Makalipas ang 23 taon
“Bea, ano, sasama ka ba talaga sa outing? " tanong Kim.
“Oo naman, bakit? " tanong ni Bea habang inaayos ang mga dadalhin nyang gamit para sa outing.
“Eh, diba may party na inihanda ang daddy mo?" muling tanong ni Kim na tinabihan pa sya sa pagkakaupo sa kama.
“ Business party lang naman yun " sagot nya na parang wala syang pakialam tungkol sa party na tinutukoy nito.
“ Yun nga eh, business party, owner ng company ang daddy mo tapos wala ka dun? " nag- aalalang sabi pa nito.
“ Wala akong pakialam sa business na yun at lalong wala akong pakialam sa company ni Daddy " Nagmamatigas na sabi nya.
“Hayssst bahala ka! " tanging nasabi ni Kim, wala naman kasi itong magagawa. Kapag nagdesisyon na sya, silent nalang ito kahit pa matagal na silang magkaibigan, pagsinabi nya yun ang masusunod.
"Wow!., amazing! " Manghang nasabi ni Bea, matapos makita ang ganda at laki ng haunted church.
“Nakakatakot naman dito?? " Natatakot na sabi ni Kim.
“Ano guy's, sinong sasama sa loob? " Tanong ni Lito, isa sa katrabaho nila Bea.
“Kami " bulontaryo ni Bea.
“Si - sino tayo? " kinakabahang tanong ni Kim pero bago pa makasagot si Bea ay inunahan na nya ito.
" Ayaw ko sumama! , sabi nila pagpumasok ka daw sa haunted places, may isang nagambala mong kaluluwa ang susunod sayo. " sabi pa ni Kim pero hindi nya yun pinansin.
“Hay naku, naniniwala ka kasi dyan, kung ayaw mo bahala ka dyan basta papasok ako " nagmatigas nanaman si Bea at muli , wala nanaman syang nagawa para pigilan ito. .
"May paparating " pagbabalita ni Jhoy. Naimulat ni Eugene ang kanyang mga mata mula sa pagakakapikit. May mga dadalaw nanamang grupo ng mga tao sa haunted church na tinitirahan nila, pimikit syang muli ng mariin bago tumayo.
Samantalang habang nasa kalagitnaan na ng simbahan sila Bea ay may malamig na hangin ang dumampi sa kanila na naghatid ng kilabot sa bawat isa.
“Grabe ang!, ang lamig ng hangin ah " sabi ni Bea na nilakasan pa ang boses para mabawasan ang takot sa loob nya.
“Oo nga eh" pagsang ayon ni Anne na halatang takot na takot na. Sa reaksyon ni Anne ay natawa si Bea, para kasing tumiklop and sungay at buntot nito dahil sa takot sa kapwa nya demonyo..
“Nakakatakot pala dito! " bulalas ni Lito.
“hahahaha natatakot din pala ang kapre?? " humahalakhak na sabi ni Bea na naging dahilan para magtawanan ang lahat.
Umalingawngaw ang ingay nila sa buong simbahan. Malaking tao si Lito, kaya sya rin ang basketball team captain noong high school palang sila Bea .
“Ang iingay naman ng mga ito!! " inis na sabi ni Eugene na tinawanan lang ni Bryan.
“Alam mo Eugene, bakit hindi mo sundan yung isa sa kanila para hindi yung inaamag kana dyan! " natatawang sabi ni Bry.
“ Bakit naman? " tanong ni Eugene.
“ Kung ako lang ang papipiliin matagal na akong umalis dito pero kailangan ako ng mga kaluluwang nandito sa haunted church at ng mga kaluluwang ligaw parin ang landas. "sabi ni Bryan na syang muling nagpagulo ng isip ni Eugene.
“ Malay mo isa sa mga taong yan ang daan para makita at mahanap mo ang hinahanap mo" dagdag pa nito. Sa sinabing iyun ni Bryan wala sa sariling napatitig sya sa babeng para bang pamipyar sa kanya. Pilit nyang inaalala kung saan nya ba ito nakita ngunit kahit anong isip nya ay hindi nya alam kung saan at kailan nya ba ito nakita. Basta malakas lang ang pakiramdam nyang kilala nya ito.
BINABASA MO ANG
Ghost Love
ParanormalIsang multong walang ibang hinangad kundi ang makapaghiganti. Sa panahong nagkaroon sya ng pagkakataon ay magagawa nya pa kayang ipagpatuloy ang ninanais na paghihiganti kung ang taong nais nyang patayin ay mahalaga para sa nag - iisang babae na ka...