Naranasan Mo Na Ba??? (Part 1 "BUHAY")

178 2 0
                                    

      Naranasan mo na ba ------- gumising sa umaga at halos ipanalangin nalang na sana hindi ka nalang nagising... na sana nabangungot ka nlng o kaya'y inatake sa puso habang natutulog, kase ramdam mong natulog ka na nmn ng gabi ng may d nareresolbang problema at ayaw mo ng harapin ung umaga'..,kung minsan idagdag mo narin siguro ang sermon ni nanay na unang bubungad sa tenga mo pagkagising.   

        Pero swerte ka pdn kase nagising ka at may panibagong buhay.. ika nga rin eh ang problema ay kayamanan, tila ginto na nakabalot sa putik kailangan molng magtiyaga at linisin ito ng mabuti ... ang sermon ni nanay.. iyan ang patunay na araw araw pinagpapala ka ng diyos nang may magulang sapat na ang boses nila na kahit masakit sa tenga at tagos sa puso.

       Naranasan mo na ba -------- ung halos sumuko kana , panalangin mo na sana panaginip nalang ang anumang masama o napakahirap na pangyayari nayun sa buhay mo, ung kung pwede lng sa mismong araw nayun maglaho ka nlng o maging invisible ka sa lahat.

       Naranasan mo na ba --------- ung halos isipin mona paano kung macoma ka nalang o kya mamatay baka sakaling makita mo sino nagmamahal sa iyo, sino iiyak, sino tunay na may pakialam sau, umaasa ka na maglakbay diwa ka at makita marinig ang sasabihin nilang maganda sau na kahit kailan ay hindi mo narinig sakanila.

      Naranasan mo na ba ----------- ung halos lutang ka wala sa sarili dahil sa problema.. nadadamay mo pa mga tao sa paligid mo.. halos maiyak kana kapag sinigawan ka ng teacher mo dahil wala ka sa sarili.., hinang hina kana parang naitulak kapa. 

             Naranasan mo na ba ------------- ung sabihan ka ng walang kwenta , bobo , tanga, wala ng ginawang tama.. malas sa buhay, sa ganoong paraan d mo alam san ka lulugar san ka pupunta tila parang sinusuka kana ng mundo.. lalong mas masakit kung sa pamilya o magulang mo mismoito manggaling.... 

           Naranasan mo na ba --------------- may sakit ka at ikaw pa ang mapapagalitan na parang ikaw ang may kasalanan ng pagsagap ng kung anong sakit na d inaasahan, libre kuha mo ng gamot ikaw mag isa kahit na nanlalata kailangan mong tumayo. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Naranasan Mo Na Ba???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon