[2]
Dumapo agad yung kamay ko sa bulsa ng palda ko para kunin yung panyong ipapamunas ko sa pisngi ko. Pero wala akong nakapa doon, kaya sinubukan ko ding hanapin yung panyo ko sa bag ko. Bumagsak ang mga balikat ko nang hindi ko rin nakita d'on.
Sobrang mahalaga pa naman sa akin yung panyong 'yon. May nakaburdang 'Ally' sa panyong 'yon na galing pa talaga sa lola kong namatay na. Pinunasan ko na lang muna ng palad ko yung pisngi ko bago ulit ako naghalungkat sa bag ko. Salamat na lang talaga at palagi akong may tissue sa bag! Incase of emergency heartbreak like this.
"Ally?" Napahid ko na n'on yung bwisit na luha ko nang nabigla ako dahil sa tumawag ng pangalan ko. "Ally... umiiyak ka ba?"
Yung boses na 'yon...
Pakiramdam ko, namumuo nanaman yung mga pesteng luha sa mata ko. Fuck that sincerity in his voice! Bakit kailangan nya pang iparamdam na nag-aalala sya? Why am I not moving on? Baliw ako dahil kahit masakit na, may part pa rin sa'kin na natutuwa dahil nararamdaman kong nag-aalala sya sa akin. Pero ang masakit... nag-aalala sya dahil... kaibigan nya ako.
"Ally..." pagtawag nya ulit at ngayon ay hinawakan na ako sa balikat mula sa likod. Humugot ako ng napakalalim na buntong hininga bago ko sya sagutin.
"H-ha? Ako? Hindi ah!" I know, I know. This kind of scene is a way cliche. Ewan ko, naaadapt ko na yata sa buhay ko lahat ng napapanood ko sa mga teleserye. "Ba't naman ako iiyak?"
"Bakit ayaw mo akong tignan?" tanong nya. Bumilis ang kabog ng dibdib ko.
Matagal na akong may pagtingin sa'yo, Ariel. Matagal na kitang tinitignan. Ikaw lang itong ayaw lumingon.
"Kasi..." sabi ko at tinuro yung likuran nya. "Si Sarah oh!"
"Ha? Anong meron?" lumingon sya sa tinuro ko at sinamantala ko yon para tumakbo palayo at palabas ng classroom. "Teka Ally!" narinig kong paghabol pa nya. Patuloy lang ako sa pagtakbo. "Alessandra Mae!"
Ayoko talaga kapag tinatawag nya ako sa buo kong pangalan. Parang magnet, o gravity na malakas ang epekto sakin. Hinihila ako pabalik sa kanya.
Iniling-iling ko ang ulo ko tsaka namalayang nasa may canteen na ako. Aba, tamang-tama. Susubukan ko yung tinatawag nilang stress-eating. Pumunta agad ako sa hamburger stall, at bumili ng dalawang burger at isang choco shake. Ang galing! Medyo gumaan nga yung pakiramdam ko pagkakain ko. Pero yung mata ko, ang sakit pa rin. Huhu.
Paalis na sana ako ng stall nang biglang humangin, kaya naman napahawak ako agad sa buhok ko at doon ko napansing may nawawala.
"Oh my gosh!" bulong ko at napakagat sa labi habang nililibot ng tingin yung lupa. "Yung clip ko." Yung favorite clip ko. Hala! Nalaglag yata nung papunta pa lang akong canteen! Malas naman oh! Tsk!
Sumimangot ako sa sobrang inis habang naglalakad at pinapasadahan ng tingin yung mga dinaanan ko kanina pero hindi ko na nakita yung clip ko. Hanggang sa mabangga na lang ako sa dibdib ng kung sino dahil concentrated ang tingin ko sa lupa.
"So-" magsosorry sana ako pero na-stock lang sa pagiging half-open ang bibig ko pagkatama ng mata ko sa kanya. "-rry." yumuko ako at uminit ang pisngi sa titig nya.
"Oh, Ally!" lumabas mula sa likuran nya si Sarah, kaya ayan nanaman yung puso ko, tumitibok nga, masakit naman. "Nandito ka pala? Samahan mo na kami ni Ariel magrecess."
Tumingala ako at ngumiti kay Sarah. "Di na. Tapos na akong kumain. Naka-dalawang burger nga ako eh!" tumawa ako para magmukha naman akong masaya talaga. Bago ko tignan si Ariel na tahimik lang na tinitignan ako at pinagaaralan. Parang gusto ko tuloy malusaw ngayon sa kinatatayuan ko. Pero hindi ko hahayaan yon, kaya ngayon pa lang, kailangan ko nang umalis. Naka-triple kill na ako kanina kaya hindi ko na hahayaang ma-K.O na ng tuluyan ang puso ko kapag nakita ko pa kung pano sila magsubuan ng burgers mamaya.
"S-sige ah... Punta na akong room." paalam ko bago ko sila iniwanan d'on. Pinagpatuloy ko na rin yung pagtingin-tingin sa lupa para hanapin yung nawawala kong clip. At napakaswerte ko talaga dahil nakabalik na lang ako ng room lahat-lahat, wala pa rin akong clip na nakita. Saklap.
"Ally, kompleto ka sa notes sa A.P?" napatingala ako sa kaklase kong nagtanong habang nakaupo na ako sa upuan ko sa room. Pagtingin ko ay si Jamil lang pala, na ngiting-ngiti sakin ngayon.
"Ah, oo." sagot ko. Ngumiti ako at ngumiwi bago yumuko para humalughog sa bag. "Ito oh."
"Thanks." Ngiting-ngiti si Jamil at akma nang aabutin yung notebook ko, nang may tumabig sa kamay nya na ikinabigla naming dalawa.
"Hindi kompleto yung notes ni Ally," napatingin ako kay Ariel na kunot na kunot ang noo habang nakatayo sa harap ko at may hawak na notebook. "Etong kay Joana na lang yung-"
"Hoy! Ariel, aba bastusan? Nagbabasa yung tao, kukunin mo yung notebook ko?!" kumunot ang noo ko nang nagreact si Joana na nakaupo sa upuang kaharap ko.
"Tsk! Pahiram lang naman!"sagot ni Ariel at nilakihan pa ng mata si Joana.
"Eto na lang notebook ko, Jamil, oh."
"Wag!" inagaw ni Ariel yung notebook ko.
"Ano bang problema, pare?" kumunot din ang noo ni Jamil.
"Tsk. Ang arte mo kasi. Ayan na yung notes ni Joana oh! Dalian mo na. Alis! Alis!" pinahawak nya yung notebook kay Jamil at tinulak-tulak ito palayo.
"Panira ka naman, pare, eh." kunot-noong reklamo ni Jamil bago ako hinabol ng ngiti habang tinutulak sya ni Ariel. "Ally, next time ulit ah?" sabay kindat pa.
Eh? Ang gulo naman ng dalawang 'to! Umiling-iling na lang ako at yumuko.
"Tae 'yon ah..." naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Masaya na sana ako, kaso narealize kong dyan nga pala talaga sya nakaupo. Nakita ko, mula sa pheripheral view na nakatingin sya sakin. "Alessandra..." tumayo ang balahibo ko at kumabog ang dibdib ko nang tinawag nya nanaman ako sa buo kong pangalan, which means, seryoso siya.
"Bakit, Ariel Ryan?" sagot ko nang hindi sya nililingon. Tinitignan ko kunwari yung notebook kong nilagay nya sa desk ko pero yung buong atensyon ko, sa kanya lang nakatuon. Pakiramdam ko tuloy, mabubutas na yung kanang pisngi ko sa kakatitig nya.
"Uhh..." umiwas sya ng tingin saglit at bumuntong-hininga. "Aish. Peram na nga lang ng pencil mo." dugtong nya.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka at ka-weirdo-han nya pero kinuha ko pa rin yung lapis mula sa pencil case ko.
"Oh." inabot ko sa kanya yung lapis nang hindi pa rin sya tinitignan.
"Bakit ba ayaw mo akong tignan?"
"Eh bakit ba kasi kailangan?" naiinis na nilingon ko na sya at tinitigan sa mata. Agad rin namang uminit ang pisngi ko. Gusto ko tuloy magsisi, lalo na nung ngumisi sya at ginulo yung buhok ko.
"Ayan. Akala ko kasi galit ka sakin eh. Ganyan lang palagi, okay?" sabi niya nang nakangiti bago yumuko para magsulat. Natulala lang ako dun saglit, bago ako bumuntong-hininga at yumuko sa sobrang inis sa sarili ko at sa katabi ko.
Bwisit ka, Ariel. Bwisit ka talaga kahit kailan! Puro drama tuloy ampeg ko ngayon dahil sa'yo. Kasi ganyan ka! Paasa! At eto naman ako, si tangang umaasa sa wala.
Naisip ko, siguro nga, ayaw nya akong pag-move on-in. Ayaw nyang kalimutan ko sya. Masaya sana kung mahal nya rin ako, pero hindi eh. Ayaw nya akong pag-move on-in dahil natutuwa syang paglaruan ako. Gusto nyang naaapektuhan ako sa simpleng mga galaw niya. Kaya sa tuwing sinusubukan ko nang bumitaw sa nararamdaman ko para sa kanya, nandyan nanaman sya, nagpaparamdam, at nagpapakita na merong pag-asa.
BINABASA MO ANG
A Weird Thing: Love (Completed)
Teen Fiction░s░h░o░r░t░ Love is a weird thing. You find someone you like and you're like, yes, I'll let this one ruin my life.