MY SAVIOR <3

71 5 1
                                    

**

"Clod!! Bilisan mo nga diyan at mang-huhunting pako ng Boys dun oh!" Bulyaw ni Patricia sa labas ng Cr.

Nasa loob kase ako at may tinignan lang. May nararamdaman kase ako pero pag tingin ko wala naman. Nung maka-siguro na'ko ay agad akong lumabas ng Cr.

"Hay!! Hindi ko na tuloy alam kung saan pumunta yung mga Boys ko! *pout* bagal mo kase eh!" Sabay hampas niya ng kamay sa braso ko.

"Aray naman! Grabe ka ah. Parang hindi mo naman nakikita yun araw-araw!" Pagkasabi ko nun, may biglang dumaan na isang lalaki at binati si Patricia.

"Hi Patrick! Musta buhay? Ganun parin ba? Haha!" Sabay takbo. Nakow, Patay.

"HOY JERIC! BUMALIK KA DITO AT BABALATAN KITA NG BUHAY! PATRICIA ANG PANGALAN KO AT HINDI PATRICK! @#!*&$%*@!!" Sigaw ni Patricia/Patrick, Whatever! Tss. Ganyan naman yan eh. Bubungangaan kung sino man ang tumawag sa kanya ng Pangalan niyang totoo.

At ako etong malas, nasa tabi niya at dinig na dinig ang malakas at nakaka-irita niyang boses. Naghalo kase ang panlalaki at pambabaeng boses niya. Yung pinagpipilitan niyang ibahin ang boses niya at gawing babae?

"Aray naman Patricia! Makasigaw ah. Parang wala ako dito! Mamaya magdugo tenga ko nito eh" sabay kunwari pahid sa tenga ko.

"Buti kapa at matino ang tawag mo saken. Yung Jeric talaga na yun!" Tinuro pa niya si Jeric na tumatakbo sa malayo.

"Syempre ayoko mabulyawan." Bulong kong sagot

"Ano?" Ay. Mukhang hindi bulong ang nagawa ko.

"Ah, wala. Tara punta na tayo sa amin, medyo wala na ring tao dito oh. Yung mga players nalang."

Pagkasabi ko nun, naglakad na kame pauwe ni Patricia. Uwian na kase kanina at may inutos lang sakin yung Adviser namin kaya medyo nalate kaming umuwi. Yung mga natirang players, nagpapraktis yun para sa nalalapit na laban.

Pupunta si Patricia sa bahay namin. Friday kase ngayon at doon daw siya matutulog. Naku, yung baklang yun. Ugali ng matulog sa bahay pag dadating ang Biyernes

Pagdating sa bahay, sumalubong si Mama sa amin at binati kami.

"Oh anak, andyan na pala kayo. Magpahinga na kayo at maya-maya ay kakain na tayo, Ok?"

"Opo ma" sabi ko.

"Yes Tita!" Sabay hila sakin ni Patricia. Hay, ganyan talaga yan.

*lumipas ang mga oras

"Tara na, kain na tayo bakla."

Pagkababa namin ni Patricia, naka-hain na ang pagkain sa lamesa. Pumwesto na kami ni Patricia.

"Thank you po sa pagkain Tita!" Sigaw ni Patricia sabay lamon ng pagkain.

"Walang anuman Pat. Oh anak, kumusta naman ang lagay mo? Hindi ka na ba binabangungot? Hay, sabi ko kasi sayo tabi tayo matulog eh." Sabi ni Mama habang nakatingin sakin

"Ma, ok lang po ako. Wag niyo na po ako intindihin. Pag binabangungot po ako, nagigising naman po ako agad eh. Ewan ko po kung paano pero nagpapasalamat narin po ako at ganun." Pagkasabi ko nun, tumango-tano si Mama at nagpagpatuloy na sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain, umakyat na kami ni Patricia sa kwarto ko.

"Uy bes, tulog na tayo, antok na ang beauty ko eh." Sabi ni Patricia habang humihikab.

MY SAVIOR &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon