Special Chapter

112 6 5
                                    

DAHIL MAHAL KO KAYO MAG LALAGAY AKO NG SPECIAL CHAP. HAHAHAHA TRIP KO LANG TALAGA DAGDAGAN PA...
😊😊😇😀 

“Anong ginagawa natin dito? " tanong ni Bea kay Eugene pagkababa nila ng sasakyan sa haunted church.

“May bibisitahin tayong mga kaibigan " sagot ni Eugene sabay hila sa kamay ni Bea papasok sa loob ng lumang simbahan.

Dahil sa sobrang dilim sa loob ng haunted church ay gumamit pa sila ng flashlight.

“Bryan.... " pagtawag ni Eugene sa dating kaibigan.

“Sinong Bryan? " tanong ni Bea.

“Makikilala mo rin sya " kumindat pa si Eugene pagkatapos sabihin iyun. Nakita iyun ni Bea dahil sa lakas ng flashlight nya.
Hinawakan sya nito at payakap na inakbayan pagkatapos ay muling tinawag si Bryan.

“Si Eugene ba yun? " hindi makapaniwalang natanong ni Jhoy habang pinakikinggan ang boses na tumatawag kay Bryan.

Napatayo naman mula sa pagkakaupo si Bryan nang makitang papalapit na sa kanila ang liwanag ng flashlight.

“ Hayssst... nasan kaya sila? " napatanong nalang si Eugene.

“Eh, sino ba kasing silä? " tanong ulit ni Bea dahilan para huminto sa paglalakad si Eugene. Bumitaw sya sa pagkakaakbay kay Bea at humarap dito, maloko nyang itinutok sa mukha nito ang flashlight nya.

“Eugene! " inis na saway ni Bea rito pero tinawanan lang sya nito.

Maya - maya pa'y itinigil na nito ang pagtutok ng flashlight sa mukha nya kaya agad syang dumilat, at itinapat rin ang hawak nyang flashlight sa mukha nito.

“OH, ano ngayon huh? " natatawang sabi nya kay Eugene na napapapikit dahil sa silaw pero nakangiti parin.

“Eugene!? " di makapaniwalang nasabi ni Bryan. Nakita nya ang mukha nito ng matutukan ito ng flashlight. Napangiti si Bryan at dali -daling lumapit kina Eugene kasabay nun ang agaran nyang pagpapakita.

“Eugene.. " napatingin sina Bea at Eugene sa pinanggalingan ng boses.

Napangiti naman si Eugene ng makita si Bryan. “Long time no see, Bry " nakangiting sabi niya.

“Ikäw ba talaga yan ? pa -paanong __"

“Buhay ka? " putol ni Jhoy sa sasabihin ni Bryan.

“Jhoy " nakangiting pagbibigay pansin ni Eugene dito. “Actually, it's a long story " tipid na sagot nya sa tanong nito.

“Sino yang babaeng yan? " baling ni Jhoy Kay Bea.

Payakap na inakbayan ni Eugene si Bea at nagsalita. “Girlfriend ko, si Bea " pagpapakilala ni Eugene dito

Halata sa timpla ng mukha ni Jhoy ang pagkadismaya at panghihinayang. Bahagya pa nitong inirapan si Bea.
Napangiti lang si Bea sa inakto ni Jhoy.

Ikinuwento ni Eugene ang lahat sa mga kaibigan nyang kaluluwa. Nakilala narin ng mga ito si Bea at kung paano sila nagkakilala. Pagkatapos magkwento ay ibinalita rin ni Eugene ang magandang balita para sa kaibigan nyang si Bryan. Ibinalita nya rito na nahuli na ang nagpapatay rito. Isang taong dating napakayaman na ngayo 'y naghihirap na bilang isang matandang pulubi.

Sa paglipas ng ilan pang mga araw ay nagpasya na si Bryan na umakyat sa langit. Samantalang, sina Jhoy at ang iba pa nitong kasamahang kaluluwa ay nais bigyan ni Eugene ng hustisya. Muli nyang binuksan ang kaso ng mga ito at pinaimbestigahan muli. Ngayon lahat ng mga kaibigan nilang multo ay muling nagkaroon ng pag - asang makamit ang hustisya.

Samantalang sila Bea at Eugene ay naikasal na. Ang araw na iyun ang araw na pinakamasaya sa buhay nila. Hindi naglaon ay nakalaya rin si Benidic. Biniyayaan rin sila ng kambal na anaK, isang babae at isang lalaki. Napuno ng saya ang kanilang buhay, kinalimutan ang lahat ng masasamang alaala at muling bumuo ng masayang mga bago at sariwang alaala.

Sa kabilang dako ay naroon lamang si Lolo Rendel at patuloy na pinagmamasdan ang masayang pamilya ni Eugene. Maya - maya pa 'y nakita sya ng mga ito at tinawag sya.

“Atty. Lopez! " pagtawag sakanya ni Eugene at Bea. Napangiti naman sya't tinungo ang gawi ng mga ito. Oopss, bago mag the end, Oo tama si Atty. Mark Lopez at lolo Rendel ay iisa.

=WaKaS

#ByebyeNa.
#SaWattpad lang may forever!

Ghost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon