Chapter 36 - Letting Go

79 2 4
                                    

Hating gabi na at mulat pa rin ang aking mga mata at lumulutang pa rin ang aking diwa dahil sa mga pangyayari. Hanggang sa mga sandaling ito ay maligalig ang puso ko dahil sa alam kong nasaktan ko si Brad. Ilang beses kong tinangkang i-text ito ngunit hindi ko alam kung paano sisimulan. Paulit-ulit kong kinukuha at ibinabalik ang aking cellphone sa ilalim ng aking unan dahil dito.

Isa sa pinakamalaking parte ng aking pagkabalisa ay si Kurt. Ngayon na napatunayan ko na mahal ko na nga ito ay lalong hindi ito maalis sa isip ko.

'Nakauwi na kaya ito mula sa party? Kung hindi, anu kaya ang ginagawa nila ngayon ni Megan? Ite-text ko ba siya? Anu namang sasabihin ko? Dapat ko nga bang sabihin ang nararamdaman ko? Paano kung gusto na niya si Megan?'

Ilan lamang ang mga tanong na ito na naglalaro sa aking isipan.

Muli kong kinuha ang aking phone at saka nagsimulang magtype.

R u home? I hv s

Hindi ko pa man tapos ang aking message ay mabilis ko rin itong binura at agad ibinalik ang cellphone sa ilalim ng unan subalit bago ko pa tuluyang maibalik ay nag-vibrate ito dahil sa isang text.

From: Migs
Really sory abt earlier. Cn we tlk? Pls pls?

Nang mabasa ko ang text ni Migs ay lalo nang nagising ang aking diwa.

May maliit na parte ng puso ko na gusto itong i-text back. Ngunit malaking parte ang nagsasabing 'huwag na' kaya't muli kong itinago ang phone.

Ilang sandali pa mula sa ilalim ng unan ay nag-ring naman ang phone. Agad na kinuha ko ito at nakitang tumatawag naman si Migs. Agad rin na kinasela ko ang call nito ngunit muli itong tumawag. Muli ay kinansela ko ang tawag nito at saka in-off ang vibrate mode ng phone at saka isinauli ito sa ilalim ng unan.

Labing-limang minuto ang nakalipas at lalo nang hindi ako mapakali sa higaan habang alam ko na tumatawag si Migs.

Nang tinignang kong muli ang phone ay nagulat ako sa naka-flash sa screen nito.

12 Missed Calls
1 New Text Message

Ang mga tawag at text na iyon ay galing lahat kay Migs.

From: Migs
Im outsyd. Ill w8 hr no mattr hw long it tks.

Bigla akong napabalikwas at napaupo mula sa pagkakahiga. Kinakabahan na sumilip ako mula sa aking bintana. Doon ay tanaw ko sa ibaba ng gate ang isang lalaking nakaupo, nakatiklop ang kaliwang paa, at nakasandal dito.

Hindi ko malaman ang gagawin. Hindi ko alam kung lalabasin ko ba ito o hahayaan kong mamuti na lang ang mga mata nito sa kahihintay. Subalit ang mga paa ko na mismo ang kusang kumuha ng aking mga tsinelas na pawang nagpapahayag na puntahan ko si Migs.

Napahinga ako ng malalim. Nasa malalim na parte ng aking isipan na gusto ko ring makausap si Migs nang once and for all ay maayos na namin ang dapat naming ayusin. Higit dito ay gusto ko ring masiguro na wala na talaga akong nararamdaman para dito nang sa gayon ay maging fair ako kay Kurt.

Sa paglakad ko palabas ay naramdaman ito agad ni Migs at mabilis na napatayo ito mula sa pagkakaupo.

Pagbukas ko ng gate ay bumungad ang nakatayong si Migs at ang tila magulong itsura nito. Hindi pa man ako nakakalapit dito ay alam ko na marami itong nainom.

Dumiretso akong umupo sa sidewalk na malapit sa aming gate at saka sumunod na umupo si Migs sa tabi ko.

"Do you know how much I love you?"

Bungad nito habang nakatitig sa akin samantalang nakatingin lamang ako sa mga bituin sa langit habang patuloy ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.

Music & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon