PROLOGUE

28 0 0
                                    

PROLOGUE: Saved

___________________________


ASHLEIGH'S POV

Kadiliman.

Kadiliman lang ang tanging makikita ko sa kulungan. Kahit ni isang ilaw ay wala akong makita.

Nasa kulungan ako nung simula na naglakbay kami kasama mga kaibigan ko papunta sa ibang lugar pero ang akala ko ay maging maganda ang aking buhay ngunit kabaliktaran lang pala.

Dahil sa tagal ko dito nasanay na ako sa kadiliman.Nakakita ako kahit gaano man kadilim sa lugar na to.

Kitang-kita ko ang mga ibang tao dito na nagdudusa dahil sa kaparusahan na naandag sa kanila.

Sa kabila naman nakita ko ang aking kaibigan na hindi na gumagalaw,sa ibang salita patay na sya.

Isang araw na nung namatay sya.Wala akong magawa kundi nanood lang kung paano sya namatay.Gusto kong magwala pero di ko kaya. Mas lalong pinatigas nila ang pusas sa aking kamay pati sa aking paa. Para kaming mga baboy kung pinaparusahan.Nang namatay na yung kaibigan ko wala akong magawa.Gusto kong umiyak pero walang luhang lumalabas sa aking mga mata.Gusto kung sumigaw pero di ko magawa.Gusto ko syang tulungan ngunit hindi ako makagalaw.

I was useless.

I couldn't even saved a one friend who joins my journey.

Hindi ko mapapatawad ang mga taong gumawa samin nito. Halos lahat na nasa kulungan ay wala nang buhay. Yung iba ay matagal nang namatay habang yung iba naman ay buhay kagaya ko.

Pero kunti nalang ay mamatay na ako. Hindi ko alam kung bakit nila ito ginagawa sa amin.

Hindi kami kriminal. Oo nasa kulungan kami pero hindi kami kriminal at hindi ordinaryong kulungan ito. Lahat nang tao dito ay nakabitay gamit ang pusas na inilagay sa aming kamay at paa. Kung sa ordinaryong kulungan may pagkain dito wala, kung sa ordinaryong kulungan may ilaw dito wala at ang pinakamahirap ay araw-araw ka nilang pinaparusa. Kahit anong parusa at lahat ng iyon ay naranasan na namin.

Nung una umiiyak pa kami dahil sa sakit pero pagtagal ay kahit isa saamin ay hindi umimik. Nasanay na kami sa mga parusa at nung dumating ang araw na iyon ay mas lalong naiinis yung mga taong nagparusa sa amin.

Iniba nila ang mga parusahan at mas lalo pa itong masakit kaysa dati. Kaya naming tumakas ngunit dahil hindi na kami kumakain,wala kaming kaya o gana para makatakas.

"Oh may buhay pa dito oh!" Sigaw nung lalaki.

Andito na pala sila. Apat sila may tatlong lalaki at isang babae.Hindi ako makapaniwala na kahit babae ay kaya nyang makita lahat nito.

Gaya dati may dala silang mga gamit para ipaparusa saamin. Bakit ba gusto  pa nila kaming ipahirap?Pwede naman na patayun kami agad diba?"

"Sino sya?" Tanong nang babae.

"Sa pagkakaalam ko sya si Ashleigh. Kung sa totoo lang ang tagal na nya dito pero hanggang mgayon ay buhay parin sya." Paliwanag nung lalaki.

Ngumiti naman ang babae,yung ngiti na parang gusto nyang pahirapan yung isang tao sa kanyang harapan.

"Ashleigh huh? Ang ganda sana nang pangalan mo kaso paalam na dahil ngayon muna mahaharap ang iyong kamatayan." Sabi nung babae at malakas syang tumawa.

Since nakabitay ako nakikita ko ang kanilang ginagawa.May kinuha ang babae na isang maitim na ewan di ko alam kung anong tawag nyan pero nung may pinindot sya ay may nakita akong kurtente.

The Assassin Squad Where stories live. Discover now