Chapter 11

215 8 0
                                    

[King's POV]

Matapos kaming magpalipas ng oras kakalangoy ay wala na kaming ibang gawin kundi umakyat na pataas ng bundok. Nakakaloko! At talaga nga namang dito pa mismo sa lugar naganap yung diko makakalimutang pangyayari ng buhay ko. Naalala ko si Pipay dito, naalala ko siya kasamang kong nagsisisigaw pababa at pataas ng nakagapos sa aming rubber na tali. Nakakatawa. Nakakatuwang balik-balikan ang reaksyon ng kanyang mukha ng mga sandaling iyon.

Nang makaakyat kami ay di na muna kami nagpalit, tanging yung mga suot lang namin pang ibaba ang nagsisilbing saplot namin. Basang basa pa rin kami, at puno ng buhangin ang aming mga paa. Kinuha namin yung mga damit namin na nakasampay lang sa mga puno at saka ginawi kung saan ang bahay na tinutukoy ni Neil.

Naglakad naman kami papunta sa malaking bahay, hindi naman kalayuan ito.

Nang makarating kami ay agad namang bati ang tito ni Neil sa kanya at gayundin ang pagbibigay galang niya mula rito. Pinapakilala naman kami isa isa sa kanila at nang mapukaw na ang tingin ng isang Tito niya sa akin ay biglang gumuhit ang kunot sa kanyang noo. Tila ba nag-iisip ng sasabihin sa mula sa akin.

"Teka. Mukhang kilala ko tong batang 'to ha. Diba ikaw yung may kasamang babae kagabi? Yung hinila namin sa lubid na rubber ba yon?" sabi niya sa akin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

Ay nako! Lintek, bakit ako namukhaan nito at balak pa niya talagang pag usapan pa yung nangyari kagabi dito. Nako, nako huwag naman sana.

"Ah eh, hehehhehe opo." sabi ko namang napakamot ako ng ulo at halatang nahihiya ako pagkasabi ng mga salitang yon.

Nagtinginan ang mga kaibigan ko sa akin. Yung titig nila Andre at Jun ay parang nangungutya, para nila akong inaasar sa kanilang mga tingin. Nakakapotek naman. Itong si Aron at Neil naman ay nakangiti lang den, mukhang nag aabang ng mga detalye na nais mabanggit pa ng kanyang Tito. At samantalang diko mawari ang mukha ni Sonn, para siyang nag-aalala. Para siyang wala sa sarili.

"Oh kamusta naman kayo ng jowa mo nang sandaling 'yon? May pakiss kiss ka pang nalalaman sa kanya kagabi ha. Yieeeee talaga nga namang magaling ka magpakilig at mangsurprise ng mga bebot ha." pabiro naman nitong sabi sa akin. May kung anong kilig siya sa kanyang nararamdaman.

Nanlaki yung mata ko, at pinilit na ngumiti ng nahihiya pa rin ang itsura. Ano ka ba Tito, ba---bakit napaka chismoso mo! Napakabulgar mong magsalita ha.

Paglingon ko sa nakikinig kong mga kaibigan ay nagulat rin sila. Nagtatanong na yung mga mukha nila. Nakakaewan sila! Ano na? Masyado naman kasi madaldal itong Tiyo ni Neil, sarap hugutin yung dila niya at paikot-ikotin hahaha.

"Ahahahahahaha" kunwari tawang tawa ako sa sinabi ni Tiyo ni Neil para maiba yung usapan.

Nagtaka naman yung mga mukha nila, teka? Tumawa kayo! Diba nakakatawa yon? Oo guys, nakakatawa talaga yon.

May kung anong ispirito atang sumapi sa akin at ganun na lang ako kumilos at magsalita. Nakakahiya, ano na lang sabihin ng kaibigan ko bakit may kiss pang nalalaman nung gabing yon?

"Tito, magsashower lang naman muna kami." pag iiba naman ng usapan ni Neil.

Wala ng mga salitang sumunod na naitanong sa akin ng magsalita pa si Neil. Sinundan naman namin si Neil at tumungo sa loob ng bahay para hanapin yung banyo. Sa lawak ng kanilang banyo ay sabay sabay rin naman kaming naligo roon at nagpalit na ng damit pagkatapos. Potek! Papasok kami ng basa ang brief! Imagine?

Pinakain kami saglit ni Tito Dred, pangalan ng tito ni Neil. May mga prutas pang bagong pitas ang inihain sa amin. Nakakatuwa nga dahil sabi niya, uulitin pa daw namin ang pagbisita ng madalas para naman magkabuhay yung bahay nila. Sa kami lang talaga yung maingay nung mga sandaling yon. Balahura talaga.

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon