Una sa lahat ang istoryang aking isusulat ay totoo at hindi lamang kathang isip. Nawa'y magustuhan niyo ang tunay na kwentong ito.
Una kitang makilala ako'y napaibig na ewan ko kung bakit pero 'di ko maipag kaila nahulog ang loob ngunit ako'y takot, takot na malaman mo aking pag sinta na ika'y aking iniibig.
Nang malaman kong loob mo'y nahulog nadin ako natuwa sa aking narinig. Ngunit sa dulo'y di ko alam ang aking isasambit.
Nakita kita aking sinta unang ngiti mo aking puso ay tumibok napakabilis para bang hinahabol ng isang tren na sobrang bilis.
Umuwi ako ng may ngiti sa labi bago paman lumisan, nahawakan ko ang 'yong kamay.
Araw, buwan at linggo ang lumipas ako'y lalong nahuhulog sa'yo, dumating ang araw na ikay nanligaw ngunit nung ako'y niligawan ako'y lagi ng iyong binubugaw
Ako'y habol ng habol kahit masakit ikaw padin gusto ko ikaw habang buhay sinta.
Sinagot kita at sinabing tayo na ngunit isnag iglap naging maayos ang lahat ngunit ng aking kaarawan ako'y 'di sumipit, aking ginoo. Paumanhin dahil 'di ako pinayagan ni ina, umiyak na'ko ng labis ngunit ayaw padin nila pasyensya na
Nang tayo'y mag 'sang buwan ni wala kang bati sabi mo ikaw madmaing ginagawa ngunit ako'y nakuha kapang batiin kahit na akoy madaming ginagawa kahit pa mabitin ang aking pag lilinis
Ikalawang buwan na at 'di ka talaga babati kung 'di ko ipaalala napaiyak na'ko dahil mismo ding kaarawan ko'y 'di mo na maalala. Ang sabi mo'y aking ipaalala
Hanggang sa napagod kana ako'y laging nag iintay ang sabi mo'y ika'y napakabata pa. Dapat pala 'di muna kita pinakilala kung balak mong iwan ako at dapat hindi mona muna ako pinakilala sa iyong ama at ina.
Hanggang isang araw ang sabi mo'y malaya kana hindi ako pumayag. Ng sumunod na araw inulit mong muli ang iyong sinabi at hindi ako pumayag ngunit pinag pipilitan mo. At sinabing kaibigan nalang ang turing ko sa'yo. Nangako naman ako na hahanapin kita pag lipas ng limang taon salamat sa lahat aking mahal, mag ingat ka. Ikaw lang ang aking iibigin at wala ng iba salamat.