Ikaw ang Simula't Katapusan

2 0 0
                                    

Ang sariwa at malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat tuwing sumasapit ang umaga, ang sinag ng araw na sumisimbolo sa panibagong araw na may pag-asa, at ang nagkakaisang mga mamamayan sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligiran. Ganito na lamang isalarawan ni Mang Tonyo ang kaniyang kinalakihang bayan ng Sto. Niño.

Ang Sto. Niño ay isang maliit ngunit napakapayapang bayan. Kaunti lamang ang bilang ng populasyon dito, ngunit lahat ng mga naninirahan sa bayang ito ay masaya at malayo sa anumang mga problema. Magkaroon man ng suliranin ay agad-agad din naman itong nalulutas.

Kilala sa bayang ito si Mang Tonyo. Si Mang Tonyo ay isa sa mga pinakamatatandang mamamayan sa Sto. Niño. Kilala siya sa kaniyang kasipagan sa pamumuno ng kaniyang nasasakupan. Ngunit mas kilala siya sa kaniyang mga kuwento patungkol sa kaniyang kabataan. Parang isang barako (lalaking pato) si Mang Tonyo sapagkat hindi siya nauubusan ng mga kuwento; hindi siya kayang pigilan ng kung sinuman na magsalaysay ng kaniyang mga karanasan nung panahon ng kaniyang kabataan, lalo na kapag siya'y nakainom.

Isang araw, ang mga batang naglalaro sa daan ay nakita si Mang Tonyo na umiinom ng lambanog habang pagewang-gewang na naglalakad patungo sa isang kubo upang umupo. Pinuntahan ng mga bata si Mang Tonyo.

Si Tina, isang makulit at bibong bata, ang nagtanong sa lasing ng si Mang Tonyo, "Mang Tonyo, maaari mo po ba kaming kwentuhan ng iyong buhay noong ika'y bata pa?" " Aba'y oo naman!" ani Mang Tonyo. "Mga bata, handa na ba kayonv makinig?" "Opo!" malakas na hiyaw ng mga bata na gusto nang marinig ang kaniyang kwento.

"Noong ako'y 20 anyos pa lamang," ang panimulang salita ni Mang Tonyo, " kapag ipinagdiriwang namin ang araw ng kapistahan ng bayang ito ay abala ang mga kalalakihan sa pag-aayos ng entablado para sa pagdiriwang. Ang mga kababaihan naman ay abala sa paggawa at pagluluto ng mga masasarap na kakanin, puto-bumbong, kutsinta, at mga puto bilang pagkain ng mga manggagawa. Abala na din ang mga magtitinda sa tabi ng entablado sa pagbuo ng kanilang maliit na puwesto.

Tuwing gabi, ay tiyak na lahat ng mga mamamayan ng Sto. Niño ay lumalabas sa kanilang mga tirahan upang pumunta sa lugar ng pagdiriwang. Bago ka pa man makarating sa iyong paroroonan ay maaamoy mo na ang mga sari-saring luto ng mga nagtitinda sa tabi ng entablado. Pagdating sa entablado ay bubungad sa iyo ang mga naggagandahang mga palamuti, mga nakasisilaw na mga ilaw at isang malakas at nakaaaliw na na kanta."

"Kay saya naman ng pagdiriwang ng pista noong kabataan niyo, Mang Tonyo," ani Boyet, kasamahan ni Tina. "Aba oo naman! At sa tuwing pumupunta kami roon sa lugar ng pagdiriwang ay talaga namang matutukso kang bumili ng mga kakanin, puto, kutsinta, puto-bumbong, balot, kesong puti at marami pang iba, sapagkat talaga namang napakalinamnam ng mga ito at nakatatakam, lalo pa dahil ang bawat puwesto ng mga nagtitinda ng mga ito ay iba't-iba ang mga timpla na kay sarap at kay linamnam!

Tuwing bukang liwayway, gumigising na kami upang maghanda sa aming mga araw-araw na gawain. Ang mga tindero't tindera nama'ya abala na din sa paghahanda ng kanilang mga sangkap sa pagluluto ng mga pang umagahan. Ang ilan sa kanila'y nagpapalambot na ng mga karne at mga gulay na gagamiting sahog sa kanilang mga ihahain, ang iba nama'y abala na din sa paghahanda ng mga naluto ng mga umagahan sa salumpwet (upuan).

Pagkatapos kong mag-ayos ng aking pinaghigaan at maghilamos, akin nang sisimulan ang paglalakad papunta sa bilihan ng mga pang-almusal. Sa aking pagdating, halos hindi na ako makabili ng aming kakanin ng aking pamilya sapagkat lahat ng mga nakahain ay masasarap. Napakahirap pumili ng bibilhin. Ngunit, sa isang puwesto lamang ako dumidiretso upang bumili ng almusal, sa tindahan ni Aling Maria. Isa ako sa kaniyang mga suki ng kaniyang goto. Kakaiba ang kaniyang goto, sapagkat nilalagyan niya ito ng adobong manok bilang kaniyang sahog. Marami din siyang mga nakahain na almusal: bagong lutong mga pandesal na kanilang ginawa ng kaniyang asawa, tsamporado, sopas, at pancit."

"Nakagugutom naman po ang inyong kwento, Mang Tonyo," ani Bobot, isang batang napakatakaw.

"Meron pa. Tuwing tanghalian naman, tuwing ako kakain galing sa aking pinagtatrabahuhang pagawaan ng mga tinapay, didiretso na ako sa tindahan nila Aling Inday. Siya ay kilala sa kaniyang bulalo. Kakaiba ang timpla ng kaniyang bulalo, kaya naman wala pang halos dalawang oras ay simot na simot na ang kaniyang panindang bulalo. Paunahan na lamang sa pagpunta at pagbili sa kaniyang puwesto. Kaya dali-dali akong pumunta at bumili sa kaniyang tindahan. Napuno ang aking kumakalam na sikmura ng napakasarap niyang bulalo at dalawang order ng kanin. Simot-sarap ang kaniyang paninda.

At pagsapit ng gabi, ako'y uuwi na at magpapahinga nang panandalian. Kapag nagsimula nang patugtugin ang isang masiglang kanta ay dali-dali na kaming kakain at gagayak ng mga kapatid ko sa entablado at makikibahagi sa taunang pagdiriwang ng ating bayan, ang bayan ng Sto. Niño. Madaming sayawan, hindi mawawala sa pista ang mga palaro para sa mga katandaan at mga kabataan, mga inuman, kwentuhan ng mga magkakaibigan, at siyempre, ang pagkain ng mga tradisyonal na mga pagkain gaya ng kakanin, puto, kutsinta, at iba pa."

"Hay nako, kay sarap talagang balik-balikan ang aking buhay-kabataan. Kung maaari lamang na ako'y maging makisig na binata muli," sabay buntonghininga ni Mang Tonyo. "Kay saya ng inyong buhay noong kayo ay bata pa, Mang Tonyo," ani Tina, Boyet, at Bobot. "Talagang walang tatalo sa ganda at saya ng bayan ng Sto. Niño!" Sigaw ni Mang Tonyo na bigla na lamang nakaidlip dahil sa sobra nitong kalasingan.

"Ay, Tina, Bobot, nakatulog na si Mang Tonyo. Mukhang napagod na kakakwento at siguro dahil lasing na lasing na," ani Boyet sabay tawa ng tatlong magkakaibigan. Mahimbing na ang pagkakaidlip ni Mang Tonyo kaya nama'y umalis na ang tatlong bata at humingi ng tulong sa ibang mga kalalakihan na malapit sa kubo upang maihatid na si Mang Tonyo sa kaniyang tirahan upang makapagpahinga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Walang Kapantay ang Sto. Niño!Where stories live. Discover now