CHAPTER FOURTHY TWO

40 5 3
                                    

BINALOT ang sistema ko ng pag-aalala ng mga oras na iyon. Maski ang mga magulang ko ay nangangamba na rin sa biglaang pagkawala ng nag-iisang alaala ko kay Alden. Ang anak kong si Draimler, iniwan ko lamang saglit ito sa may sala namin. Pero pagbalik ko bukas na ang pintuan pati ang gate namin ay nakabukas din.

Nangipuspos ako sa mga sandaling iyon, labis-labis ang kabang sumalakay sa akin ng mga oras na iyon. Bigla akong nablanko at hindi ko alam ang dapat gawin sa sandaling iyon, mabuti nalang at naririto ang Mama at Papa. Binigyan muna nila ako ng tubig saka tinanong kung ano ba daw ang nangyari. Sinabi kong iniwan ko lang saglit sa sala si Draimler, dahil kumuha lang ako saglit ng pampalit nitong damit. Ngunit laking gulat ko, pagbalik ko wala na ito.

Agad kaming naghanap ng mga magulang ko sa lahat ng pweding lusutan at puntahan ng anak ko sa lugar namin, ngunit bigo pa rin ako sa paghahanap.

Sumapit ang gabi, magbebente-kuwatro oras ng nawawala ang anak ko. Kaya minabuti ko ng idulog sa kapulisan ang pagkawala ng anak ko.

Sa oras na nawala ang anak ko, walang oras na hindi ako umiiyak. Patuloy kong sinisisi ang aking sarili.

"Kasalanan ko!" Sigaw ko sa kawalan, habang yakap ang picture frame ni Draimler. Ang sigla-sigla pa ng ngiti niya roon, payapang-payapa.

Humahagulhol ako ng biglang magbukas ang pintuan at iniluwa niyon si Mama at Papa, bakas din sa mga mukha nila ang labis na pag-aalala.

"Tama na anak, huwag mong sisihin ang sarili mo," alalang sambit ni Papa habang hinahaplos ang aking balikat. Ngunit lalong nalunod ng pighati ang aking puso sa mga oras na iyon.

"Pa. . . nag-iisang alaala na lamang siya ng pagmamahalan namin ni Alden, b-bakit naiwala ko pa siya!" Impit kong bigkas na labis ang pagdaramdam ko.

"Anak alam naming napakahirap ng pinagdadaanan mo, kami man hindi mapalagay sa nangyari. Oh, ang apo ko. Kamusta na kaya. . . kumain na kaya iyon," umiiyak na saad ni Mama, habang mahigpit lamang yumakap sa akin.

"Mama, nag-aalala ako baka kako kinuha na siya ng mga sindikato. Hindi ko kakayanin kapag may masamang nangyaring kay Draimler! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko!" Puno ng hinanakit na bigkas ko, habang patuloy na nagmamalabis ang luha sa aking mga mata.

"Huwag mong sabihin yan anak may awa ang Diyos, magtiwala lamang tayo sa kaniya." puno ng pag-asang sabi ni Papa. Ngunit hindi iyon nakapagbigay sa akin ng kapayapaan, halos pinapatay ako sa bawat oras na nagdaan na wala sa aking tabi ang anak ko.

Nawala na nga si Alden sa akin, dahil ayaw na nitong bumalik sa piling ko. Dahil natrauma ito sa nangyari, ayaw na raw nito ng kumplikasyon sa buhay kaya nanatili itong nasa America.

Tanging si Greg ang nakikibalitaan ko ng naging buhay pagkatapos ng recovery ni Alden. Madami itong napagdaanan pagkatapos ng nangyari rito may tatlong taon na ang nakaraan. Kaya naiintindihan ko ito, kung kusa na itong lumayo sa akin.

Ngunit umaasa pa rin naman ako balang-araw maghihilom ang lahat ng pasakit na nangyari rito ng dahil sa akin. Masakit man pero kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko kasama ng anak ko na wala ang ama nito.

Balang-araw kung hindi man bumalik si Alden, unti-unti kong ipapaintindi na mabuting tao ang Papa nito. Na may dahilan kung bakit kusa itong lumayo sa amin.

Muli naramdaman ko ang banayd na haplos ni Papa. Nakita kong pumasok si Angel na kasalukuyang buntis kay Cuzhniel. Ikinasal sila kamakailan, isang bonggang kasal sa private beach rest house ni Cuzhniel.

"Are you okay Maine? May feedback na ba sa pagkawala ni Draimler?" Malungkot na tanong ni Angel pagkatapos niya akong yakapin. Nanatili namang nakatayo sa labas ng pintuan ng aking silid si Cuzhniel.

"W-Wala pa Angel," gumagaragal ang tinig kong sagot sa kaniya. Bigla 'y parang linalakumos ang puso ko ng mga oras na iyon.

Nang biglang dumating naman ang kaibigan namin na si Charlotte. Kasama naman nito ang fiance nitong si Clem. Tuluyan naging transgender si Charlotte kaya hindi na siya iba sa amin ni Angel. May kaya ang pamilya nito kaya, kayang-kaya nitong gastusan ang sarili.

Si Clem naman, laging bigo sa pag-ibig pagdating sa mga babaing nagugustuhan nito. Noong huli, niluko siya at pinerahan ng naging girlfriend nito. Kaya sumumpa itong hindi na magkakagusto kailanman sa babae. Iyon naman ang naging chance ni Charlotte para magpapansin na hindi naman nito ikinabigo. Hanggang sa naging sila na at nagpaplanong mag-pakasal ngayong susunod na taon.

"Ipagdasal na lamang natin na nasa maayos lang kalagayan ang anak mo, Maine. Alam kong hindi siya pinapabayaan ng nasa itaas nararamdaman ko iyon." si Charlotte. Tumango nalang ako pagkatapos, napalingon akong muli sa pintuan ng makita ko si Greg.

Hindi ko inaasahan na makikita ko sa mga oras na iyon si Alden na kasabay lang dumating ni Greg. Sa dami ng emosyong sumasalakay sa akin, bigla ko siyang nilapitan at tumakbong palapit sa kaniya sa mga oras na iyon. Wala na kong pakialam kung itulak niya ako pagkatapos, ang gusto ko lamang mayakap ito. Maramdaman kong may kasama akong lalaban sa pagsubok na dumating sa buhay ko.

Humagulhol ako sa matipuno niyang dibdib, dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng puso niya. Naramdaman ko ang pagyakap ni Alden sa akin, kasabay ng paghaplos niya sa likuran ko. Maski ang pagdampi niya ng halik sa aking ulunan ay ramdam ko rin. Namiss ko ito ng sobra-sobra. Masayang-masaya ako ngunit naroroon ang lungkot, dahil wala sa mga sandaling iyon si Draimler.

Maingat kong iniangat ang mukha ko ng hawakan nga ni Alden ang pisngi ko. Nagkasalubong ang mga titig namin, nasa mga mata niya ang labis na pangungulila at pagsisisi.

Hanggang sa tuluyan na niyang inangkin ang aking labi, sa halik na iyon nawala lahat ng pangungulila, hinampo at sakit na naranasan ko sa mga taong nagdaan na pinili nitong lumayo.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Mabilis kong iginala ang aking tingin, wala na pala ang mga kasama namin sa kwarto.

Dahan-dahan siyang umupo sa kama ko, kitang-kita ko ang paghihirap sa kaniyang mukha sa mga sandaling iyon. Tinawag niya ako para umupo sa tabi niya.

"Maine kailangan nating mag-usap," pauna niyang sabi. Agad akong tumango at hinayaan siyang magpaliwanag.

✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon