Suspended

98 2 0
                                    

Special thanks to the idea of my friend

_________________

Malakas ang bugso ng hangin sa labas. Ang mga dahon ay nagsisilaglagan sa mga sanga ng puno at nililipad ng hangin sa ibat ibang direksyon. Ang tunog ng mga patak ng ulan ay malinaw na naririnig kasama ng mga kulog at kidlat. Ang mga tao ay nasa loob lamang ng kanilang bahay dahil sa lakas ng ulan.

Bumaba ako sa sinasakyan kong jeep at agad na nagtungo sa gate ng aking paaralan.

“Magandang umaga po” bati ko sa security guard ng school pero imbes na batiin rin ako ng magandang umaga ay sinalubong niya akong ng nagtatakang tingin. Ipinagkibit-balikat ko na lang ito at tinuloy ko na lang ang lakad ko papasok.

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng aking paaralan at ang tanging maririnig lang ay ang tunog na nililikha ng takong ng aking sapatos. Walang tao sa bawat silid na nadadaanan ko.  Ang paligid ay nababahiran ng nakakakilabot na pakiramdam at ramdam na ramdam ko iyon dahil ako lang ang estudyante na nandito.

Sinabi kahapon ng aking propesor na ngayon ang pasahan ang aming proyekto. Ito ang dahilan kung bakit ako nandidito sa paaralan ngayon. Malakas man ang ulan, alam kong may pasok pa rin dahil hindi naman nagsuspend ang mayor ng aming lugar. Tinignan ko kaninang umaga pagkagising na pagkagising ko pa lang ang kanyang page sa facebook kung may suspension ba ng klase pero wala namang posts patungkol doon.

“Pero baka naman suspended na ngayon?” tanong ko sa sarili ko. Agad kong iniharap sa akin ang bag ko ko at binuksan para hanapin ang phone ko para tignan kung may pasok ba o wala pero sa kasamaang palad ay naiwan ko pala ito sa kwarto ko kanina dahil sa kakamadali. Siguro nga ay wala nang pasok at ako lang ang estudyante na nandidito.

Tinuloy ko lang ang paglalakad ko papunta sa faculty room. Tutal nandito naman na ako, iiwanan ko na lang ang proyekto ko sa lamesa ng propesor ko kaysa naman dadalhin ko na naman ito ulit kapag may pasok na, mas mabuti pang ipasa ko na ngayon. Isang liko na lang ay malapit na akong makarating sa faculty room kaya binilisan ko na lang ang lakad ko pero bago ako makarating doon ay may naaninag ako sa gilid ng mata ko na isang babae na pumasok sa isang silid. Nilingon ko ang silid na pinasukan niya.

“Room 12?” bulong ko. Iyon ang classroom namin. Baka naman isa lang iyon na teacher at tiningnan kung malinis at maayos nga ba ang silid na iniwan ng mga estudyante. Oo tama, baka ganun na nga at mas mabuti na rin iyon kasi alam kong hindi lang akong ang tao na nandito. Alam kong may kasama ako.

Itinuloy ko ang lakad ko papuntang faculty. Medyo madilim sa loob kaya kinapa ko ang sindi upang lumiwanag. Agad kong nahanap ang table ng prof ko kaya nilagay ko na ang proyekto ko doon. Pagkatapos kong mailagay ay binigyan ko ng huling tingin ang loob na faculty at aalis na sana ng may napansin ako.

Hindi gaanong malinis ang faculty at sa itaas ay makikita mo ang mga sapot na tila matagal ng hindi naaagiw. Nagtaka ako dahil kahapon lang ay pinatawag ako ng isa kong prof dito at base sa natatandaan ko, hindi ganito kadumi ang itsura ng faculty room. Malayong malayo ang itsura ng nakita ko kahapon kaysa ngayon.

Teka, bakit parang pamilyar ito?

Naalala ko ang kwento sa akin ng kaibigan ko tungkol sa isang guro na namatay sa paaralang ito. Sabi niya, ang guro na ito ay nagmumulto tuwing may malakas na ulan at bagyo. Naging palaisipan sa akin kung bakit nagpaparamdam lang siya kapag may bagyo at ang sagot niya ay dahil namatay siya habang may bagyong nananalasa. Hanggang doon na lamang ang nakwento niya dahil tumunog na ang bell na hudyat na magsisimula na ang sunod na klase pero may ihinabol siya. Ang sabi niya, kapag nagpaparamdam daw ang gurong ito ay ang mga silid ay napupuno ng mga sapot at at mga sahig ay dumudumi.

SuspendedWhere stories live. Discover now