Chapter 23

174 5 0
                                    

Hindi ko pa pala naibot yung cellphone ko kanina kaya naman, binigay ko na ng tuluyan. Napansin agad niyang pinuntahan at inopen yung gallery at siguro binura yung litrato niya. Dali dali naman siyang tumayo at binalik agad sa akin yung cellphone ko. Maya maya ay hinawakan ko siya sa braso at pinigilan ko siya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya ng mahina lamang.

"Wala ka ng pakialam doon." masungit na naman siya.

"Sandali lang naman wuy." sabi kong muli sa kanya.

"Bitawan mo ako pwede ba." pilit niyang inaalis yung paghawak ko sa kanyang braso.

"Ayoko." tugon ko.

"Ayaw mo?" lumaki yung mga mata niya sa akin, diko alam kung ano ang sunod niyang gagawain. Kaya napangiti nalang ako. Maya maya ay hindi ko inaasahang...

%@&#-+"!"!"+(#@(@#@8##*--***

Sinuntok niya ako! Nakakainis! Pipay! Pasaway ka talaga nakakainis ka!

Nagulat ang mga taong kanina pa nakamasid sa amin pati na rin si kuya Brixon. Bakit ba ang init init ng dugo sa akin netong babaeng to. Wala naman akong ibang intensyon na iba kundi makasama lamang siya ngayon, yun lang naman.

Bigla siyang tumakbo papuntang labas ng Bistro. Nagtagal muna ng ilang minuto bago ako nakagalaw dahil sa pagkagulat. Naalimpungatan ako, diko pinansin yung mga taong kanina pa nakatingin sa akin. Kaya naman ay sinundan ko si Pipay sa labas ng Bistro.

Nilingon-lingon ko ang aking mga mata sa paligid, wala na akong naaninag maski ang anino niya. Nakakabadtrip, ano kaya problema non? Ang labo niya, hindi manlang ba niya naramdaman yung kabaitan ko kahit sa sandaling nakasama niya ako? Hayssss Pipay ano ka ba!

Hinawakan ko ang ulo ko ng mahigpit sa sobrang inis. Saka ako bumalik sa loob at nagtungo kung saan kami umupo kanina, tanaw ko na tinitignan ako ni kuya Brixon habang papalapit ako sa kanya.

"Naabutan mo ba siya sa labas?" wika ni kuya Brixon sa akin na kita sa kanyang mata niya ang pag-aalala.

"Hindi eh, ewan ko ba dun, bigla nalang nag alburuto ng ganun yun. Wala naman ako kasalanan bukod sa pinigilan ko lang naman siya kanina." tugon ko naman na ramdam sa akin ang pagkadismaya.

"Baka naman nasaktan sa pagkakahawak mo sa kanya kanina." sabi nito sa akin habang hawak hawak nito ang liquor glass saka ininom ang alak.

"Hindi naman e, ano kaya problema non?"

Bakit ba pati problema niya prinoproblema ko? Ayokong pati yun bumabagabal sa buhay ko.

"Alam mo bang may trabaho yung tao? Kaya siguro nagmamadali siyang umuwe at kailangan naman talaga siyang umuwe ng apartment niya dahil hinahabol niya oras niya" pagpapaliwanag sa akin ni kuya Brixon na talaga nga namang mas lalo akong na curious kung ano png trabaho niya.

"Huh? Ano bang trabaho ni Pipay? Saan siya nagtatrabaho? Bakit wala ako nababalitaan na trabaho niya? Malapit lang ba apartment niya dito?" sunod-sunod kong pagbato ng katanungan kay kuya Brixon.

Bigla naman napatawa ng malakas si kuya Brixon na akala moy kami lang dalawa ang tao na nandoon sa loob ng Bistro.

Nalito ako sa reaksyon niya, bakit ano nakakatawa sa tinanong ko?

"Pambihira ka naman kuya Brix eh, wala namang nakakatawa sa tinanong ko ah." napakagat ako sa labi sa pagkalito.

Tinagayan ko naman yung baso ko saka ako uminom din.

"Basta. Bakit ba? Interesado ka ba sa kanya ha King." tinitigan ako ni kuya Brix na parang nang aasar.

"Hahahahahahahahaha! Hahahahahahhahaha!" ako naman yung napatawa ng malakas.

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon