Chapter 5

56 4 0
                                    

“Ngayon sabihin mong wala kang kasalanan, Dad " Bungad ni Bea, pagkapasok nya sa office ng ama. Napatingin sa gawi nya ang kanyang ama na bakas ang gulat at pagtataka.

“Lumabas ka muna at lumayo sa office ko " utos ng kanyang ama sa sekretarya nito.

“Ano bang sinasabi mo? " pagalit na tanong  nito sa kanya nang makalabas na ang sekretarya. Ngumisi naman sya sa sinabi nito.

Napakuyom ng kamao si Eugene dala ng galit kay Benidic, makita palang nya ang mukha nito ay gusto na nyang pumatay dahil sa galit ngunit hindi sya gumawa ng ano mang aksyon. Nakinig lang sya sa usapan ni Bea at ni Benidic.

“Dad, wag ka nang magmaang - maangan pwede ba!? " pasigaw na sabi ni Bea.

“Wala ka na ba talagang galang at binabastos mo ako? " galit din na tugon ng kanyang ama.

“Come on Dad, wag mong baguhin ang usapan!, alam mo ang ibig kong sabihin and tell me the truth! " giit nya

“What's Truth? " pasigaw na tanong ng kanyang ama.

“Dad, I already know everything! " halos sumigaw na sya dahil mahirap paaminin ang kanyang ama. Natigilan ito at sandaling hindi nakapagsalita.

“Alam mo Dad, noon palang may kutob nako eh, may kutob nako na may kinalaman ka sa pagkamatay ni Tito Eugene " naluluhang sabi nya.

“Anong sinasabi mo? namatay si Eugene sa aksidente " pagsisinungaling parin ng kanyang ama.

“Dad naman, hanggang ngayon ba naman itinatanggi mo pa rin? Alam ko na alam mong hindi namatay sa aksidente si tito, dahil pinatay mo sya! " Tuluyan ng bumuhos ang luha nya. Hindi na nya mapigilang maiyak. Bakit ba nagkaganito ang ama nya? Bakit ang sama - sama nito?

“Dad, alam ko na kaya lumayas ng bahay si mommy dahil nalaman nya ang totoo. Dahil sayo lumayas si mommy at naaksidente, dahil sayo kaya namatay si mommy, dahil sayo dad! " dagdag pa nya dahil ayaw parin nitong umamin. Pakiusap dad umamin ka na!.  Gusto nyang idagdag na hindi nya nagawa.

   Nawala ang galit sa mukha ng kanyang ama at napalitan iyun ng lungkot at guilt. Tama sya, yun nga ang pinag - awayan nito at ng mommy nya bago maaksidente ang mommy nya.

“Paano mo nalaman?" naiiyak na tanong ni Benidic sa anak.

Pagak na natawa si Bea sa narinig. Sa wakas inamin rin nito.

  “So, ngayon inaamin mo'na?, Anong klaseng tao ka? nagtiwala sayo si tito Eugene tapos anong iginanti mo sakanya? pinatay mo sya! " umiiyak habang mapait na natatawang nasabi ni Bea. Hindi talaga nya maintindihan kung bakit nagawa ng kanyang ama ang ganun kasamang bagay. 

“Ginawa ko iyun para sayo " lumuluhang paliwanag nito pero marahas syang umiling.

“Para sakin? baka para sa luho mo?, ito, itong tronong ito?, itong kumpanyang ito? itong kayamanan mo? hindi ako ang may gusto nito! ikaw ang may gusto! selfish ka Dad, sakim ka! " pagkatapos sabihin iyun ay agad tinalikuran ni Bea ang kanyang ama. Malalaki ang hakbang na lumabas ng office sya sa opisina. Gusto na nyang umalis, ayaw nyang makita ang pagmumukha ng kanyang ama. Hindi nya matanggap, bakit? Bakit ganun ang ama nya? Hindi naman nya kailangan ng kayamanan eh, tapos sasabihin nitong dahil sa kanya?.

“Bea, Bianca!! " pagtawag pa ng kanyang ama pero hindi nya iyun pinansin.

  .
  .
  .

  Panandaliang  nakalimutan  ni Eugene ang galit nya para kay Brnidic dahil ang pag-aalala para kay Bea ang tanging nasa isip nya ngayon. Agad nyang sinundan si Bea na patuloy parin sa pag-iyak habang naglalakad paalis sa gusaling kinaroroonan ni Benidic. Mas lalo syang naguilty sa ginawa nya sa dalaga. Hindi nya dapat ito dinamay sa galit sa ama nito, bakit ba habang tumatagal mas lalong gumugulo ang lahat?.

