CHAPTER 25

5.7K 117 22
                                    

CHAPTER 25

Ara's POV

"Isang shot pa" sabi ko sa bartender na siyang nagseserve ng inumin ko ngayon.

Nandito ako sa aking paboritong tambayan nung HB pa ako, here, exactly sa favorite and usual spot ko.

Matagal tagal na din simula ng mapasabak ako sa matinding inuman. At graduate na ako dun. Pero mukhang nirereview ko na naman ngayon yung feeling sa moments na yun ah.

Hay.

Hindi ko pa din lubos maisip na darating ang araw na hindi ko kahit kailan man inisip na darating. Akala ko magiging ok ang lahat kung sakaling darating nga ang hindi ko inaasahan, pero bakit ganito pa din yung epekto?! Bakit nasasaktan pa din ako, at hindi maiwasang maaalala ang mga pangyayare. That moment. That last momenr of ours.

***flashback****

Agad ko siyang hinabol after niyang magwalk out mula sa sanay surprise proposal ko sa kanya. At hindi ko namalayang dito na ako dinala ng mga paa ko kakasunod sa kanya, sa bahay ko.

Naaabutan ko siyang iniempake ang mga gamit niya mula sa kwarto niya. Agad akong tumakbo palapit sa kanya at pinigilan siyang iligpit ang mga gamit niya sa isang maleta.

"Babe naman... anong ginagawa mo? Wag namang ganito oh!" Pakiusap ko sa kanya at pilit na tinatanggal sa mga maleta ang mga gamit na nauna na niyang ilagay, para naman itong walang naririnig at ibinalik ang mga naialis ko na sa luggage

Hindi ko alam kung bakit kami umabot sa point na ito. Masaya naman kami ha. Sa araw araw naman na magkasama kami palagi kaming masaya, nararamdaman ko naman na mahal niya ako. A sobra sobra pa. Pero bakit ngayon? Nagpropose na nga ako. Bakit ayaw pa niya?

"Babe....Shie.... pag-usapan naman natin to. Bang... please..." pagmamakaawa ko sa kanya. Hindi naman ako nito pinapansin at ipinagpatuloy ang ginagaawa niya.

"Ba---Bakit ka ba nag-iimpake?! Pag-usapan natin to" at hindi ko inaasahan na may panibo na naman pala akong batch ng luha na naka impok sa kung saan sa mata ko na siyang dumadaloy ngayon sa mata ko at siyang nagpapalabo ng paningin ko.

"Babe...." pagpigil kong muli sa kanya.

"Vic!!!! Vic tama na!" Pasigaw nitong sabi at tuluyan na ding umiyak. Hininto niya ang ginagawa niya saka tumingin sa akin. "Ayoko na" nanghihina ng sabi nito.

Anong ayaw na niya?! Anong tama na?!! Mahal ko siya. Mahal na mahal.. bakit ganito?!!! :'(

"Bang. Shiela" yakap ko sa kanya ng mahigpit. "Mahal kita. Bakit mo ba to ginagawa ha? Diba mahal mo din naman ako. Saan ka pupunta?" Masuyo kong sabi dito at nararamdaman ko na ang panunuyo ng lalamunan ko dulot ng kanina pa patuloy tuloy na pagdaloy ng luha sa aking mga mata.

Hindi naman ito yumakap pabalik sa akin kaya naman mas lalong bumigat ang pakiramdam ko at mas lalong sumikip ang dibdib ko.

"Babe.... I love you. Gagawin ko naman lahat para sayo eh. Nabigla ka ba dun sa proposal ko?" Hinarap ko na siya and cupped her face. Pinunasan ko na ang mga luhang kanina pa dumadaloy sa mata niya at halos matutuyo na din. "Sige na wag na nating ituloy kung hindi ka pa ready... kahit ano gagawin ko Babe.... wag ka lang umalis...." muli kong pagmamakaawa sa kanya.

"Hindi mo kaya Vic" pag-iwas nito sa tingin ko.

Hindi kaya ang alin?!

"Lahat gagawin ko....Babe...sabihin mo lang" para na akong tangang nagmamakaawa sa mga oras na ito sa kanya para lang hindi niya ako iwan. Ganun ko siya kahamal. Mahal na mahal. Na mahal ko siya. Walang iba.

MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon