatakbo sa isipan niya.Hanggang sa makapitan niya ako sa magkabila kong balikat. Napa-smirk siya nung mga oras nay un.

"Yah! B-bitiwan mo nga ako Lee Hyukjae! A-ano bang pinaplano mo?" natatakot kong sabi dahil lumalakad siya palapit sa akin habang ako naman ay paatras na lumalakad hanggang sa naramdaman ko na lang na dumantay na yung likuran ko sa pader ng practice room namin.

"I-itigil mo na ‘to ah... H-hindi ka na nakakatuwa ah~" nanginginig kong sabi.

"Ikaw kasi ginulo mo ako sa ginagawa ko... kaya you should pay the price..." seductive na sabi niya sa akin.

"Kyaaaaaaaaaaaaah!" sigaw ko.

Napabalikwas ako sa pagkakatulog ko. At kinusot-kusot yung mga mata ko..

"P-panaginip?" mahinang sabi ko.

Panaginip lang. But why does it feel so real? Or baka naman gusto kong maging totoo yun? My gosh~ Lee Jae-eun, what are you thinking? Erase. Erase. Don't think about it. Panaginip lang yun... Panaginip lang...

Nakita ko ang sarili ko na may naka-kumot na jacket sa akin. At may nakasulat sa likuran nun na pangalan ni Eunhyuk. Hinanap ko siya sa buong kwarto pero hindi ko siya makita. Hanggang sa tumingin ako sa may tabi ko.

At nakita ko siya. Andoon pala siya. Mahimbing na natutulog.

Teka?

Sa tabi ko?

OMGeeeE~

Ano ba talagang nangyari kagabi? Wala akong maalala...

---

Iniisip ko pa yung pangyayari nung gabi bago mag-brown out nung naramdaman kong kumikilos si Eunhyuk. Agad akong tumayo at lumayo sa kanya.

"Good morning!" nakangiting bati niya.

Nagtama yung mata namin. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at feeling ko nag-blush ako. Kasi naman, naalala ko yung iniisip ko kanina.

Hanggang panaginip ba naman, andoon si Eunhyuk. At ganung panaginip pa talaga yung nangyari. Nakakaloka naman... Uwaaaaaaaaa~ bakit ako nakapanaginip nga ganun? Ano ba'ng tumatakbo sa utak ko?

"G-good morning din..." awkward na bati ko sa kanya.

"Bakit ang layo mo naman sa akin? Parang kagabi lang..."

"Waaaaaaaaaaaaaaah~!!!" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Ayokong marinig kung anuman ang nangyari kagabi. Baka hindi ko kayanin.

Bigla na lang bumukas yung pintuan sa practice room, at doon lumabas ang ulo ni Donghae.

"Anong nangyayari dito? Lee Hyukjae! Anong ginawa mo kay Jae-eun?" nag-aalalang tanong ni Donghae.

"Ako pa talaga ang tinanong mo. 'Yang si Jae-eun ang tanungin mo..." nakangiting sagot niya. "Magpapalit na muna ako..." dugtong nito sabay kuha nung bag niya.

"Anong nangyari Jae-eun? Bakit magkasama kayo ni Eunhyuk? Eh ang aga-aga pa ah..." tanong nito. Hindi pa ako nakakasagot ay bigla siya ulit nagsalita. "At saka, why are you holding Eunhyuk's jacket? Aaaaaaaaah~ So you and Eunhyuk..." para bang may nabubuong istorya sa utak ni Donghae.

"Hindi, mali ang..."

"No. Wag ka ng mag-explain. Parang na-gets ko na kung anong nangyari. Wag kang mag-alala. Walang makakaalam. Shut up lang ako..." sabi nito na para bang zinipper yung lips niya. "Ang dami-daming lugar dito pa talaga sa practice room. Kaya pala hindi nakauwi si Eunhyuk kagabi..." at iiling-iling na lumabas ng practice room si Donghae.

Naiwan akong mag-isa sa loob na naguguluhan pa rin sa mga nangyayari.

---

a/n: yey! nakapag-update din after a long time... hihihi... ano? ANo? maganda ba?? hihihih~ next time na lang yung explanations nung mga bagay-bagay na nangyari... hihihi~ kayo na muna bahalang umisip kung anu talaga ang nangyari. Bibitinin ko muna ulit kayo! hihihI~ :"">

Ayun,., finally, na-post ko na rin ito. Kahapon pa 'to eh pero yung wifi nawala... ayun... kaya ngayon lang na-post.... hihihih~ Salamat ng marami sa pagsubaybay at pagbabasa nito :"> I appreciate everything. Napapasaya nyo ko! Promise.... ^^

Ayun! SALAMAT TALAGA~ AYLABYOW~! :)

p.s.

sa mga nagtatanong ng updates sa 'My HAEven on Earth', lahat po ng updates will be posted on October 15. Special day kasi yun ng mga fishes :) hihii~ Hanggang ending na po yung ipo-post ko :) ayun... Paki-hintay na lamang po...

Maraming salamat po! :) AYLABYOWBERIIMATS!~ :)

Lee Sisters' Story - It's Gotta Be HYUK (You) *On-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon