Ngayon na ang huling laro. Lahat kaming kasali nasa malaking field kung saan mag explain ang host sa huling laro ng the battle of the highest rank.
"Good day to all! Ngayon alamin muna natin ang score bago namin e-explain ang huling laro." Ngiting sabi nung host.
Umingay lalo ang mga tao sa paligid.
"Pang ilan kaya tayo?" Sabi ni shan.
"Huli yata?" Spring
Umiling naman si dark at lara.
"Ang nangunguna sa laro ay ang lux guild, ang kanilang score ay 184" umingay ang mga tao dahil sa narinig. Kita ko ang galak na mukha ng taga lux.
"Wow ang galing nung taga lux ah" sabi ni spring
"Tsk" eino
"Wag mawalan ng pag asa!" Sabi ni shan.
"Sumunod naman ang Royal guild na nakakuha ng 166 na points."
Napailing lamang ako sa ingay ng mga tao.
"Wow! Hindi ko akalain na nasa ikatlo ang Meiro guild, kung saan naka kuha sila nang 164 na points. Malapit na nilang matalo ang royals sa points" gulat na sabi ng host.
"OMG!!!" Spring
"Sabi ko na nga ba" tuwang sabi ni dark
"Huhuhu nasa pangatlo, nakakatuwa" shan
"Salamat naman" lara
Ngumiti naman si eino sa resulta. Napatingin ang ilang grupo sa amin, at na pansin ko pa ang pagkatahimik ng buong lugar. Hindi yata nila inexpect ang nangyari.
"Ang nasa ika apat ay ang G & G guild na nakakuha ng 155 at ang pang huli ang Roses guild na nakakuha ng 118 na points"
"Hindi ko akalain na talo natin ang G&G" masayang sabi ni shan.
"Wag kang pakikiseguro shan, may huling laro pa" sabi ni dark.
"Kaya nga" spring
"Ngayon ang panghuling laro ay, lahat ng member ay kasali sa laro, lahat ng member magkasamang lumaban. Bawat panalo ay makakakuha ng dalawang puntos sa kasamang member sa natalo habang ang ginawang leader ay limang puntos. Walang rules, pagkat hindi na makatayo o mawalan ng malay ay talo sa laro. Walang puntos ang matatalo. Ito ang huling laro ng the battle of the highest rank. Good luck sa mga manlalaro" ngiting sabi ng host.
Biglang nagkaroon nang city sa pwesto namin, hindi ko narin nakita ang ibang man lalaro. Ngunit magkasama parin kami, napansin ko ang pag tunog ng isang gong, na hudyat na nagsisimula na ang laro.
"Kaylangan natin ng plano" lara
"Pero wala na tayong oras" spring
"Baka maubos ng ibang member ang ibang manlalaro, alam nyo na" sabi naman ni shan.
"Hindi tayo kikilos" sabi ko
"Ha?" Napatingin silang lahat sa akin.
Kita ko ang pagtataka sa kanilang mukha.
"Pff! Nakakatawa mga mukha nyo" sabi ko
"Wag ka nga matawa dyan, hindi kasi namin gets sinabi mo eh" sabi ni shan.
"Simple lang kasi yun eh, hindi tayo ang kikilos. Ang kalaban nang bahala ang mag hanap sa atin."
"Kakasabi ko lang dba? Nabaka mawalan tayo ng oras kapag mag paplano pa tayo?" Spring
"Hindi naman masasayang ang oras natin, kasi sa simula pa lamang may plano na ang kalaban."
"Ano naman yun?" Dark
"Ang pabagsakin tayo" sabi ko ng deretso
"Ang ibig mong sabihin, tayo ang hahanapin ng ibang grupo?" Lara
"Oo! Lalo na yung taga G & G, maghintay lang tayo dito. Alam kung tayo ang uunahin nila" sabi ko sabay upo sa malapit na bench.
Kita ko ang pag ka digusto ng ilan, umupo sa tabi ko sa eino.
"Kung gusto nyo, pwede naman kayong lumakad na hindi kami kasama" sabi ni eino.
"P-pero isa tayong team" sabi ni shan
"Ito yung plano ko kung ayaw nyo, pwede na kayong maghanap sa kalaban na hindi ako kasama."
Tumahimik ang paligid, alam kung gusto nilang mag reklamo pa, ngunit mas malakas ako sa kanila. At alam nila iyun. Ako ang leader sa grupong ito, kaya sa akin sila makinig.
"Ang dali nyo naman mahanap" rinig kung sabi ng isang tinig.
Napangiti ako dahil success ang plano ko.
"Kumusta? G&G guild" ngiting sabi ko.
Gulat ang nakarehisto sa mukha nang kasama ko, habang nakangiti naman ang kalaban na nasa harapan namin.
Exciting ito.
BINABASA MO ANG
The Deity Of Magical World
FantasyShe's the goddess that everyone doesn't know. A goddess that people hated for. A goddess that wants to be happy, but distined by a nightmare. Can this goddess became bad or not? -Abangan-