.
.
.
.

Pabagsak na napaupo si Benidic sa swivel chair. Hindi nya inaasahang alam na ng kanyang anak ang lahat pero hindi nya iyun ginusto.  Muli nyang naalala ang lahat.

Nakilala nya si Eugene noong isa palang syang simpleng empleyado, samantalang may -ari ng kumpanyang pinagtatrabauhan nya si Eugene.

Isang araw nakapulot sya wallet na may lamang napakalaking halaga ng pera. Wallet pala yun ni Eugene, hindi sya nagdalawang isip na ibalik ang wallet sa may - ari.  Buong puso at bukal sa kalooban nyang ibalik ang wallet  kahit pa nangangailangan sya ng mga oras na yun. Pero ang kapalit naman ay naging malapit sya sa boss nyang si Eugene. Tumaas ang ranggo nya sa trabaho at maraming beses din sya nitong tinulungan, kapag nangangailangan sya ay lagi itong tumutulong kahit hindi sya magsabi rito. Di naglaon nagtiwala na sa kanya ng lubusan si Eugene, sya lang ang kaisa - isahang taong pinagkatiwalaan nito ng lahat ng kayamanang pag-aari nito. Dahilan ng kawalan nito ng iba pang kamag-anak. Nag-iisa lang sa buhay si Eugene dahil sabay na namatay ang mga magulang nito, wala din itong oras para sa pag-aasawa, buong buhay nito ay iginugol sa negosyo. Sila lang at ng pamilya nya ang itinuring nitong pamilya.

Labis na naging malapit si Eugene sa asawa't anak niya lalo na sa anak nyang si Bianca. Hanggang sa dinukot si Bea ng mga kidnappers at ang hininging kapalit ng mga ito ay ang buhay ni Eugene. Wala syang nagawa kundi ang gawin ang gusto ng mga ito alang - alang sa kanyang anak kahit na labag sakanyang kalooban. Matapos ang pagpapapatay nya kay Eugene ay ipinagtapat din nya ang lahat sakanyang asawang si Eliza pero nagalit ito at naglayas ng bahay, iyun din ang dahilan kung bakit naaksidente ang asawa nya't namatay. Nabangga ang sinasakyan nitong kotse sa isang truck, halos nagkadurog -durog ang kotse nito sa lakas ng pagkakabunggo sa truck kaya hindi ito nakaligtas.

Naihilamos ni Benidic ang kanyang palad sa kanyang mukha. Paano na ngayon? Baka kagaya ni Eliza ay hindi rin matanggap ni Bea ang desisyong ginawa nya 23 years ago?.

.
.
.
.
.

Naupo si Bea sa ilalim ng isang puno gaya ng nakasanayan dito sya madalas nagtatambay lalo na kapag malungkot sya. Niyakap nya ang kanyang mga tuhod at malayang umiyak. Nakokonsensya sya sa nagawa ng ama nya. Mapapatawad pa kaya sila ng tito Eugene nya? Sana lang talaga.

“Tito Eugene kung nandyan ka at naririnig mo'ko, sorry ah, sorry sa ginawa sayo ni Daddy. Sorry din sa nagawa kong kasalanan sayo, sana matahimik kana... " umiiyak na paghingi nya tawad sa kawalan umaasang naruon lang si Eugene at nakikinig sa kanya.

  Naalala ni Eugene ang kabataan ni Bea, kapag pinagagalitan ito ng mga magulang nito ay tumatambay ito sa ilalim ng malaking puno para duon umiyak. At sya naman itong dakilamg spoiler, lagi nya itong nilalapitan at pinapatahan.

Ngumiti si Eugene at nilapitan si Bea. Hinaplos nya ang pisngi nito. “Pinapatawad na kita, Bianca " sambit nya.

Natigil sa pagiyak si Bea at luminga - linga habang sumisinghot pa. Kung tama sya ay may naramdaman syang may humaplos sa pisngi nya. Hindi nya maunawaan ang nararamdaman nya sa mga oras  na yun, para bang nawala lahat ng bigat na dinaramdam nya?.  Sa pagkakataong ito muling gumaan ang pikiramdam nya sa isang iglap lang.

“Pinapatawad na kaya nya ako? " naitanong nya sa isip kasabay ng pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi. Sana nga tama sya... sana pinapatawad na sya nito.

Ghost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon