Chapter 7

280 9 0
                                    

Kinaumagahan ay dali dali naman akong nag ayos ng sarili dahil papasok pa ako sa university. Ikatlong araw na ng klase magmula nung pasukan. Hindi ko manlang namalayan na andami ko na palang kahihiyan na naranasan, isama mo pa yung kapalpakang plano sa damuhong 'yon. Para tuloy akong natatakot pumasok ngayon. Ay hinde, kailangan ko talagang pumasok para ipamukha sa mokong na yun na di ako affected sa nangyari kagabi.

Minadali ko ang kilos ko sa pag-aayos ng sarili ko. Naka sibilyan pa rin ako. Saka na ako magsusuot ng uniporme sa susunod na linggo. Kinuha ko na yung backpack kong kulay asul na may brand na Hawk saka ko sinuot. Muntikan ko na rin na maiwan yung headphone, pero buti nalang naalala ko bigla. This is me, music is life. Musics are my soul, kaya kung walang musika, literal na boring!

Pagkalabas ko ng apartment, sinarado ko ang pinto at kinandado. Sumakay ako sa motor ko, inilagay yung sumbrero saka dinagdag kong isinuot yung headphone na dala ko. Baduy ba? Wala akong pake! Kompyansa naman ako sa sarili ko na kahit ano man ang isuot ko, maganda ako. Its about confidence ika nga.

Pinaandar ko na ang motor, pinaharurot yun ng medyo may kabilisan. Ang dami kong iniisip kung ano na naman ba ang naghihintay na mangyayari sa akin mamaya. Letse! Nakakahiya kasi ang nangyari kagabi, ano pa sasabihin ng mga kaibigan ko na hindi ko manlang nagawa ng maayos yung planong pagpapatay sa takot yung Kingkong na yun. Lucky him, I don't know what's next to do. But there's this thing I kept in mind that will give him danger! Sisiguruhin kong ikapapahamak na niya ito.

Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa loob ng university. Ni-park ko ang motor ko malapit sa Architecture Department. May kalayuan sa department namin. No choice, yun nalang kasi yung tinuro ng gwardya sa akin na pwedeng pagparkingan dahil doon lang may bakante. Bumaba ako sa motor, saka tinanggal yung headphone na suot ko.

Nagulat ako ng may naramdaman akong kaluskos ng lakad sa likuran. Hindi ko ito masyadong pinansin dahil nag aayos pa ako ng sarili ko.

"Bibicup" 

This gives goosebumps all over my body. Nagulantang ang katawang lupa ko. Nahinto ako sa pagkaka-ayos ko sa sarili. Halos lamutakin ako ng kaba dahil sa boses na narinig ko. Nakilala ko bigla yung lalaking nasa likuran ko dahil iisang tao lang naman ang madalas na magsabi sa akin ng ganyan. Nag-iisa lang siya. At ayoko talaga siyang makita, sa totoo lang.

Hindi ko siya nilingon, saka ako dali-daling humakbang papalayo sa lalaking 'yon. Ramdam kong sumusunod siya.

He gave me a heavy sigh "Pipay, alam kong galit na galit ka sa akin. Ayoko ng nagkakaganyan ka." paliwanag niya.

Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa lakad. Ginagawi ko ang daan papunta sa department namin.

"Nagbago ka na. Hindi na ikaw yung nakilala kong Pipay. Sorry na." bigla nalungkot ang kanyang boses.

Pagkarinig ko sa mga salitang yon ay nahinto ako, ang tabang sa pandinig besh! Tsaka why all of the sudden? Kung kaylan nakakalimot na ako, saka mo pa gusto ulit halungkatin ang nakaraan! 

Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa, kaya dahan-dahan ko siyang nilingon. Nakasimangot ako, kita sa mata ko ang inis at galit.

From then, I didn't gave him my straight stare."For what?" mahina ang pagkabikas ko, panay ang kagat ko sa aking labi na pinipigilan ang nararamdamang galit.

"For everything i did before, i left you witho--ut your permi---ssion." nauutal niyang paliwanag sa akin.

Ayoko ng ganitong eksena, naiirita na naman ako. Ang drama na naman ng pagtatagpong 'to. Bakit? Ano na naman ba 'to? Nakita ko yung bakanteng upuan sa may park. Tinignan ko yung oras sa relo ko, matagal pa para magsimula yung first subject namin. Kaya naisip kong pumunta doon at umupo ng pagkasiga-siga. Sumunod naman sa akin yung lalaki.

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon