Chapter 4

66 3 0
                                    

“Saan nanaman kaya pupunta ang babaeng ito? " natanong ni Eugene habang sinusundan si Bea na nagmamadali sa paglalakad. Biglang napahinto si si Eugene nang biglang tumugil sa paglalakad ang babaeng sinusundan nya. Tumingala ito at nagpakawala ng buntong hininga. Napaisip sya kaya tumingala din sya at duon nya nakita ang isang napakataas na Commercial building. Hindi nya maintindihan kung bakit pero pamilyar sakanya ang gusaling iyun. Muli nanaman syang napaisip at muling inalala kung kailan nya ba ito nakita ngunit agad rin syang natigil sa pag- iisip nang muling naglakad paalis si Bea.

“Ano kayang iniisip nya? " tanong ni Eugene sa sarili na tinutukoy ay si Bea.

Hanggang ngayon ay hindi parin makalimutan ni Bea ang nangyari ng nagdaang gabi at sinabayan pa ng paulit - ulit na pagpasok sa isip nya ng sinabi ni Kim. “kapag pumasok ka sa mga haunted places, may susunod sayong kaluluwa " Paulit - ulit na sabi ng isip nya na parang nage - echo.

“Haaaaa..... kaasar!" napasigaw na sabi ni Bea.

“oh, anong problema nito? " nagtataka at natatawang sabi ni Eugene nang biglang sumigaw ang dalaga at nagmadaling pumasok sa simbahan. Pagpasok ay agad na umupo si Bea malapit sa altar. Samantalang seryosong tinitignan lang ni Eugene ang dalaga, nang bigla nyang naalala ang ginawa nya rito nang nagdaang gabi.

“Natakot talaga sya? " natatawang nasabi ni Eugene sa sarili.

“Lord, tulungan nyo po ako, paalisin nyo na po yung kaluluwang sumusunod sakin " Dasal ni Bea.

Muling napangiti si Eugene at tinignan ang emahe ni Jesus. “Oo nga, bakit hindi mo kami pinapaalis?, siguro dahil gusto mong maging tahimik muna kami at mawala muna ang galit sa puso namin?, yun ba?, yun ba ang dahilan? " muli nanamang napatanong si Eugene.

Muling nyang binalingan si Bea. Talaga ngang natakot nya ito at hindi parin ito nakakalimot sa ginawa nyang pananakot.

“Sorry" hindi nya namalayang sambit.

Hindi man maipaliwanag bigla nalang guminhawa ang pakiramdam ni Bea.

“thank you lord , ang lakas ko talaga sayo " nakangiting sabi ni Bea pagkatapos ay tumayo na at naglakad palabas ng simbahan.

“Palimos po" panlilimos ng isang matandang lalaki na nakaupo sa gilid ng pintuan ng simbahan.
Binuksan ni Bea ang wallet at kumuha ng 100 pesos.

“Mm lolo, eto po, bumili kapo ng pagkain mo. " nakangiting sabi ni Bea.

“Salamat ija " masayang pasasalamat ng matanda.

“amnn Lolo, ano po bang pangalan nyo? " tanong ni Bea.

“Ah ija, tawagin mo akong lolo Rendel" sagot ng matanda.

“Sige po, lolo Rendel. Magiingat po kayo ah " bilin pa ni Bea sa matanda bago umalis.

“Ayos ah, mabait din pala ang babaeng ito " nakangising sabi ni Eugene. Bago tuluyang sundan ang dalagang nauna nang naglakad ay tinignan nya ulit ang matanda ngunit, matinding pagkasindak ang naramdaman nya nang makitang matalim ang tingin nito sakanya. Nakakatawa man isipin pero sya ang napatakbo dahil sa takot dito.

Naglalakad si Bea nang biglang magring ang cellphone nya. Daddy nya ang tumatawag sakanya. Nagdalawang isip pa sya kung sasagutin ba nya o hindi, pero masnangibabaw ang pagnanais nyang malaman ang sasabihin nito.

“Hello dad " sagot nya sa kabilang linya.

“Bianca nasaan ka ba? pumunta ka dito sa bahay, hinahanap ka ni Kim " Sunod - sunod na sabi ng kanyang ama.

“Opo, papunta na'ko " walang ganang sagot nya bago putulin ang linya. Pumara sya ng taxi at mabilis na nakasakay.

Samantang si Eugene ay naiwan ng taxi. “Abay nananadya na ang babaeng yun ah,? kung ba't kase sya pa ang naisip kong sundan? " inis na himutok ni Eugene.

Ghost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon