NARIRITO kami ngayon kina Alden, dahil sa biglaang nangyari rito. Pababa na ako sa aking kotse ng makita kong inilalabas si Alden sa nawasak nitong kotse. Kitang-kita ko siya, halos maligo na sa dugo si Alden. Ang mukha nito ay punong-puno naman ng sugat na umabot hanggang sa hita ni Alden. Marahil ay may tumamang matigas na bagay dito, kaya upang mawakwak ang balat niya. Kung saan inaagusan na ngayon ng masaganang dugo. Ang kasama kong si Bridgette ay mangiyak-iyak, mabilis na napalayo ito para sumuka. Mahina ito pagdating sa mga ganitong bagay.
"Alden, my God!" Sigaw ni Greg kay Alden na kasalukuyang binubuhat na ng mga emerency crew ang kaniyang katawan, pilit inaabot ni Kuya Greag ang duguang kamay ni Alden. Maski sina Clem na naroon ay napaluhod habang pinagsusuntok nito ang posteng kaharap nito, panay ang pagmamalabis ng luha sa kaniyang mga mata. Labis-labis itong naapektuhan sa nangyari kay Alden ngayon, dahil kung magturingan silang dalawa ay higit pa sa magkapatid ang mga ito.
Marahan kong inilibot sa paligid ang aking pansin, nakita ko sa tapat ng Condo. Building nila si Maine. Mabilis ko siyang nilapitan dahil bigla na lamang siyang nawalan ng malay at bumagsak sa kalsada.
"Maine, Maine?" Pabulong kong gising dito. Habang marahan kong tinatapik ang kaniyang pisngi. Ngunit hindi siya natinag sa pagkakapikit, nataranta ako nang makita kong may dugong umagos sa mga binti niya.
Bigla nakaramdam ako ng kaba, walang pag-aatubiling pinangko ko siya at dinala agad ito sa pinakamalapit na hospital.
Kung hindi ako nagkakamali, baka buntis ito at maski ang dinadala nito ay pweding mailagay din sa panganib.
Agad kaming inassist ng mga hospital staff, halong-halong emosyon ang naramdaman ko sa mga oras na iyon. Gusto kong manapak sa kagaguhan na ginawa ni Damon, napakahayop nito!
Bubulukin ko ito sa kulungan. Kung hindi ko pa ito nabisto kanina sa pang-ba-blackmail nito sa kakambal ko sa tawag. Hindi ko malalaman na siya ang nagtatangka sa mga buhay ng pamilya ni Maine. Pati si Alden ay idinamay nito sa kagaguhan nito!
"Shit! Shit! Shit!!!" Patuloy kong pagmumura. Maski ang mga taong napapadaan malapit sa akin ay napatingin, ngunit hinayaan lamang nila ako.
Si Damon ay kababata namin na nasa Japan, kung saan kami ipinanganak ni Bridgette. Magkaclose ang pamilya namin, hindi ko aakalain na magkacrush si Damon sa kakambal ko. Dahil akala namin ay natural lang ang pagkakagusto nito sa kambal ko. Ngunit laking pangamba ko, maski nina Mommy at Daddy na tuluyan itong na-obsess sa kakambal ko kaya umalis kami ng Japan. Maski ang malalapit na kaibigan nito ay tinatakot niya sa pamamagitan ng death threats. Maumpluwesiya ang pamilya ni Damon kaya kayang-kaya nitong manipulahin ang lahat ng anuman magustuhan gawin nito.
Isang beses na dumalaw ito sa amin ay doon nito nalaman na ipapakasal si Bridgette kay Alden na labis nitong tinutulan at ikinagalit.
Nagwala ito sa mismong mansyon namin, mabuti na lamang napakiusapan ito ni Bridgette na kumalma. Pero panandalian lamang pala iyon.
Ang inaakala namin na pananahimik ni Damon ay tapos na pati ang panggugulo nito. Ngunit isang araw, nabalitaan ko na pasimpleng nagmamanman ito sa bawat galaw ng kakambal kong si Bridgette.
Hanggang sa hindi na namin aakalain, kaya na nitong pumatay ng tao. Dahil sa paghahangad lamang sa kakambal ko! Nababaliw na ito sa totoo lang.
Agad kong tinawagan sa kabilang linya si Clem, gusto kong makibalita sa nangyari kay Alden kung okay na ito o kung. . . 'wag naman sana na may mas masama pang mangyari dito.
"Clem how is he?" Agad kong tanong dito. Sinalakay na ako ng iba't ibang emosyon. Panay din ang tingin ko sa pintuan ng emergency room kung saan ipinasok si Maine.
"Pare si Alden, shit!"malakas nitong sabi, kasabay ng patuloy na paghaguhol nito sa kabilang linya.
"Ano pare, damn you! ayusin mo ang pagsasalita! What do you mean about Alden?" Kabadong-kabado na ako sa mga oras na iyon. Panay na ang pabalik-balik kong paglalakad sa may pasilyo.
"H-Hindi kaya ng hospital dito sa Maynila ang nangyari kay Alden pare. Ililipad siya papuntang America, pagkatapos tahiin at gamutin ang mga sugat niya. Pero pre grabi, hindi sigurado kong makakaya pang mabuhay ni Alden. Ang katawan niya raw, bumibigay na sabi ni Doc!"
"Huwag ka ngang magsalita ng ganiyan Clem, damn you mabubuhay siya. Kailangan niyang mabuhay dahil buntis si Maine!" Pangangaral ko rito.
Kahit halos wala na kaming magawa sa mga nangyayari sa mga kaibigan namin ay minabuti nalang namin ang ipagdasal sa Diyos na sana... sana malagpasan nina Maine at Alden ang lahat ng nangyayari sa kanilang mga buhay sa ngayon.
Sana sabay pa rin silang lalaban, kahit magkalayo na sila. Dahil may kumakapit na sa kanilang buhay , kaya hindi dapat sila sumuko sa laban...

BINABASA MO ANG
✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE)
RomanceForever Yours, Forever Mine (UNDER REVISION-EDIT) (romance) babz07aziole Alden Vriganza lahat halos nasa kaniya na, marangyang buhay. Kasikatan, mga totoong kaibigan. Ngunit may darating na magpapabago sa kinagisnan niyang buhay. Si Maine Sanchez. I...