Said We're Just Friends But You Lied

32 3 0
                                    

-------------

Sabi mo kaibigan lang, malinis ang intensyon mo.

Naniwala ako, nagtiwala sayo.

Pero bakit nagsinungaling ka? Sabi mo kaibigan lang?

Hindi mo ba naiintindihan? Kaibigan lang, tapos. Walang kasunod, at walang susunod.

Pero tinawid mo ang linya, at ngayon, nasasaktan ka.

At nasasaktan din ako.

------------

Unang beses pa lang kitang nakita, attracted na ako sa iyo. Gwapo ka, matangkad, maputi at malakas ang dating. Sa tingin ko nga ay halos lahat sa school, may gusto sa iyo.

Nagulat na lang ako ng isang araw ay nilapitan mo ako para makipagkaibigan.

"Pwede ba kitang maging friend?" Sabi mo sa isang malalim na tinig. Ngayon ko lang din napansin ang malalim na dimples mo na animoy nagpapapansin sa akin. Tinanggihan ko ang alok mo, hindi dahil ayaw ko, kundi dahil iyon ang dapat.

Noong sinabi kong attracted ako sayo, totoo iyon at pakiramdam ko ay lumalalim iyon hanggang sa naging crush na kita. Kaklase kita sa tatlong subject at palagi kitang katabi. Hindi mo man pansin ay palagi akong numanakaw ng sulyap sayo. Kitang-kita ko ang inggit ng mga babae sa akin sa twing katabi kita pero alam kong hindi nila magagawang mainis sa akin. Alam nila, kilala nila ako.

Tinanggihan kita dahil mahal ko ang boyfriend ko. At pakiramdam ko, sa araw-araw na pinupuri kita, nagchicheat ako sa boyfriend ko. Dapat siya lang ang gwapo, siya lamang ang pinupuri ko, siya lamang ang nagugustuhan ko. Alam ng lahat na may boyfriend na ako at kung gaano namin kamahal ang isa't isa kaya tiwala silang hindi kita magugustuhan. Sana nga tama sila.

Palaaral si Alex, ang pangalan ng boyfriend ko at palagi syang busy. Pero sa twing may oras sya, sinisigurado nyang masusulit ang mga panahong hindi kami magkasama. Sabi nga ng mga kaklase ko ay kapag tiningnan daw kaming dalawa na magkasama, makikita mo agad na mahal na mahal namin ang isa't isa. Minsan gusto kong kasama ko na lamang sya palagi, para hindi na kita naiisip.

Isang beses, nakaupo ako sa isa sa mga benches sa harap ng audi. Hinihintay ko kasi si Alex dahil may practice sila sa banda. Bawal naman ang audience dahil istrikto ang manager nila. At doon ka dumating. Amoy ko na agad ang pabango mong kay sarap sa ilong. Tinapik ko ang aking sarili dahil heto na naman ako, pinupuri ka.

"Bakit mo sinasaktan ang sarili mo?" Tanong mo sa akin. Nagulat ako sa biglaan mong pagsasalita kaya bigla kang humalakhak. Namula naman ako hindi dahil sa hiya sa pagkakita mo sa gulat na gulat kong mukha kundi dahil sa halakhak mong parang musika sa aking tainga. Ayoko ng pinupuri ka kaya tumayo ako para umalis. Magpapaliwanag na lang ako kay Alex kung bakit hindi ko sya nahintay. Pero bago pa ako makaalis ay nahawakan mo na ako, agad kong tinabig ang kamay mo dahil nakuryente ako.

"Galit ka ba sa akin?" Tanong mo sa isang malungkot na boses. Hinarap kita, "Hindi. Bakit naman ako magagalit sa iyo? Kailangan ko na lang talagang umalis." Sabi ko at umamba na uling aalis pero tinawag mo ang pangalan ko.

"Hannah." Sabi mo at natigilan ako, para akong kinilabutan sa uri ng pagtawag mo sa aking pangalan. Hindi kita pinansin at humakbang na uli pero nagsalita kang muli,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Said We're Just Friends But You LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon