pinoy, laban

22 0 0
                                    

something just entered my mind last night, tried to write it down and it became this:

Ipilit man ang kamangmangan,

Sa'ming malayang kaisipan.

Aming labi'y 'di titigil,

Isigaw aming saloobin.

Kahit sa posas ay 'di takot,

Baril nyo man inyong iputok,

Hindi nyo kami masasadlak,

Sa mundong kayo ang may hawak.

Matakaw sa kapangyarihan,

Mga halimaw ng lipunan,

Kalayaa'y 'di maagaw,

Sa'ming may prinsipyong lumaban.

Busalan man ang aming bibig,

At kadenahan aming bisig,

Ang krusada'y 'di matatapos,

Sa pagbabanta't pambabastos.

Pinoy kami't puno ng tapang,

Ilalaban ang karapatan.

Pamamahayag, 'wag pigilan.

'to'y repleksyon ng ating bayan.

Hindi kami tanga't susunod,

Sa mga batas nyong baluktot,

Alam namin ang tama't mali,

Pinoy, 'di tayo patatali.

-end

-#no to cybercrime law

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

pinoy, labanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon