Chapter 2

88 8 5
                                    

"Sa haunted church kayo nakatira? " manghang tanong ni Eugene Kay Bry.

“kami oo, pero yung iba hindi. Kaming mga gusto ng tahimik tumitira sa mga haunted places, pero yung iba mas gusto nilang magpagala -gala." sagot ni Bry bago tumingin sa Kanya.

“Ano sasama ka sa loob? " tanong ni Bry sa kanya na tinanguan nya. Nanguna sa paglalakad papasok ng haunted church si Bry na agad nyang sinundan.

"Oh, may bisita tayo at dito narin sya titira " pagbabalita ni Bry sa mga kasama nitong multo sa haunted church.

“ Kuya Bry, sino sya? " isang cute na babae ang nagtanong kay Bry.

“Sya si Eugene " sagot ni Bry sa babae bago umupo sa lumang upuan ng simbahan.

“ah, ha - hai, ako si Jhoy " nagpapacute na pagpapakilala ng babae sa kanya pero di nya iyon tinugon.

Nakaramdam ng pagkadismaya si Jhoy nang balewalain sya ni Eugene pero hindi iyun naging dahilan para tumigil sya sa pagpapa-cute rito.

“By the way, welcome nga pala sa aming ghost house!!!! " nakangiting bati ni Jhoy kay Eugene. Mukhang nagtagumpay naman syang agawin ang pansin  nito dahil sa pagkakataong iyun ay tumugon na ito sakanya.

“Salamat Jhoy " tipid na tugon ni Eugene pagkatapos ay umupo sa tabi ni Bry.

“Paano nyo nagagawang maging masaya sa kabila ng kalagayan nyo ngayon? " seryosong tanong nya kay Bry.

“Dahil wala naman kaming ibang magagawa kundi ang magpakasaya para takpan ng ngiti ang lungkot sa loob namin" seryoso ding sagot ni Bry.

“ Paano ka namatay?, sa paanong paraan? " tanong muli ni Eugene dahilan para muling manariwa ang sakit ng nakaraan ni Bryan, muli nyang naalala kung paano sya pinatay ng mga taong walang konsensya.

Isang mabuting abugado si Bryan, nuong mga panahong nabubuhay pa sya. Tanyag sya sa pagiging mahusay na abugado dahil lahat ng kasong nahawakan nya ay naipanalo nya. Maraming kumukuha sa kanyang mayayaman na kliyente, pero maspinipili nyang tulungan ang mga mahihirap at kapos sa perang wala namang kasalanan.

   Sya ang tanging pag - asa ng mahihirap nung sya'y nabubuhay pa. Dahil din sa pagtulong nya sa mga taong nasa tama at katwiran, marami syang mga napabagsak at nakalaban na mayayamang tao sa bansa.

Namatay si Bryan dahil may naglagay ng bomba sa sasakyan nya na sumabog habang nakasakay sya. Hanggang ngayon hindi nya matanggap ang kanyang pagkamatay at hanggang ngayun hangad nya ang hustisya sa pagkamatay nya. Nahuli na ang taong naglagay ng bomba sa sasakyan nya subalit hindi parin nahahanap ang taong nasa likod ng pagpatay sakanya.

Pagkatapos magkwento ni Bryan ng nakaraan nya ay sinundan sya ni Jhoy sa pagkukwento ng nakaraan nito. Sinundan din ng iba pang kasama nila na sina Joseph, Wendie, Vincent, Charlie, Mae at Edward.

“Lahat tayo ay pinatay ng walang kalaban - Laban " kumento ni Joseph nang matapos ang pakukwento ng lahat.

“Pare - pareho tayong pinagkaitan ng karapatang mabuhay at hanggang ngayon ay patuloy na naghahangad ng hustisya. " dagdag ni Edward na nakasandal sa pader.

Sa pagkakataong yun napaisip si Eugene. Naisip nya na hindi pala sya nag-iisa, diterminado na sya ngayon, lalaban sya't pagbabayarin ang may sala sakanya.

" Pagbabayarin kita, Benidic" nasabi nalang nya sa isip.

—————●●●—————

"Anong ginagawa nila dito? " nagtatakang tanong ni Eugene kay Bryan nang may grupo ng mga tao ang pumasok sa kanilang tirahan na haunted church.

“Wala lang, susubukan lang nila kung may magpaparamdam sa kanila. " sagot ni Bryan sa kanya.

“Kung sabagay, kahit ako nuon hindi rin ako naniniwala sa mga multo. " natatawa nyang sabi pero, nahinto sya ng makita sina Joseph, Edward, at Mae na sumunod sa mga papaalis na grupo ng taong bumisita sa haunted church.

“Sandali, Joseph, Mae, Edward, anong gagawin nyo? " tanong nya sa mga paalis nang kasamahan  pero walang itinugon ang mga ito sa tanong nya. Lalapitan sana nya sina Joseph pero pinigilan sya ni Bry.

“Hayaan mo sila "pigil ni Bry sakanya.

“ Huh? ,pero bakit? " takang tanong ni Eugene.

“Lahat ng taong pumupunta sa mga tirahan ng mga gaya nating multo ay maaaring sundan multong gaya natin " sagot ni Bryan.

“ at bakit naman ___"

“ Dahil sa tingin ng mga multong gaya nila Joseph ay matutulungan sila ng mga taong susundan nila para sa hustisyang hinahangad nila" putol ni Bryan sa sinasabi nya.

Muling naalala ni Eugene ang mga taong nakita nyang sinusundan ng mga kaluluwang gala.

“ Kaya pala... pero paano kung hindi sila matulingan ng taong sinusundan nila? " huminga ng malalim si Bryan bago sagutin ang tanong nya.

"Maaaring hindi na sila makaalis dito sa mundo ng mga buhay bilang ligaw na kaluluwa. " sagot nito.

————●●●————

Lumipas pa ang panahon, natutunan na ni Eugene ang humawak ng mga bagay - bagay. Nakakapagalaw at nakakakontrol na ng mga bagay si Eugene gamit ang kanyang isip. Kaya nyang kontrolin ang paggalaw ng lahat ng bagay gaano man kalaki, maging tao ay kaya nyang maihagis at maiangat gamit lamang ang isip. Pero magagamit lamang nya ang kanyang kakayahan kung walang nakakakita at sa taong nag - iisa lamang.

Ghost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon