MASAYANG nagsasalo-salo ang lahat, katatapos lamang ang kasal nina Clem at Charlotte na nasaksihan naman ng malalapit nitong pamilya at mga kaibigan nila na sina Cuzhniel, Angel, Soujhiro at ang nababalitang steady girlfriend ni Soujhiro na si Mika. Isang english teacher sa Japan, kung saan doon din sila unang nagkakilala.Matapos ang gabing pag-amin ni Alden sa totoong dahilan, kung bakit hindi na nagparamdam ito mga tatlong taon na ang nakakalipas. Kung saan plinagplanuhan ang pagkakabangga rito na muntik pa nitong ikamatay.
Hindi niya aakalaing tanggap siya ng asawa at pumayag itong magsimula silang muli. Kahit na alam niyang marami siyang magiging pagkukulang sakali, lalo na sa sexlife dahil wala na nag siyang kakayahan na paligayahin ito roon. Sinabihan niya rin itong humanap na lamang ng iba, iyong kaya siyang mapaligaya. Ngunit mariin na humindi si Maine, naramdaman niyang totoong mahal na mahal siya nito.
Kinabukasan nagulat na lamang sila na kasama na ni Greg ang anak nilang si Draimler, may hawak pa itong laruan na kotse. Tila nagpunta lamang ito sa mall, dahil hindi ito nakakitaan ng ano pa mang senyales na na-kidnap ito o ano.
Gusto nilang murahin at paghahampasin si Greg, ngunit ipinagwalang-bahala na lamang nila ang lahat. Malaki ang pasasalmat nila, dahil muling nabuo ang kanilang pamilya.
Ipinakilala ni Maine kay Draimler si Alden bilang tunay nitong ama. Idinahilan na lamang nila kung bakit hindi agad nagpakita si Alden, dahil nagpagaling ito sa America. Dahil naaksidenti ito ng mga panahon na nasa tiyan pa si Draimler ni Maine.
Mabilis na lumipas ang panahon, nakapag-asawa at nagkaanak na rin si Draimler. Pero nanatiling matibay ang pagsasama nina Alden at Maine. Madami man silang pagsubok na pinagdaanan, hindi iyon naging hadlang para sukuan nila ang isa't-isa. Hindi man sila buo sa kanilang kaniya-kaniyang aspeto ay minahal pa rin nila ang isa't-isa, kahit may pagkukulang ang bawat isa.
Dahil ang tunay na pagmamahal mas mahalaga ang nararamdaman, kaysa sa ano pa mang bagay. Dahil lumipas man ang lahat, magbago man ang lahat at mawala man ang lahat.
Ang pag-ibig na wagas mananatiling pagyayabungin hanggang sa kayo'y takasan na ng lahat-lahat . . .
WAKAS
BINABASA MO ANG
✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE)
RomanceForever Yours, Forever Mine (UNDER REVISION-EDIT) (romance) babz07aziole Alden Vriganza lahat halos nasa kaniya na, marangyang buhay. Kasikatan, mga totoong kaibigan. Ngunit may darating na magpapabago sa kinagisnan niyang buhay. Si Maine Sanchez. I...