Sino Ba Ako?

28 3 15
                                    

DO you remember when
I said I always be there
Ever since we're ten, baby~

Nakikinig ng musika mula sa earphone habang nakatulala sa kawalan. Nakasakay sa jeep na hindi alam ang pupuntahan.

Sh*t. Sumakay ako sa jeep na hindi ko manlang alam kung saan papunta. Jusko naman.

When we were out on the playground playing pretend
I didn't know it back then~

Sa bagay, sinadya ko nga palang sumakay dito. Tutal wala naman ng maghahanap sa katulad ko.

Now I realize you were the only one
It's never too late to show it
Grow old together
Have feelings we had before
Back when we were so innocent~

Huminto ang sinasakyan ko. Bumaba na ang mga pasahero, ako nalang ang naiwan.

Ako nalang...

Ako naman lagi ang naiiwan. Ako ang laging iniiwan.

"Ma'am."

I pray for all your love
Girl our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you
Somebody pinch me~

"Ma'am!"

Tinanggal ko ang earphone sa tainga ko nang marinig ang pagtawag ng driver sa 'kin.

"Last ko na po dito."

Last? Huli na ba talaga ang lahat? Kahit kailan ba hinding-hindi na siya pwedeng bawiin?

"Ah. Ganon po ba?" Tumingin ako sa bintana ng jeep na ito. "Nasaan na po ba tayo?"

"10th ave. po." Tumango ako dito.

Bumaba ako ng jeep na sinakyan ko. Pagkababa ko ay tiningnan ko ang paligid.

Ang kalangitan ay nagdidilim. Ang mga sasakyan ay nagliliwanag dahil sa ilaw nito. Marami ang taong nag-aabang sa sakayan para umuwi ng kanilang tahanan.

Tahanan? Palihim akong napangiti sa naisip ko. Wala nga pala kong tahanan. Wala kong bahay na matutuluyan.

Pinihit ko nang maigi sa katawan ko ang bag na nasa aking likuran, saka tuloy-tuloy naglakad. Sinabayan ang mga taong nagsisitawiran sa daan.

Lakad dito, lakad doon. Masakit man ang paa ay hindi ko ininda dahil na rin siguro sa wala akong pera pan'sakay.

Hanggang sa mapunta sa lugar na hindi pamilyar sa aking mata. Lugar na magulo't maalinsangan.  Mga batang nagsisitakbuhan kahit gabi na. Mga lasenggong nasa tabi. Mga chismosang nasa gilid, bulungan sa kanilang tingin ngunit bulalas naman ang naririnig.

Wala akong nagawa kun'di manghingi ng tulong sa batang naglalaro.

"Excuse me. Sorry kung maiistorbo ko ang paglalaro mo." Tumingin ang mala-inosenteng mukha ng batang lalaki. Madungis ito at nangingitim dahil na rin siguro sa araw at dumi. "Matanong ko lang, anong lugar 'to?"

Tumingin nang nagtataka ang bata. "Pumunta ka dito tapos 'di mo alam kung nasaan ka? Aba matinde." Nagulat man ako sa pagtugon niya ay binalewala ko nalang.

"Oo e'. Medyo tatanga-tanga kasi 'tong babaeng 'to." Turo ko sa sarili. Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Ayus ka ate." Umayos siya ng tayo at hinarap ako. "Ano bang pangalan mo?" Sasagutin ko na sana nang magtanong siyang muli. "Bakit ka na'ndito? Tagasan ka? Anong ginawa mo? Tumakas ka ba at sumakay papunta dito para magpaligaw? Siguro kriminal ka kaya ka nagtatago 'no?" Nagdikit ang aking dalawang kilay dahil sa mga tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang sasagutin sa mga tanong na 'yon.

Huminto siya sa pagtatanong at naghihintay ng mga sagot ko.

"Ako si..." Napahinto ako sa sasagutin at napaisip.

Sino nga ba ako?

Sino Ba Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon