"SHUTA NAGDATE KAYO?!!!" Exagerrated na reaction ni Janice nang makwento ko ang nangyari last week. Wala naman kasing reason para hindi ko banggitin noh"You shut up Janice, nakakahiya ka nasa coffee shop tayo" iritang sita sa kanya ni Maya matapos nitong ibaba ang iniinom na kape.
"Sino bang hindi mapapasigaw nang ganun? Yung mag ex Maya! Yung mag ex! Nagdate eh! Nadinig mo yun sizt? Mga shuta to!" Sagot ni Janice sabay tingin sa akin.
"It was just a dinner" depensa ko dito na ikinataas ng kilay nito.
"Tignan mo Maya? Shinoshowbiz tayo ng isa....teka nga! Bakit parang wala kang reaksyon ngayon? Hindi ba dapat ikaw ang may ganitong reaksyon ngayon? Alam mo ba to?" irita nang tanong ni Janice kay Maya na hanggang ngayon ay relax pa ring naghahalo ng kape niya.
Nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa place nila Janice. Naging busy kasi si Janice for the past few days dahil sa expansion ng business nila kaya matagal din namin itong hindi nakita.
"Well it was actually my fault. Nadamay lang si Ken" mahinahong sagot ni Maya
"See? Tignan mo ako pa sinisisi mo. I am clean noh." Singit ko kaagad na mukhang hindi naman kinagat ni Janice dahil nakairap pa rin sa akin.
Ganyan talaga si Janice, naiirita pag feeling niya napagiiwanan siya sa mga latest tungkol sa barkada. Katulad lang din siya ng mga kapitbahay natin na nagagalit pag napagiiwanan sa mga tsismis.
"Aysus! Defensive?! Ano tong nangyayari bakit hindi ko alam? At bakit umabot ng ilang araw na hindi ko nalalaman?! Sumagot ka Maya!! Sumagot ka?!" Exagerrated na naman nitong reaksyon kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko kung hindi kuritin ito.
"Aray ko. Hayop ka! Ikaw na nga nagsinungaling,ikaw pa may ganang manakit diyan" reklamo nito
"Kumalma ka nga Janice, napaghahalataang tsismosa ka eh. Magdidinner dapat kami ni Ken, eh dumating si Seb kasama yung isa so sinama na namin. Yun nga lang walang dalang sasakyan si Clifford so kay Ken namin ipinasabay...and on the way sumama pakiramdam ni Seb so umuwi na lang kami" paliwanag ni Maya na ikinatango naman ni Janice.
Mabuti na lang at to the rescue lagi si Maya, mahirap pa naman magexplain dito kay Janice. I was about to drink my coffee nang biglang magtanong ulit si Janice.
"Eh bakit itinuloy ninyo ang dinner?" Nakakalokong tanong ni Janice sabay taas-baba pa ng kilay niya.
"Ha?" Maang kong tanong. Jusko akala ko naman nalusutan ko na ito. In the first place, bakit ko pa kasi kinwento sa kanila?
"Pwede namang hindi ninyo ituloy di ba? So bakit?"tanong ulit nito habang nakangisi
"Why not?!" Inis kong sagot. Bakit naman hindi? After all magkaibigan pa rin naman kami and we belong to the same circle of friends so again,why not?
"Ohhh may naaamoy ako.. fishy fishy fishy. Maharot" komento nito na tinignan ko lang nang masama.
"I must agree" mahinang komento ni Maya na hindi ko pinaniwalaan.
"Maya?! Seriously?"
Hindi ko naman naisip na magiging malaking issue yung pag payag ko na ituloy na lang namin ni Clifford yung dinner. Well medyo inisip ko na magiging issue, pero on the other hand nakakahiya naman kasing tanggihan and di ba nga naging kaibigan ko din naman yun.
BINABASA MO ANG
Oo na
HumorMaitatama pa ba ang pagkakamali sa ikalawang pagkakataon? Pagmamahal pa rin ba ang magwawagi?