Iba na talaga ang meaning ng salitang "crush" sa panahon ngayon. Para sa iba pag sinabing "crush" mahal mo na agad.
One day, mayroong audition ang isang malaking grupo na pinangungunahan ng mga estudyante na may talento sa pagkanta. Sama-samang nag audition ang mga magkakaibigan na sina Paolo, Brianne,dane,leourica,josh at khai.
Ang unang sumalang sa audition ay si Paolo "Ako nga po pala si Paolo Reyes ng AB Mass communication 2A. Akin pong aawitin ang kantang Tayong dalawa by Rey Valera"
Nang makapasa si Paolo agad itong napasigaw "Yes! Pasado ako thank you lord!"
Sumunod ng kumanta ang kanyang mga kaibigan at sila din naman ay nakapasa.
Lumipas ang ilang mga araw nage-ensayo na ang kanilang grupo nakita ni brianne na naka titig si Paolo sa dalawa nilang co-member na babae tanong ni brianne "Bro crush mo si Mj no?" Sumagot naman si Paolo "Uy hindi ah! Saka wala naman ako tiyak na pag-asa dun". Isang araw nalaman ni Paolo sa kanyang kaklase na ang kanyang sinisinta na si Mj ay may boyfriend na pala. Labis siyang nalungkot kaya naman humanap siya ng magandang paraan. Isang araw muling nag ensayo ang kanilang grupo muling nahuli ni brianne na naka titig si Paolo sa isang babaeng nagngangalang Sarah Ramos.
Nang malaman ni Sarah na may lihim na paghanga sa kanya si Paolo nailang siya at halos dumating na sa punto na hindi sila nagpapansinan sa loob at labas ng kanilang grupo. Agad naman nagpatulong si Paolo sa kanyang kaibigan na si Brianne. "Bro patulong naman please gusto ko lang talaga makausap si Sarah" agad naman tumugon si Brianne "O sige bro hahanap lang ako ng magandang timing".
Nitong dumating na buwan ng Oktubre nagkaroon ng isang audition ang Manila Broadcasting Company o MBC. Sa kasamaang palad ay hindi nakasama si Paolo sa listahan ng mga miyembro na magre represent sa kanilang pamantasan pero nakasama naman ang mga kaibigan niyang sina Leourica, Brianne, Josh at khai.
Sinabe ni Paolo sa kanyang mga kaibigan "Guys congratulations and good luck susuportahan ko pa din kayo kahit na di niniyo ako kasama sa kompetisyon". Pagkatapos noon ay nag umpisa nang mag ensayo ang kanilang grupo.
Nagtanong na si Paolo kay Brianne tungkol kay Sarah. "Bro ano na kamusta na si Sarah? Nakausap mo na ba? Anong sabe sayo? Nagalit ba siya sa akin?" Agad naman sumagot si Brianne " Bro nakausap ko na si Sarah hindi daw siya galit sayo".
Nagtanong muli si Paolo "Nag practice ba kayo kahapon o get together lang?" "Wala, may exam dapat ako. eh nagkasabay kame mag lunch nila kenneth, leourica, mog at sarah, sabi niya wala daw siyang panahon sa boyfriend. NBSB (No Boyfriend Since Birth) daw siya.
Muling nagtanong si Paolo " pano niya nalaman na may crush ako sa kanya? Nainis ba siya nung nalaman niya? Sumagot si Brianne "May nakapag sabi hindi ko lang alam kung sino, hindi siya nainis sayo bro wala lang daw talaga siyang panahon".
"di daw kasi siya kumportable sayo, sobra ka daw maka titig tapos nagulat pa siya sa text mo kung pwede ba kayo mag-usap." Sumagot si Paolo "tinext ko lang siya noon na kung pwede ba kame mag-usap para kahit papano open yung friendship ko kagaya nung sa ibang old members"
Sabi ni brianne "nacreepyhan kasi siya. Kasi masyadong informal yung ginawa mo sa text pa talaga. Huling sagot naman ni Paolo "Pakisabi din na kaya sa text ako nagtanong....pag nagtanong ako sa kanya as personal tiyak magkakaroon ng TUKSUHAN.

BINABASA MO ANG
The Fake Feelings About Love
Romancekunwari crush mo ang isang tao tapos nagkatuksuhan ang barkada nag deny ka pa