6

109 11 2
                                    

[6]

Kinabukasan, maaga akong gumising para pumasok. Ewan, excited yata akong pumasok para makita si Junho. Pero siyempre, hindi ko siya pwedeng kausapin kagaya ng dati. Ex niya na ako eh. Sinaktan niya ako. Hindi naman pwedeng close pa rin kami, diba? Ang awkward lang.

“Goodmorning, world!” masigla kong bati habang umiinat.

“Ah, aga mo ah.”

Nagulat ako nang magsalita si Minhyun hyung. Nasa may tapat siya ng pinto ng room ko, at aga-agang nagva-vacuum.

“Hehehehe, excited lang pumasok.”

Naglakad ako papuntang hagdanan, dinaanan ko lang si hyung.

“Nako, ang sabihin mo nasa Polaris na ulit si Junho.”

Napahinto ako tapos nilingon ko si hyung.

“Teka, paano mo nalaman hyung?”

“Baka kasi teacher ako sa Polaris diba?”

Ay, oo nga. Tanga ko naman. Music Teacher nga pala sa Polaris si hyung. Actually, kaka-apply niya palang don, pero nakuha na siya agad since alma mater niya ang Polaris. Hindi naman sobrang tanda niyan ni hyung, matanda lang siya ng five years.

-

Thirty minutes before magring ang bell, nakarating na ako sa school. As usual, late ang mga kaibigan ko kaya hindi na ako umaasa na maaabutan ko sila sa classroom.

Pero pagpasok ko ng classroom, nagulat ako. Hindi dahil maaga pumasok ang mga kaibigan ko, kundi nakita kong nasa classroom na ‘yung exchange students.

Nagtinginan sila sa akin. Awkward naman akong ngumiti, saka bumati.

“Goodmorning.” bati ko. Binati rin nila ako, pero hindi ko narinig si Junho. Alam mo ba, good ang morning ko dahil sayo pero hindi mo man lang ako binati. Hays.

Tahimik akong naupo sa upuan ko. Ang tahimik. Boses lang ni Hyeongjun saka Mingyu ang naririnig ko.

“Ah, Minhee.” tawag ko sa katabi ko para matanggal 'yung awkwardness.

“Hm?”

“Salamat ulit kahapon ha? Gusto kong bumawi kamo sayo. 30 points din kasi ‘yung natulong mo sakin.”

“Ah ‘yun ba? Ano ka ba Yunseong.. Teka.. Yunseong ‘di ba?”

Tumango ako. Grabe naman. Kahapon lang ako nagpakilala, nalimutan agad? Para ka rin si Junho, kinalimutan agad ako.

“Okay lang. Promise. Pero, in exchange, let's be friends?”

“Friends.”

--

Ayieeeee friendship na sila uwu

saving minhee ★ hwangminiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon