Mission 9

732K 22K 6.2K
                                    

Mission 9


Aldus Ferell


Tanghalian na at nasa hapagkainan na naman kami. Atleast kapag nandito si LG nakakain kami tatlong beses sa isang araw. Pag kami lang magpipinsan ang nandito, kanya kanyang paraan para makakain. Hindi pa naman kami regular na iniwanan ng pera nitong si LG, kaya lagi kaming nauubusan. Damn.

Kung alam lang nila, mga gwapo nga kami pero naghihirap din kami. Ang saklap talaga ng buhay namin, topakin kasi ang matandang nag aalaga sa amin. 


"Bakit tianghali na yata ng gising si Nero?" tanong ni LG. Bakit sa amin niya itinatanong ang madayang gago'ng 'yon?


"Oo nga" pang sang ayon ni Troy.


"Gabi na atang umuwi" sagot ni Owen.


"Gisingin niyo na siya, kailangan ko na rin siyang makausap bago ako umalis" utos ni LG.


"Ako na" nagvolunteer na ako. Masyadong madaya ang Nero na 'yon. Baka makaalis si LG na hindi man lang siya namumura. Hindi yata patas, pare pareho kaming apo dito. Dapat pantay sa lahat ng bagay. Tang ina. Agad akong tumayo at umakyat ng hagdan para gisingin si Nero.


"Ang bisita natin LG? ganito din ba siya katanghali ng gumising?"pakinig kong tanong ni Tristan.


"Bababa din siya mamamaya" maiksing sagot ni LG. Nagkibit balikat na lang ako hanggang sa makarating ako sa harap ng pinto ng kwarto ni Nero. Bubuksan ko na sana pero nagtaka ako nang malamang nakalock ito. Nakakapagtaka, hindi naman kasi marunong maglock ng kwarto ang gago.


"Nero! gumising ka na daw. Tanghali na! Nero!" kinakalampag ko na ang pintuan at naghintay ako ng mga isang minuto pero hindi pa din magising ang gago. Muli ko itong kinalampag pero wala pa din nagbubukas ng pinto. Ang sarap ng tulog, patay ka kay LG.


"Hindi ka gigising?! Si LG na ang gigising sa'yo bahala ka sa buhay mo!" sinipa ko pa ang pinto. Mas madali talagang gisingin ang tulog kaysa sa nagtutulog tulugan. Pero ibang usapan na nga lang kung si Tristan ang gigisingin tulog mantika kasi ang gago'ng 'yon.

Agad na akong bumaba.



"LG, ayaw gumising" umupo na lang ako at kumain na lang ulit.


"Sige ako na ang bahala. Gising na gising yan sa akin" sagot ni LG. Sa vision ko may lumabas na itim na usok mula kay LG, ako lang ba ang nakakita nun? Bumaling ako sa mga ungas kong pinsan lahat sila ay nakangisi na kay LG.


"Oh, boy" kawawang Nero mukhang pagtitripan na naman ng matanda. Napapailing na lang ako. Pero sa bagay, mukhang magiging masaya na naman ito.


Florence Almero


Nasa kalagitnaan ako ng kasarapan sa pagtulog nang may maramdaman akong kumikiliti sa leeg ko at sa pagmulat ko may nakita akong lalaking nakahubad at nakatitig sa akin.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon