CHAPTER THIRTY NINE

37 5 1
                                    


MABILIS na lumipas ang buwan, patuloy akong minahal ni Alden higit pa sa inaakala ko. Hindi siya nagbago, bagkus lalo pa niya akong minahal ng lubos-lubusan. Nabalitaan kong nagpunta sa ibang bansa ang Mommy at Daddy nina Alden, hindi nila matanggap ang nanagyaring kasalan sa pagitan namin. Maski si Bridgette at ang pamilya niya ay biglang nanahimik, siguro naman tanggap na nilang kami talaga ang itinadhana.

Isang beses nakarecieve ako ng messages galing kay Bridgette gusto nitong makipagkita sa akin, dahil may mahalaga raw itong sasabihin sa akin. Pumayag ako, dahil gusto ko rin naman magkaayos na kami. Dahil ipinagbubuntis ko ngayon ang unang supling namin ni Alden. Kagagaling ko lang sa clinic kaya napag-alaman kong buntis nga ako sa unang anak namin ni Alden.

Nasa loob kami ng isang eleganteng restaurant ng mag-umpisang magsalita si Bridgette.

"How are you Maine, m-mukhang masaya na sa iyo si Alden. Nakikita ko kasi siya lagi sa office, panay ikaw ang bukambibig niya. Congrats by the way, pero gusto ko sanang sabihan mo siya na laging mag-iingat," puno ng emosyon na saad niya sa akin.

Bagamat nalito ako ay sumagot pa rin ako. "What do you mean Bridgette, b-bakit kailangan mag-ingat ni Alden? May alam ka ba?" Taka kong tanong. Nag-umpisa na akong kabahan sa mga sinabi niya.

"Basta Maine, mag-iingat ka. . . lalo na si Alden." pagkatapos niyon agad na siyang tumayo, habang palinga-linga. Tila may kinatatakutan ito sa paligid, hanggang isang lalaki ang nakita ko mula sa 'di kalayuan. Nakatayo ito habang nakatingin kay Bridgette, agad nitong sinundan ang kumaripas na si Bridgette. 

Ewan ko ba, baliw na yata si Bridgette. Nakauwi na ako sa condo naming mag-asawa  ng magsabi si Alden na bumaba ako ng floor at hintayin ako sa bukana ng gate. Agad naman akong tumalima, parati kong hinahanap-hanap ito. Naglilihi na yata ako jusko! Habang nasa harap ng gate bigla na lamang tumunog ang hawak kong cellphone. Muntik ko pa itong mabitiwan dahil sa pagkataranta.

Bigla nakaramdam ako ng kaba sa mga oras na iyon. Unknown number ang nasa screen ng aking cellphone. Pero minabuti ko na lamang sagutin ito, dahil patuloy ito sa pagtunog.

"Hello?" Agad kong bungad.

"Hindi na talaga kayo natututo Maine ang mabuti pa, unahin ko na si Alden. . ." sabi ng lalaki sa kabilang linya. 

Biglang tinambol ng kaba ang aking dibdib, kasabay ng pamamawis ng dalawa kong palad dahil sa labis na tensyon.

"Please kung sino ka man, 'wag kang magbibiro ng ganiyan!" Pabulyaw kong sabi dito na maiyak-iyak na.

Ngunit bigla itong nawala sa kabilang linya. Sa pagkataranta ko, halos hindi ko na alam ang gagawin ko. Mabilis kong idinial ang numero ni Alden pero out of reach na ito. Lalo akong kinain ng pangamba.

Hanggang sa makita ko ang kotse ni Alden sa may 'di kalayuan. Bigla napawi ang kabang namamahay sa aking dibdib, kumaway ako rito. Kahit alam kong hindi niya pa ako matanaw.

Ngunit, biglang napawi ang masigla kong ngiti. Nang walang ano-ano 'y malakas na nabangga at inararo ng malaking truck ang kotse ni Alden!

Bigla'y gusto kong panawan ng ulirat sa mga sandaling iyon, lalo ng makita kong tumilapon ng malayo na parang bola ang kotse ni Alden kung saan siya nakasakay. Wasak na wasak ito, nagkagulo na ang lahat. Ang mga taong biglang naglalakad sa 'di kalayuan ay agad na nagsilapit. Ako hindi man lang magawang ihakbang ang mga paa ko, tila nanghihina ako sa mga sandaling iyon habang tigmak na ng luha ang aking mga mata. Nauupos akong napasalampak sa malamig na lansangan habang tanaw ko mula sa 'di kalayuan ang umuusok pa niyang kotse.

"Alden! Hindi!" Malakas kong bulyaw habang patuloy na humahaguhol.

Hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari, bigla na lamang nagdilim ang lahat sa akin. . .

✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon