Love
Sabi nila ang love ay parang ulan. Hindi mo alam kung kailan babagsak. Dumadating ito sa mga panahong hindi mo inaasahan.Kahit anong lugar,kahit sino,kahit kailan,kahit anong edad. Wala itong pinipili. Lahat pantay pantay.Kaya kahit anong gawin mo,kahit anong pigil at hiling mo. Babagsak at mababasa ka parin ng ulan na ito.
Kung ganong karami na ang napatawa ng sinasabi nilang "love" na ito,ganun din at malamang mas marami pa din ang naging malungkot at umiyak dahil sa sakit na naidulot nito. Sino ba namang hindi napaiyak ng pag-ibig diba?
Sa 8 taong umiibig,tanging 1 lang ang nagiging masaya. Isa lang ang nagkakaron ng "Happily Ever After" na sinasabi nila. Isa lang ang magiging matagumpay na magmahal at mahalin din siya ng taong mahal niya.
Not all stories are "happy ever afters" most of it are just "once upon a time"
Oo. Totoo. Hindi lahat ng istorya ay natatapos sa Happy Ending. Minsan kasi akala mo "eto na yun. Forever na. Kami na hanggang dulo" pero hindi mo alam. Isa lang pala ito sa mga chapter na gagawa sa buong istorya mo.
Etong istoryang ito ay iikot sa 8 istorya na magpapakita ng realidad ng pagmamahalan sa panahon ngayon.
So nasan kaba? Kabilang kaba sa mga sawi? O dun sa Happily ever after na sinasabi nila? :)
A/N: Pasensya na sa Prolouge ko ha? Hindi ko kasi talaga alam kung anong sasabihin eh. Yan lang din ang pumasok sa isip ko. Sana basahin niyo :)