CHAPTER 05

116 5 1
                                    

"I love happy endings!"

Iyon ang nasambit ni Sabrina habang papalabas sila sa bakuran ng bahay ni Cielo. Byron and Cielo are now officially together. Akalain mo nga naman sa tigas ng kaibigan niya ay mapapaamo ito ng makulit na kuya ni Brittany?

Oh well, masaya naman siya sa kinalabasan ng love story ng mga ito. Sunud-sunod na ang pagkakaroon ng boyfriend ng mga kaibigan niya. She sighed, sana lahat ng kwento may happy ending.

Sabay-sabay silang naglalakad nang mapansin niya ang dalawang pares ng magkasintahan na nasa harapan niya. Si Ryan at Dionne ay magkahawak ang kamay samantalang nakaakbay naman si Martin kay Brittany. Tumikhim siya.

"Aherm, baka naman gusto ninyong magpasintabi sa mga nakakakita sa inyo? Sinisira ninyo ang inosente kong mga mata," panunukso niya sa mga ito. Tumawa lang si Hershey na kasabay niyang naglalakad. Huminto naman ang apat sa paglalakad at hinarap sila. Huminto rin sila ni Hershey pati na sina Drew, Ice at Francis na naglalakad sa likuran nila.

"Sino na kaya ang susunod na papanain ni Kupido?" Halatang nanunukso rin si Dionne base sa klase ng ngiti nito sa mga labi.

"Ayan." Ininguso naman siya ni Brittany. "Si Sabrina."

Pinanlakihan niya ito ng mata. "Gusto mo bang ipadala ko na sayo ang listahan ng mga utang mo?" pagbabanta niya rito.

"Si Hershey pala," mabilis na bawi nito na ikinatawa na lang ng kasintahan nito. Hinalikan pa ni Martin ang sentido ng baliw niyang kaibigan. Siniko niya si Hershey.

"Hersh, ikaw na raw ang kasunod." She grinned and Hershey just smiled.

"Talagang nilalabanan mo pa si Kupido, ah?" singit naman ni Dionne. Alam niyang para sa kanya ang sinabi nitong iyon.

"Ako na lang ang papana sa kanya."

"Hmm. Paano nga kaya ang gagawin mo kapag pinana na ni Kupido ang puso mo, Sab?" tanong naman ni Brittany na nakatingin pa sa kalangitan na tila nag-iisip ng malalim.

"Imposible 'yon," maikling sagot niya.

"Bakit naman?" tanong ni Hershey sa kanya.

"Walang puso 'yan. Pera lang ang kilala niyan." Si Dionne naman ang sumagot sa tanong na iyon ni Brittany. Tahimik lang ang limang lalaki na nakikinig sa usapan nilang iyon.

"Tama. Wala nga akong puso," aniya sabay ngisi.

"Nasaan? Pagmamay-ari na ba ng iba?" Balak pa yatang maging part-time cupid ni Dionne.

"Itinago ko sa baul." Nauna na siyang naglakad atsaka nilagpasan ang mga ito bago pa siya mapagtripan ng tuluyan.

"Huuuu! Umiiwas ka lang, eh," pang-aasar ni Brittany sa kanya. Napilitan siyang humarap sa mga ito upang ipagtanggol ang sarili niya pero napunta sa iba ang atensyon niya. Hinanap niya si Hershey, wala na ito.

"Nasaan si Hershey?" tanong niya sa mga kaibigan niya.

"Wala na." Si Drew ang sumagot at naglakad palapit sa kanya. Si Ice naman ang hinanap niya, wala na rin ito. Napapalatak siya.

"Nagtanan na sila ni Ice? Naloko na." Inilabas niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang suot ng pantalon upang tawagan si Hershey. "Bakit hindi man lang nagpaalam ang mga iyon sa magulang nila?" Kinuha ni Drew ang cellphone niya at ibinulsa sa suot nitong cargo shorts.

"May nagtatanan bang nagpapaalam?" Napakamot na lang siya ng ulo sa sinabi nito. Hindi pa man siya nakakasagot ay narinig niyang nagpaalam na ang mga kaibigan nila.

"Mauna na kami sa inyo, ihahatid ko pa si Brittany," sabi ni Martin na nakaakbay pa rin sa kasintahan nito at nilagpasan na sila. Narinig pa niyang humirit si Brittany sa boyfriend nito.

Her Own Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon